“What?! You agreed to help him?!” di-makapaniwalang bulalas ni Jessa matapos niyang ikuwento rito ang napag-usapan nila ni Eiyu noong nakaraang linggo. Lingid sa kaalaman niya ay inoobserbahan pala siya nito sa tuwing magkasama nila. At ang inakala niyang walang malisya na pag-imbita nito sa kanya na pag-sleepover sa unit nito ay naging interrogation portion pa tuloy.
Ibinalik niya ang tingin sa pinapanood na pelikula. Kasalukuyan silang nakaupo sa kama ni Jessa sa kuwarto nito. “Walang masama sa ginawa ko. Naawa kasi ako sa bata…pati kay Eiyu.”
Pinagtaasan siya nito ng kilay. “Naawa ka lang ba talaga? If I know, nahulog ka na rin sa karisma ni fafa Eiyu! Ay nako, bakla, baka i-hire ka na talaga ni Eiyu para maging nanay ni Vanna forever! And since he’s the legal guardian…ay basta maid of honor ako!” Daig pa nito ang bulate na binudburan ng asin sa sobrang pagkakilig. Tumili pa ito saka siya pinaghahampas. Napailing na lamang siya sa kakulitan nito.
"Stop it, will you? Baka magising ang mga kapitbahay natin. Saka ‘wag ka ngang assuming. Gusto ko lang makatulong.”
“Ang sinasabi ko lang, sigurdong may magandang patutunguhan ang pagtulong mong iyan,” nakangising sabi nito.
Sasagot pa sana siya nang pumailanlang ang matinis na tunog ng doorbell. Nagkatinginan silang dalawa. Sino bang nasa matinong pag-iisip ang mambubulahaw ng dis-oras ng gabi? Nang tingnan niya ang wall clock ay alas-onse na ng gabi. Si Jessa na ang nagprisintang tingnan kung sino man ang nagdoorbell. Bitbit ang baseball bat ay mabilis itong lumabas ng kuwarto. Masyado talagang warfreak ang kaibigan niya.
Pagbalik nito ay puno ng pag-aalala ang itsura nito. Napaupo tuloy siya nang maayos. “Sino ‘yon?”
“Si Ran. Kanina pa raw tawag ng tawag si Eiyu pero hindi ka sumasagot. Nadoble pa tuloy ang pag-aalala no’ng tao.”
“What do you mean?”
“Si Ylvanna raw, nasa ospital.”
“Ha?!” Tuluyan na siyang bumangon saka pinagpag ang pajama na puro breadcrumbs. Kaagad niyang sinipat ang cellphone niya na nasa ilalim ng unan. Naka-silent mode iyon.
Eiyu. 23 missed calls. Nasapo niya ang noo.
“Nasaan si Ran?”
“Pumasok na sa unit n’ya. Mukhang pagod na pagod, eh. Siguro nasa ospital din siya kanina,” ani Jessa. Agad siyang lumabas sa unit nito saka kumatok sa unit ni Ran. Nakasunod pa rin sa kanya ang kaibigan niya.
“Ran, kaya mo pa bang magmaneho?” bungad kaagad niya pagbukas nito ng pinto.
“Oo naman, bakit?”
“Ihatid mo ako sa ospital, dali. Hindi ako mapapakali kapag hindi ko napuntahan si Vanna.”
_________________
Eiyu fidgeted on his seat at the hospital’s cafeteria. Hindi siya mapakali sa kaalamang ang anak niya ay inaapoy pa rin ng lagnat, habang si Angela ay hindi niya makontak. Nag-aalala siya sa dalawa dahil hindi niya mapagsabay ang pagkumusta sa mga ito.
Pag-uwi niya ng bahay kaninang bandang alas-otso ay nakaabang na ang yaya ng bata at ng isa pang katulong sa gate. Agad nilang isinugod sa ospital ang bata, at nang ipasok sa emergency room si Vanna ay paulit-ulit na niyang sinubukan na kontakin si Angel. Sa dami ng subok niyang pagtawag dito ay wala itong sinagot maski isa. Nag-aalala siya na baka kung ano na ang nangyari sa dalaga.
Matapos uminom ng kape—dahil sigurado siya na mahihirapan siyang manatiling gising—ay nagbalik na siya sa hospital suite ni Vanna. Para lamang magulat sa nadatnan niya.
BINABASA MO ANG
Men in Love 1: The Chinky-Eyed Lover
Teen FictionInstant baby sitter. Iyon ang tingin ni Eiyu kay Angela. Panay ang panggugulo nito sa kanya para may makatulong umano ito sa pag-aalaga sa anak nito. Bakit kasi hindi siya makita ni Eiyu bilang girlfriend material sa halip na babysitter?