Chapter 6

5.7K 145 3
                                    

Nasa shop sila ni Jessa nang araw na iyon at gumagawa siya ng inventory dahil hindi pumasok ang taong dapat gumawa niyon. Si Jessa naman ay umaaktong sales representative at nakikipagbolahan sa isang prospective buyer. Nakatingin sa mga ito ng mga bago nilang tauhan na para bang inoobserbahan si Jessa para makakuha ng marketing techniques.

Inabot na sila roon ng closing dahil nagpumilit si Jessa na busisiin ang Ferrari na nakadisplay sa showroom. Naglalakad na sila malapit sa apartment building nang tumunog ang cellphone nito.

Ilang sandali pa at natapos din ito sa pakikipag-usap. Siya naman ang hinarap nito. “Sino ‘yon?” tanong niya.

“Si Ran, hinahanap ka. May sakit daw kasi si Eiyu. Ewan ko sa mga ‘yon, ha? Pero ang sabi ay nakakahawa raw kaya itinatanong kung pwede raw na dito muna ang anak niya. Natatakot siguro na mahawahan no’ng sakit.”

“Nasaan si Vanna?” tanong niya. Bigla ay nakaramdam siya ng awa para sa magtiyuhin. Walang mag-aalaga sa bata at gayon din kay Eiyu.

“Nando’n sa kabila, kay Ran. Pero tulog na raw. Agahan na lang natin ang gising bukas para makita natin siya,” sabi ni Jessa. Tinanguan na lamang niya ito. Hindi na niya sinabi rito ang laman ng isipan niya, kung bakit hindi si Eiyu ang personal na tumawag sa kanya para alagaan si Vanna.

_________________

Maaga pa ay naririnig na niya ang mga kalabog ng kubyertos at kung anu-anong kasangkapang pangkusina. Nang kapain niya ang higaan ay wala na si Jessa sa tabi niya. Madaling-araw na sila nakatulog dahil sa pakukuwentuhan habang kumakain ng mga chips.

Nang sulyapan niya ang bintana ay natuklasan niya na maliwanag na sa labas. Paglabas niya ng silid ni Jessa ay dumiresto kaagad siya sa kusina. Nahiya pa siya nang madatnan na nakaupo roon sina Vanna at Ran. Pinanonood ng mga ito ang pagluluto ni Jessa. Ni hindi namalayan ni Ran na tumakbo na si Vanna palapit sa kanya dahil titig na titig ito kay Jessa.

“Good morning, Mommy!” bati ni Vanna paglapit nito sa kanya. Kaagad itong nangunyapit sa batok niya kaya binuhat na niya ito. Nilapitan niya si Ran at bahagyang sinipa ang binti nito. Napatalon ito sa gulat.

“Good morning, Angel.”

Ngingitian lamang sana niya ito nang may maalala siya. “Ano ‘yong sinasabi ni Jessa kagabi na maysakit daw si Eiyu?”

“Naku, umagang-umaga, si Eiyu na kaagad ang itinatanong! Siguro s’ya rin ang nasa panaginip mo,” biro ni Jessa. Hindi na lamang niya ito pinansin. Ibinalik niya ang atensiyon kay Ran.

“Ah, y-yes, he’s kinda…uhm, s-sick?” Tila hindi pa ito sigurado sa sasabihin nito kaya pinagtaasan niya ito ng kilay. Mukhang may itinatago ito.

“Nasaan siya ngayon?”

“Ang alam ko ay nasa Tagaytay siya. Doon na kasi nakatira ang parents niya at ang mama niya ang nag-aalaga sa kanya. Kung doon siya mananatili sa ownhouse niya ay siguradong katulong lang ang titingin sa kanya roon.”

Tatanungin pa sana niya ito nang ilapag ni Jessa ang bandehado ng umuusok na kanin sa harap nila. Kaagad na tumayo si Ran para kuhanin ang mga plato at kubyertos. Siya naman ay inilapag muna si Vanna sa upuan para maghilamos.

“So, what’s your plan for today?” tanong ni Ran sa kanila nang makaupo na silang lahat sa hapagkainan. Si Vanna ay tahimik lamang habang sumusubo ng paborito nitong pancakes.

Nginisihan niya ito. “Sa shop namin, saan pa? Kailangan naming magpayaman.”

Napailing na lamang ito. “Pati ikaw, Jessa?”

Tumango lamang ang kaibigan niya na abala sa pagkain. Sumingit na naman siya. “Bakit ba interesado ka sa lakad namin ngayong araw?”

“Iiwanan ko sana sa inyo si Vanna kung wala kayong gagawin. May meeting kasi ako hanggang hapon kaya hindi ko pwedeng isama si Vanna. Hindi siya maasikaso ng secretary ko dahil kasama ko rin ‘yon,” paliwanag nito.

Men in Love 1: The Chinky-Eyed LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon