Dinig na dinig niya ang mga love songs na nagmumula sa radio station ng St. Andrew University. Nag-umpisa nang muli ang on-the-job training ng mga Mass Communication students nila kaya lagi nang bukas ang radio station, at maririnig iyon sa buong campus kapag hindi oras ng klase. Kapag naman may klase ay ilang bahagi lang ng campus ang nakakarinig niyon gaya ng administrative office, cafeteria, at iba pa.
Kabubukas lamang ng unang semestre noong nakaraang linggo. Balik na sa dati ang buhay niya na eskwelahan-bahay lang. Ang tanging ipinagkaiba ay wala nang sumusundo sa kanya tuwing hapon.
Napabuntong-hininga na lamang siya. Nilulunod niya ang sarili niya sa trabaho, ngunit may mga pagkakataong na kahit anong dami ng iniisip niya ay natatabunan pa rin iyon ng ibang isipin. Pilit pa ring pumapasok sa isipan niya ang maamong mukhang iyon na laging nakasimangot, kunot-noo at mga matang tila sinusuri ang kaibuturan niya.
Sa hapon pa ang susunod niyang klase para sa araw na iyon kaya naroon lamang siya sa faculty room at nag-eencode ng mga nakuhang marka ng mga bata sa test na ibinigay niya. Nang sumakit ang ulo niya sa kakatitig sa laptop niya ay nagpasya siyang tumayo at maglakad-lakad muna. Bibili rin siguro siya ng maiinom sa cafeteria.
“Good morning listeners!” bati ng DJ na naka-assign sa radio station. Dinig sa hallway ang boses nito dahil sa nagkalat na mga speakers doon. “We have a very special guest for today. He is one of the benefactors of SAU and also an alumnus of St. Andrew Academy. Mamaya ko na siya ipakikilala sa inyo dahil narito siya para sa isang mahalagang misyon,” pakwelang sabi nito.
Bahagya siyang napailing sa sinabi ng DJ. Malamang ang ‘misyon’ na sinasabi nito ay isang surprise inspection mula sa isa sa mga board of trustees ng eskwelahan. Hindi na siya magugulat dahil karaniwang dumarating ang mga ito nang walang pasabi.
“Mamaya ko na sasabihin sa inyo kung sino siya. You can guess by texting this number,” Sinabi nito ang numero ng cellphone na dapat i-text ng mga gustong makibahagi. “For now, let me play this song, dedicated to the special someone of our special visitor. Here’s MYMP for Baby Now That I’ve Found You.”
Nanatili lamang siya sa cafeteria habang pumapailanlang ang kantang iyon. Ilang estudyante ang dumaan sa harap niya at nakipagkulitan pa. Tawa siya ng tawa sa mga estudyante niya noong nakaraang semester na kunwari ay nagrereklamo sa grades na ibinigay niya sa mga ito. Nakikipagpalitan din siya ng biro sa mga ito.
Hindi niya napansin na tapos na pala ang kantang isinalang ng DJ. “So, Sir, may I ask about your important mission here in the university?”
“Yes. I just want to share to everyone of you my story.” Nang marinig niya ang boses na iyon ay muntik pa siyang napatalon sa upuan.
“There is this girl I really love. I guess I liked her the moment I saw her at the university grounds, even if her hair was slightly plastered on her face. And the way her eyes looked at me, I swear, it was poetry in motion.”
Kaagad siyang nagpasintabi sa mga estudyante na kumakausap sa kanya. Nakasalubong pa niya si Jessa ngunit hindi niya pinansin ang kaibigan kahit na tinawag pa siya nito. Tuluy-tuloy siyang lumabas ng cafeteria.
“Pero hindi lahat ng bagay ay pwede kong makuha. Her heart, for example, was not mine. Kahit pa itinaboy ko ang mga gustong manligaw sa kanya para ako na lang ang pagtuunan niya ng pansin, hindi nangyari ‘yon.”
Tila lahat ng nadaraanan niyang estudyante ay pakinig na pakinig sa nagsasalita iyon. Mayroon pa siyang nadaaanan na kilig na kilig, mayroong nakasimangot, at mayroon ding maluha-luha pa. Parang siya.
“I asked her out, hoping to make things right between the two of us, but I was wrong once again. Bigo na naman. Akala ko ay ayos na kami noong gabi iyon, pero hindi pala. Dahil noong sumunod na araw, ang sabi niya sa akin: ‘Sorry kung hindi ako ang babaeng nararapat sa’yo.’”
BINABASA MO ANG
Men in Love 1: The Chinky-Eyed Lover
Fiksi RemajaInstant baby sitter. Iyon ang tingin ni Eiyu kay Angela. Panay ang panggugulo nito sa kanya para may makatulong umano ito sa pag-aalaga sa anak nito. Bakit kasi hindi siya makita ni Eiyu bilang girlfriend material sa halip na babysitter?