Final examinations week ng SAU. Isang linggo na lang at makakapagbakasyon na rin silang mga professors. Iniisip na kaagad niya kung saan siya magbabakasyon. Tatawagan ba niya ang mga college friends nila ni Jessa para sa reunion? Pumunta kaya siya sa Batangas o sa Puerto Galera? Hindi naman siya mahilig sa beach. Ang totoo nga ay mas tipo niyang pumunta sa mga malls kaysa sa beach dahil hindi naman siya marunong lumangoy.
Mas mabuti pa siguro kung maiiwan na lamang siya sa apartment niya para i-monitor ang negosyo nila ni Jessa na pagba-buy and sell ng mga sasakyan. Tatlong taon na ang negosyo nilang iyon at kahit wala silang hilig sa sasakyan ay nakipagsosyo siya sa kaibigan. Ngayon ay hindi siya nagsisisi dahil marami siyang pera sa bangko dahil doon, samantalang wala siyang masyadong hirap sa pagpapatakbo ng negosyong iyon.
Habang iniikutan ang mga estudyante niyang tutok na tutok sa pag-eexam sa Calculus ay naagaw ang pansin niya ng isang armchair na may nakaguhit na puso. Puso pa ang nakita niya, of all images.
Damn vandals.
An image of what happened last Sunday entered her mind. Parang tanga na nag-init ang mukha niya kahit na centralized and airconditioning ng silid-aralan. Hanggang ngayon ay hindi pa rin maalis sa isip niya kung paano siya hinalikan ng masungit na lalaking iyon. Nababaliw na yata siya. Tatlong araw na ang nakakaraan mula nang mangyari iyon ngunit paulit-ulit ay sumasagi iyon sa isipan niya.
Pagkatapos ng nakakahiyang insidenteng iyon—kung saan may ilan pang nakakita—ay wala na siyang nagawa nang hilahin siya ni Eiyu at isakay sa kotse nito. Ito pa ang nagsuot ng seatbelt sa kanya dahil para siyang tuod na walang kakilus-kilos. Nang tumigil ang kotse sa harap ng apartment building nila ay kaagad siyang bumaba saka nagtatakbong palayo. Hindi na niya pinansin ang pagtawag sa kanya ni Eiyu. Sinira nito ang pantasya niyang first kiss! Naiinis na siya sa sarili niya dahil hindi niya makalimutan iyon. Kahit yata magtrabaho siya ng 24 oras sa isang araw ay pilit pa rin iyong sumisingit sa isipan niya.
“Ma’am, okay lang po ba kayo?”
Hindi niya ipinahalata ang pagkagulat nang ipitik ng estudyante niya ang mga daliri nito sa harap niya. She’s spacing out—in front of her students and during the hard final exams! Wala siyang kaalam-alam kung nandadaya na ang mga ito gayong nakaharap lamang siya sa mga ito. And it is all because of that gorgeous chinky-eyed man!
Talagang may gorgeous pa? Pwede namang chinky-eyed na lang.
“Ah, y-yes?” Pilit niyang nginitian ang kaharap na estudyante na magtatanong lamang pala sa kanya kung paano ang gagawin sa isang parte ng exams niya.
Pagkatapos ng lahat ng exams para sa araw na iyon ay kaagad siyang nagligpit ng mga gamit niya saka inilagay sa isang malaking paperbag. Free day ni Jessa sa araw na iyon kaya wala siyang kasabay pauwi. Mahirap pa dahil wala siyang kotse. Very ironic considering the nature of their business.
Palabas na siya ng faculty room nang makasalubong niya ang co-professor niyang si Gina. Tulad ni Jessa ay English din ang itinuturo nito. Hindi niya ito masyadong kinakausap dahil may pagka-tsismosa ito.
“Ah, there you are, Angela.” Nginitian pa siya nito. “Kanina pa kita hinahanap.”
Pinigil niyang pagtaasan ito ng kilay. “Bakit naman? ‘Buti naabutan mo pa ako. Pauwi na ako eh.” Bahagya niyang itinaas ang bitbit na test papers.
Kilig na kilig ang tawa nito. Hinampas pa siya nito sa balikat. “Sabagay. Kung kasing-guwapo ng sundo mo ang susundo sa’kin, talagang hindi ko paghihintayin ng matagal.”
“Ha? Sinong sundo?”
“Hindi mo ba alam? May lalaking naghahanap sa’yo. Nandoon siya sa office ni Dr. Fuentes,” ang tinutukoy nito ay ang college dean na nakakasakop sa kanila.
BINABASA MO ANG
Men in Love 1: The Chinky-Eyed Lover
Teen FictionInstant baby sitter. Iyon ang tingin ni Eiyu kay Angela. Panay ang panggugulo nito sa kanya para may makatulong umano ito sa pag-aalaga sa anak nito. Bakit kasi hindi siya makita ni Eiyu bilang girlfriend material sa halip na babysitter?