Chapter 06: Shot
"What you have are bullets, and the hope that when your guns are empty I'm no longer be standing. Because If I am..you'll all be dead before you've reloaded..."
3rd person's POV
Maririnig mula sa labas ng opisina ang mga yabag ng paa na paparating doon. Habang naririnig ang mga yabag na 'yon ay pinapagpatuloy pa rin niya ang pag tugtog ng piano. Ng akmang kakatok na ang kung sinong nagmamay ari ng mga yabag na naririnig ay nagsalita na siya agad.
"Oops! Don't you dare knock on my door if you don't have any valid reason to disturb me! you queer!" Napakuyom ng mga kamay at napabuga ito ng hangin at tumingin sa itaas na tila nagdadasal na huwag niyang patulan ang isip bata niyang boss.
"Boss—"
"Don't call me boss! ew! how many times do I have to tell you—" His brat boss was cut off when he suddenly spoke.
"The hacker has found." He stated firmly. Tila bumilog naman ang mga mata ng kaniyang boss at unti-unti ay humubog sa mukha niya ang saya na napalitan ng isang mapaglarong ngisi. Nilaro naman niya ang mga daliri niya sa mga piano keys.
"Get her..." She ordered.
"Our men is on their way, but...the hacker is with someone." That got her attention, she frowned.Dinabog niya ang mga kamay niya sa kaniyang piano na nagbigay ng malalim at malakas na tunog na iba sa kaniyang tinutugtog kanina.
"Then kill whoever's with—"
"Even if that someone is from Park's Clan?" She paused at animo'y kinilig sa narinig. "You mean Dennis Park?!"
"No"
"Huh? then who?" Binuksan niya ang pinto at hinarap ng mata sa mata ang lalaking nakasuot ng dress na pang babae, sa unang tingin ay hindi aakalaing lalaki dahil sa galaw at tindig gayon rin sa boses pati na rin sa ayos ng buhok at mukha niya.
He cleared his thoat "Bryan Park, the long lost prince of Park's Clan." He announced.
"The long lost prince?.." She paused and a grin curled on her lips. "Oh my gosh!" She screamed and grabed his dress' collar. "Get him too! get him too! please?"
"Ugh." He rolled his eyes 360 as his boss pleasing him.
Meanwhile...
"Go to hell idiots" Sabay dura at sipa sa nakadapang lalaking bugbog sarado, at ng maglanding na ang helicopter ay pinaputukan na ni Dennis ang ulo nito.
May mga lalaking bumaba sa helicopter at kinuha nila ang walang malay na si Lewis papasok sa helicopter. Habang may isang lalaking lumapit kay Dennis.
"Bumalik ka na sa base, you're causing too much trouble wherever you are." Saad ng lalaking lumapit kay Dennis na kung titignan ay nasa mid 20's na.
"Trouble? huh." Dennis tilted his head on the side and gave a smug look "How can I avoid trouble if I was born with trouble? Having Park as my surname then I must say... Mamamatay muna ako before trouble gets tired on me." He continued, akmang magsasalita pa ang lalaking kaharap niya pero agad niya na itong inunahan.
"Stop, lubayan niyo ko." Agad na itong tumalikod pero animo'y may nakalimutang sabihin at hinarap muli ang lalaking kausap habang ang mga mata nito'y tila naging kutsilyo sa talas ng tingin.
"By the way, what you did earlier was really a waste of time. Your game was boring."
"Ayoko na, ayoko na, ayoko na!! tulungan niyo ko!!" Saklolo ni Andrea habang pilit na sumasabay sa pagtakbo ni Bryan papasok sa isang arcade shop.
Agad namang na alerto ang mga taong nasa loob dahil sa mga putok na narinig, mabilis silang nagsitayuan sa mga pagkakaupo at animo'y nagkaroon ng stampede ang mga ito sa paglabas at dahil doon ay akmang isasabay ni Bryan si Andrea sa pagtakbo sa direksyon ng stampede, ngunit ng makitang papalapit ang ilang hitman ay nagsimula nanaman ang ilan sa mga ito na magpaputok ng baril na syang puntirya ay si Bryan—
"Aaah!"
Ngunit, iba ang tinamaan ng balang pinakawalan ng hitman. Bumagsak sa sahig ang katawan ng timaan nito, at kasabay n'on ay wala ni isa sa mga hitman ang gumalaw gayon rin si Bryan...
[Nandyan na ba kayo? where's the prince? kasama ba niya ang target?]
Nanginginig ang mga daliring hinawakan ang earpiece nito. "Th-The target's not moving" Sagot ng hitman na nakabaril kay Andrea na ngayo'y hindi gumagalaw sa sahig.
[What?! What happened?!]
Humakbang papalapit si Bryan at lumuhod, dinampi rin nito ang kanyang daliri sa leeg ni Andrea. At ng may nakumpirma siya dahan dahan itong tumayo kasabay naman n'on ay ang pagtutok ng mga hitman na tila sunod sunod ang pagdating mula sa mga kotseng galing sa labas ng shop.
"Natamaan ng bala ang target." Kabadong sagot ng hitman
[What the fck?! Buhay pa ba?! Hindi ba't sinabing wag niyong papatayin ang sino man sa dalawang yan!]
Akmang sasagot ito sa tanong ngunit hindi na nya ito nagawa ng hindi niya namalayang may bumaon ng patalim sa lalamunan niya.
Kahit ang mga ibang hitman ay nagulat rin sa bilis ng pangyayari. Bumagsak ito sa sahig habang ang dugo nito ay parang tubig na mabilis na lumalabas mula sa leeg at bibig niya.
"Don't move!" Singhal ng isang hitman habang nakatutok ang mga baril nito kay Bryan.
"This prince is a monster." Bulong ng isa sa mga ito habang ang lahat ng kanilang mga mata'y nakatutok rin sa kaniya.
Dahan dahan ay inangat nito ang tingin na siyang sumalubong sa mga mata nito na nagbigay ng kaba sa kanilang mga dibidb. Iba ang kaniyang mga mata, hindi tulad kanina'y napakatalim, dahil ngayon tila wala ng emosyon ang makita sa kaniyang mukha.
"What if I move?" Tanong ni Bryan sa mga ito, ngunit wala ni isa sa kanila ang nakasagot.
"Sabay sabay niyo ba akong papapaputukan?" Muli nanaman niyang tanong sa mga ito and again, no one dared to answer his question and because of that a wicked smirk appeared on his lips.
"What you have are bullets, and the hope that when your guns are empty I'm no longer be standing. Because If I am..you'll all be dead before you've reloaded..."
——
Sorry, eto lang na update ko. Nabura yung ilang chapters na dapat ay ia-update ko ngayon... But don't worry mag aupdate pa siguro ako ngayong araw or maybe bukas. ANW, anong course kukunin ng mga fresh graduate from highschool dyan? hahahay, tara kwentuhan tayo?