The next Boss [BTS Fanfiction]

13K 203 45
                                    

UNDER EDITING 





P R O LO G U E

Hingal na hingal kaming dalawang napasandal sa pader habang nagtatago. Akmang sisilip ako sa labas para malaman kung wala na sila pero agad niya akong hinila dahilan para mababalik ako sa pagkakasandal at maya-maya pa ay may mga lalakeng dumaan habang nililibot ang kanilang mga paningin.

Binalinan ko siya at nilagay lang niya ang kaniyang hintuturo sa tapat ng kaniyang labi. Buti na lamang ay nakatago kami sa maliit na espasyo ng eskinita dito.

At ng wala na kaming naririnig na ingay ng mga lalakeng humahabol sa amin ay muli akong nakahinga ng maluwag.

"Magkapatid ka'yo diba?!" Hindi malakas ngunit nandoon ang gigil kong tonong tanong sa kaniya

Ang alam ko. Brothers are meant to help each other not to kill each other! kaya bakit kami pinapapatay ng kapatid niya?!

binalinan niya lamang ako ng napakatalim na akala mo ay makakapatay na ng tao at kasabay n'on ay huminga siya ng malalim anaglabas ng baril.

Agad naman akong kinabahan ng ilabas niya 'to. Papatayin niya ba ako?

"Yun nga ang masayang parte dito e." He said habang may kumurbang hindi ko malaman ang kahulugang ngisi sa kaniyang mga labi. But sadness is written in his eyes.

"We are brothers but, only one shall rise and fall and only one shall claim the throne and only one shall suffer" He said as he clenched his jaw at kahit hindi nakatingin ay inangat niya ang kaniyang kamay na may hawak na baril sa gawi ko na talagang kinataas ng balahibo ko at ng balinan niya ang gawi ko

"Go to hell" sambit niya at dahil doon ay kusang napapikit ako

*BANG!*

Ngunit. ng marinig ko ang putok ng kaniyang baril ay wala man lang akong naramdamang pagtama sa akin ng bala sa kahit saang parte ng katawan ko at ng imulat ko ang aking pangin ay nakatutok pala ang baril niya sa likuran ko at ng tignan ko kung anong nasalikod ko ay animo'y nalaglag nalamang ang panga ko ng makitang may lalakeng nakahandusay sa sahig.

Napatakip ako ng bunganga. Hindi ako makapaniwalang makakakita ako ng gantong senaryo, sa buong buhay ko sa mga palabas ko lang 'to nakikita

"Dito! nandito sila!" May narinig akong may mga sigawan pang sumunod pag katapos n'on na dahilan para mapabalin ako sa kaniya na natataranta

Ano bang kasalanan ko para magkaganito ang buhay ko?! Mula ng magising ako sa pag kacomatose at lumipat ako sa pesteng university na 'yan nagsimula ng magkaleche-leche ang buhay ko! at mula ng makilala ko at malaman ko ang totoo na magkapatid 'yang Dennis at Bryan na 'yan hindi na huminto ang kamalasan sa buhay ko!

Agad niya ulit akong hinila patakbo papasok sa kung saang eskinita nanaman habang hawak hawak ang baril niya at e'to ako nagpapahila lang.

Pagkalabas namin ng eskinita ay akala ko makaka takas na kami ng tuluyan. . .

Pero, nagkamali ako. Maraming mga lalakeng may hawak na kani-kanilang armas gaya ng balisong, baril, dos por dos at kung ano-ano pa na dahilan para mapa atras ako ng lumuwag ang hawak niya sa akin at akmang tatakbo ako pabalik pero natigilan rin ako ng makita kong trap na pala kami dahil ang mga kaninang lalakeng naghahabol sa amin ay nandito na rin.

Napabalin ako sa kaniya pero mukhang wala lang sa kaniya ang nangyayari habang nakatingin ng deretso at ng tignan ko kung saan siya nakatingin.

Mas lalong lumakas ang kabog ng dibdib ko ng makita kung kanino siya nakatingin.

and as if on cue nagtutukan sila ng baril sa gitna ng mga nakapalibot sa aming mga lalakeng mukhang walang alam gawin kundi manakit.

I don't what exactly ang dapat itawag sa kanila. Kung krimenal ba o mga gangsters. Pero ang sabi nila. . .

Ang dalawang magkapatid raw na 'to ang nakatakdang magpatayan para lang sa trono ng pagiging Mafia boss. .

Like what the hell?! paano ako napasok sa gulong 'to?! but the real question here is. .

Who will be. .

The Next Boss?

*BANG!*

"AHH!!"

===============================

Ito po ang 3rd book ng "Married to a multi Billionaire Gangster (1st half)" at "Married to a multi Billionaire Mafia Boss" Pero pwede nyo po itong basahin kahit hindi nabasa ang dalawang book dahil may sarili 'tong plot pero kung gusto nyo po na mas maging IN ay basahin niyo na rin po xD. Anyway. Thanks po sa lahat ng mga sumuporta sa dalawang books. Thank you po. Sana po patuloy nyo pa ring suportahan 'to.

The next BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon