Chapter 03: Long time no see

2.9K 62 11
                                    

 A/N: Sorry guys, sa last chapter si Dennis po talaga yung kasama ni Lewis not Bryan nagkamali lang ako. Sarreh. Di bale naedit ko naman na po 'yon.

Chapter 03: Long time no see

“The Princes”

"Andrea! tumigil ka! lagot ka sa amin kapag naabutan ka namin!" Ugh! I hate this game! my knees were shaking at kanina pa ako takbo ng takbo habang hinahabol ng ibang mga estudyante. I have to make it on top! Bakit ba kasi ako iniwan ng dalawang 'yun? akala ko tutulungan nila ako pero yun pala sila pa ang magpapahamak sa akin! they just left me ng may mga narinig kaming mga estudyanteng naghahanap napalingon lang ako saglit wala na sila! Kaya nung nakita ako wala na akong nagawa kung hindi tumakbo! Seriously, pakiramdam ko ngayon lang ako nakatakbo ng ganito! Ilang mga liko ang tinakbo ko para makatakas pero habang tumatagal pakiramdam ko dumadami sila. May mga nakasalubong ako pero hindi ko alam kung paano ko sila nalagpasan. Basta ang alam ko kailangan kong tumakbo! ayoko na.. ayoko ng masaktan.

Nakita ko ang pakiramdam kong pag-asa ko. Yung hagdan paakyat ng rooftop.

"ANDREA!!" Napalingon ako at halos maluwa ang mga mata ko ng makitang nag uunahan silang maabutan ako. Mas binilisan ko ang pagtakbo--

"Aray!" Napahiyaw ako ng matumbay ako, agad kong tinignan ang taong nakabangga sa akin pero bago ko pa makita ang mukha niya ay nauna niya pang nahawakan ang braso ko at hinila ako patayo.

"A-aray! bitawan mo ko!" Pagpupumiglas ko habang pilit na binabawi ang braso ko mula sa kamay niya but it's useless!! 

lumingon ako sa mga estudyanteng humahabol sa akin at malapit na sila! at ang mas kinatakot ko ay yung iba may mga dalang mga baseball bats, yung iba mukhang arnis. Teka?! Papatayin ba nila ako?! This is just a game!

"Bitawan mo ko!! parang awa mo na--" natigilan ako ng magtama ang mga mata namin. His eyes, nakakatakot

"Nakikiusap ako! Bitawan mo ako!" maluha luha kong pakiusap ng muli kong makita na malapit na malapit na sa amin ang mga estudyante--"Ahh!" Marahas niya akong tinulak sa likod niya at dahil napaka lampa ko napatid ako at napaupo sa sahig. Ng mag angat ako ng tingin napa atras ako habang naka upo dahil nakatayo na sa harapan ng lalaking tumulak sa akin ang mga estudyanteng humahabol sa akin. Pero ang likod ng lalaki ang nakaharap sa akin habang siya nakaharap sa mga estudyante.

Pagkakataon ko na.

tumayo ako para tumakbo paakyat ngunit pagtalikod ko para umakyat ng hagdaan muli nanaman akong napaatras ng makita kong nakatayo sa hagdanan si Lewis na nakasandal sa railings habang may hawak na swis knife at tila pinag lalaruan niya pa ito.

A-anong gagawin ko?

Napalingon ako sa kinaroroonan nung lalaki kanina dahil sa sunod sunod na sigaw na narinig ko galing sa dereksyon niya pero ang mas kinagulat ko sa nakita ko ay halos mapuno na ng mga taong nakahiga ang hallway dahil sa mga estudyanteng walang malay at yung iba mukhang nammimilipit sa sakit ng katawan at nung tignan ko yung lalaki kanina nakatayo lang siya at sinasalag ang mga atakeng binibigay sa kaniya.

The next BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon