Chapter 20 - Hi Fake Boyfie! :3

89 10 6
                                    

Yoseob's POV

Kinakabahan ako. Bukas na. Bukas na'ko magco-cross dress. Sana maging maayos 'tong mga plano ko.

*Ding dong*

Huh? Sino naman kaya yung nagdoorbell? Parang sa pagkakatanda ko, wala naman akong bisita.

Kapag ako narindi, ipapatanggal ko yung doorbell ko. Nakakabwisit. Nitong mga nagdaang araw, ang dami nang nagdo-doorbell sa bahay ko.

Bumaba na'ko para makita kung sino yung nagdoorbell. Pagbukas ko ng pinto, wala naman akong nakitang tao sa gate.

Mga bwisit na mga nilalang naman oh! Siguro napagtripan nanaman nilang pindutin yung doorbell sabay tumakbo. Yung tipong Pindot sabay takbo.

Nakakarindi yung mga ganyang tao. Mga walang magawa sa buhay kundi mangbwisit ng iba.

Pumunta naman ako sa may gate para makita kung hindi pa ba nakakalayo yung nagdoorbell, pero wala naman akong nakitang tao. Trip talaga ako nung kung sino mang bwisit na'yon.

Ginala gala ko yung paningin ko hanggang sa may nakita akong naka gift wrap na rectangle shape sa tapat ng gate ko.

Kinuha ko yun.

Ano kayang laman nito? Pumasok muna ako sa bahay bago ko buksan yung regalo yata.

Hindi na'ko nagtataka. Malamang si Heartless friend nanaman 'tong nagbigay. Siya pa nga lang ang kaisa-isang tao? Kailangan ko bang sabihing TAO? Basta siya lang kasi yung kaisa-isang nilalang na nagbibigay ng mga kung anu-ano sa'kin, bukod kay Jessie na patay na patay sa'kin. Itong Heartless friend naman na'to, ako yung patay na patay sa kanya. Yung literal na patay. Yung gusto niya kong patayin. Wahahahaha. Bahala nga siya. Nga pala, isang regalo lang naman yung pinakanagustuhan ko eh, syempre yung regalo sa'kin ni Yoon-mi nung birthday ko. Hahahaha kinikilig ako sa tuwing naaalala ko!

Binuksan ko na yung regalo. Pagkatingin ko... wine. Isang malaking bote ng wine.

Uy sakto! Pang celebrate dahil bukas na yung simula ng pagco-cross dress ko. Matikman nga.

Nung binuksan ko na yung wine, nakaamoy ako ng kakaibang amoy. Sa pagkakaalam ko, hindi naman amoy kalawang ang wine. Bagong imbento ba 'to na ang flavor ay kalawang? (ang corny ni author)

Kumuha ako ng baso para masalin at matikman ko na yung wine.

Parang may kakaiba talaga sa wine.

Panigurado ko, hindi 'to wine. DUGO. DUGO 'TO.

Halatang-halata na dugo 'to eh. Sa amoy at itsura palang.

Inikot ko ang buong paningin ko sa bote ng wine baka sakaling may makita akong sulat. At kung sinuswerte nga naman, may nakita akong papel sa ilalim ng bote ng wine.

Sabi niya Yoseob, Kamusta na? Ang tagal ko na ring hindi nakapagpadala ng mga regalo sa'yo. Balita ko bukas ka na daw magsisimulang magcross dress? Eh di bukas na rin pala magsisimula ang mga plano ko. Ito nga pala, WINE. Pang celebrate mo dahil bukas na ang simula ng mga plano mo at ng mga plano KO. Pagbutihin mo lang ang pagco-cross dress mo. Baka mamaya konting galaw ko lang, sumuko ka na agad. -Heartless friend

P.S
Hindi ka naman siguro tanga para malaman kung ano ba talaga ang laman ng bote.

Tsaka binigay ko yan sa'yo, para pagdating ng araw na maubusan ka niyan dahil sa'kin, may pamalit ka. NGA PALA, HINDI YAN DUGO NG TAO. DUGO NG DEMONYO YAN. BWAHAHAHAHA. Itago mo yan ah. Reserba kung sakaling maubusan ka. Hahahaha

He's A Cross Dresser (On going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon