Chapter 12 - Get Out!

170 15 5
                                    

Yoon-mi's POV

May pasok nanaman. Natatakot na'kong lumabas dahil sa nangyari kagabi. Baka mamaya binabantayan nanaman nila ako.

Kaya tinext ko si Jaehyeon para sunduin ako para may kasabay ako sa pagpasok.

To: Jaehyeon

Jaehyeon, sunduin mo naman ako dito sa bahay para sabay tayong pumunta sa University. May nangyari kasi kagabi kaya natatakot akong lumabas.

Ilang minuto pa lang ay nag-reply siya agad.

From: Jaehyeon

Anong nangyari? Sige pupunta ako diyan. Hintayin mo 'ko ah.

To: Jaehyeon

Basta. Kapag pumunta ka na lang, tsaka ko iku-kwento sayo. Bilisan mong pumunta please.

From: Jaehyeon

Oo sandaling retouch lang 'tong gagawin ko, tapos gagamitin ko na lang yung car ko para mabilis akong makapunta diyan.

To: Jaehyeon

Sige.

Mga 15 minutes ang lumipas hanggang sa nakarating na si Jaehyeon.

"Anong nangyari? I-kwento mo na." nag-aalalang sabi ni Jaehyeon.

"Muntik na 'kong kidnapin." sabi ko.

"Hala! Ok ka lang ba? May masakit ba sayo!? Kawawa naman ang best friend ko.." sabi ni Jaehyeon sabay yakap sa'kin.

"Oo ok lang ako. Buti nga may nagligtas ng buhay ko. Kung wala sila nung mga oras na yun siguro na kidnap na 'ko."

"Sabi ko kasi sayo ihahatid na kita! Ang kulit mo lang kasi, ayaw mo magpahatid! Oh, sino naman yung nagligtas sayo?" sabi ni Jaehyeon.

"Si Yoseob!"

"Talaga! Eh.. may kasama ba siya?" tanong ni Jaehyeon.

"Ahm.. wala eh." pagsisinungaling ko.

"Ah.. ganun ba." sabi ni Jaehyeon sabay naging malungkot ang mukha niya.

Hahahahaha XD Naniwala ang loka.

"Joke lang! May kasama siya!" sabi ko.

"Talaga!? Kilala mo ba?" tanong ni Jaehyeon.

"Hindi ko kilala. Pero babae yung kasama niya." sabi ko.

Hindi na nagsalita si Jaehyeon at napalitan ang masaya niyang mukha at naging malungkot na naman.

Naniwala na naman. Utu-uto eh XD

"Uy Jaehyeon! Bakit ka malungkot? May na sabi ba akong mali?" sabi ko.

"A-ah, wala naman." sabi ni Jaehyeon.

"Jaehyeon, nagbibiro lang ako! May kasama si Yoseob at lalaki yung mga kasama niya! Si Dujun at-"

"Si Junhyung?" sabi ni Jaehyeon.

"Paano mo nalaman?" sabi ko kahit alam ko naman ang dahilan.

"Si Junhyung yung naka red polo shirt with JH initial na nakita natin sa mall dati." sabi ni Jaehyeon.

"Ah.. Siya pala yun.. So dahil kaibigan siya ni Yoseob, ibig sabihin, yung 'Yo' na hindi mo natuloy sabihin nung nasa Cafe tayo ay si YOSEOB? Tama?" sabi ko.

"A-ah.. Eh, parang ganun na nga." sabi ni Jaehyeon.

"Tapos, yung taong nangungumusta sa'kin ay si Yoseob? Tama nanaman?" tanong ko.

He's A Cross Dresser (On going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon