Chapter 25 - What The Heck Just Happened?!

48 3 2
                                    

Yoseob's POV

Halos malagutan na ako ng hininga nang tanungin ako ni Yoon-mi kung lalaki ako. Akala ko nahuli na ako. Mabuti nalang at gumana ng mabilis yung utak ko at naka-isip ako ng solusyon.

Hindi na ako makapag-focus sa panonood dahil bukod sa natutulog si Yoon-mi sa balikat ko, ini-isip ko rin yung mga bagay na pwedeng mangyari kung sakaling malaman na ni Yoon-mi na si Cheryl at ako ay iisa lang at wala talaga akong kakambal.

Magagalit kaya si Yoon-mi? O okay lang sa kanya na nagpanggap ako? Ano kayang mangyayari once nalaman na ni Yoon-mi ang totoo?

May magbago kaya sa samahan namin kapag nalaman na niya ang totoo? Sana hindi pumalpak lahat ng plano ko.

~~~

Nagising nalang ako nang bigla akong tinapik ni Jaehyeon. Nakatulog rin pala ako dahil sa palabas. Pagkatingin ko sa sarili ko, magka-yakap kami ni Yoon-mi habang natutulog. Kaya naman bigla akong napa-layo kay Yoon-mi na naging dahilan para magising siya. Kahit na gusto ko si Yoon-mi, nirerespeto ko siya. Ayokong gumawa ng mga bagay na mai-ilang siya.

"Tapos na ba yung palabas?" tanong ni Yoon-mi na napa-hikab pa.

"Hindi ba obvious? Tara na, kumain na muna tayo bago tayo magsi-uwian." sunud-sunod na sabi ni Jaehyeon kaya naman sumunod na kami sa kanya. Napa-unat pa ako bago ako tumayo at naglakad.

"Nakakainis kayong dalawa." sabi ni Jaehyeon habang patuloy pa rin sa paglalakad. Anong nagawa namin ni Yoon-mi?

"Hala? Anong nagawa namin sa'yo?" tanong ni Yoon-mi.

"Hindi niyo manlang kasi pinanood yung favorite kong movie. Hindi naman kasi yun nakaka-antok eh." inis na sabi ni Jaehyeon.

"Eh ganun talaga. Meron tayong iba't ibang taste pagdating sa movie." sagot ni Yoon-mi.

"Che! Tara na nga kumain na tayo." natawa nalang kami dahil sa naging asal ni Jaehyeon.

Ilang saglit pa at nakarating na kami sa isang restaurant. Sabi nila masasarap daw ang pagkain dito. Ngayon ko palang siya mapupuntahan kasi ngayon ko lang din naman nalaman na may ganyan palang restaurant.

Tumawag na kami ng waiter para maka-order na kami. Napa-tingin ako ng matagal sa waiter na lumapit sa amin. Parang nakita ko na siya dati. At sa pagkaka-alam ko, waiter din ang ganap niya nung makita ko siya. Saan ko nga ba siya nakita?

"Good afternoon! Dongwoon at your service!" Dongwoon? Parang familiar talaga siya.

"Cheryl, si Dongwoon! Yung poging waiter sa Cafe!" sabi ni Yoon-mi. Ay oo nga. Siya nga yung hindi poging waiter sa Cafe. Naalala ko na.

Mas gwapo pa ko dyan eh. Wala pa nga yan sa kalingkingan ng bulok kong paa.

Dinamihan ko yung order ko para mahirapan yung Dongwoon na yun.

Nataranta pa siya dahil sa dami ng tao na tumatawag sa kanya para umorder. Ang dami daming waiter, sa kanya talaga lahat dapat umorder?! Eh hindi naman gwapo yan eh. Baka kapag ako ang nag-trabaho dito, wala pang isang oras ubos na ang stock ng mga pagkain nila dito.

"Hintay nalang po kayo sa order niyo!" sabi ni Dongwoon pagkatapos ay tumakbo ng matulin.

Halos ilang minuto na ang nakakalipas at hindi pa rin dumarating ang pagkain na inorder namin.

"Ang gwapo ni Dongwoon!" sabi ni Jaehyeon habang habol tingin sa nagta-trabaho na si Dongwoon na hindi naman gwapo.

"Sasabihin kita kay Junhyung. Pinagpapalit mo na siya." bulong ko kay Jaehyeon sabay ngiti ng nakakaloko. Bigla namang nawala ang ngiti ni Jaehyeon dahil sa sinabi ko.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 29, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

He's A Cross Dresser (On going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon