Chapter 21 - The Start

64 7 2
                                    

Shet. Ito na yun. Ngayon na. This is it. Magco-cross dress na'ko. Kinakabahan na'ko sa mga pwedeng mangyari. Pwedeng good ending o bad. Kinakabahan ako lalo na't may isang taong gustong sumira ng mga plano ko. May isang taong gustong sumira ng mga pangarap ko. May isang taong gustong agawin ang mahal ko.

Yoon-mi..

Hay na'ko. Itigil ko na nga 'tong mga 'to. Pupunta na'ko kay Jaehyeon baka ma-late pa'ko. Buti nalang napaka-aga kong gumising. Siguro naman hindi ako male-late.

Nag-asikaso na'ko at ihinanda na ang sarili ko papunta kay Jaehyeon. Mabuti nalang malapit ang bahay niya kaya nilakad ko nalang ito.

Ilang sandali pa ay nakarating na'ko sa bahay niya. Nagdoorbell na'ko. Sana naman gising na si Jaehyeon..

Ilang segundo lang ang lumipas at biglang bumukas ang pintuan at iniluwa nito si Jaehyeon.

"Good morning!" bati ko kay Jaehyeon with matching killer smile at beautiful eyes pa. Natawa naman si Jaehyeon sa ginawa ko.

"Hahaha. Good morning din! Halika na dito sa loob ng masimulan na nating drawing-an yang mukha mo." biro ni Jaehyeon.

Pumasok na'ko sa bahay niya at umupo sa sofa.

Iginala ko ang paningin ko sa bahay ni Jaehyeon at ngayon ko lang napagtanto na ang ganda pala ng bahay niya. Simple lang pero nangingibabaw yung ganda.

"Sandali lang ah, kukunin ko lang yung make-up kit ko." pagpapa-alam ni Jaehyeon sabay umakyat.

Habang wala pa si Jaehyeon nagbihis ako ng uniform ng Roseau University. Pagkatapos ay kailangan ko munang i-vocalize yung maladiwata kong boses pambabae.

"Ehem. Ehem. Hello?" pagche-check ko sa boses ko kung pwede na bang maging boses diwata. Kahit papaano naman, mukhang pwede na.

Ita-try ko na ang maladiwata at maladiyosa kong boses.

"Hi Yoon-mi! My name is-... shet! Ano nga ba ang pangalan ko kapag babae!?" mula sa boses babae hanggang sa naging boses lalaking parang napatae sa brief.

Wala pa pala kaming napag-usapan na magiging pangalan ko. Sa lahat ng nakalimutan bakit pangalan pa? Mabuti nalang talaga at nag-vocalize ako kung hindi nataranta na'ko sa harapan ni Yoon-mi. Mabuti nalang at gumagana ng maayos 'tong napakatalino kong utak. Mabuti nalang talaga.

Pero teka. Anong pangalan ang inilagay nila Junhyung at Dujun sa mga papeles na requirements sa pag-enrol ko sa Roseau University? Wag nilang sabihin na yung totoo kong pangalan!? Malalagot ako nito ng wala sa oras.

Nakababa na si Jaehyeon dala ang make-up kit niya.

Dahil hindi ako mapakali, hindi ko na natiis at napatae na ako sa short ko. Joke! Hindi ko na natiis at tinanong ko na si Jaehyeon tungkol dun sa pinoproblema kong pangalan.

"Jaehyeon, naalala ko nga pala na wala pa tayong naiisip na pangalan kapag naging maladiyosa na'ko." sabi ko. Napatawa naman si Jaehyeon. Anong nakakatawa? Nagpapanic na nga ako, tuwang-tuwa pa siya.

"Ba't ka tumatawa? Anong nakakatawa?" tanong ko na may bakas ng pagtataka sa mukha.

"H-ha? Wala lang. Masyado lang kasi akong natatawa sa pagiging feelingero mo eh. Hahaha. May maladiyosa ka pang nalalaman." paliwanag ni Jaehyeon habang natatawa.

Mukha naman talaga akong diyosa kapag naging babae eh. Kayo nalang ang magjudge kung sakaling makita niyo ang kagandahan ko kapag naging babae ako. Bwahahahaha.

"Bakit hindi ba ko mukhang diyosa kapag naging babae?" tanong ko.

"Hindi. Wag ka ngang assuming! Maganda ka lang pero di ka mukhang diyosa o diwata. Kailangan mo munang ma-reach ang beauty namin ni Yoon-mi bago ka maging diyosa o diwata." sabi niya na natatawa tawa pa.

He's A Cross Dresser (On going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon