Chapter 8 - The Plan

189 17 5
                                    

Yoseob's POV

Medyo malayo kaming dalawa ni Jaehyeon kila Dujun at Junhyung. Dahil nga sa nagmadali siyang maglakad. Sana pumayag si Jaehyeon.

Kinakabahan ako.

"Anyway, ako nga pala si Yoseob. Nice to meet you." sabi ko sabay alok ng kamay ko para makipagkamay, pero di niya tinanggap.

"Bakit ka nga magpapa make-up?" tanong ni Jaehyeon.

"Ah.. Di ba best friend mo si Park Yoon-mi?" tanong ko.

"Oo, pero ano namang koneksyon nun?" sabi ni Jaehyeon.

"Ka-kasi gu-gusto ko siya. Una ko siyang nakita nung may nakaaway ako. Siya kasi yung umawat sa'min." sabi ko.

"Ay, ikaw pala yung kinuwento niya sa'kin! Ang sabi niya kasi maputi, tama lang yung height, at maganda yung mata. Parang may gusto nga yun sayo eh." sabi ni Jaehyeon.

"Ta-talaga!? Sana nga may gusto talaga siya sa'kin." sabi ko.

"Ay, ano nga pa lang dahilan kung bakit ka magpapa make-up sa'kin?" tanong ni Jaehyeon.

"Gusto ko kasing mag panggap na babae para makapasok at mag-aral sa Campus niyo." sabi ko.

"Eh bat di mo na lang siya ligawan?" tanong ni Jaehyeon.

"May nakita kasi akong article, ang sabi doon may na comatose na dalawang lalaki dahil sa nagtangka silang ligawan si Yoon-mi. Tapos na paaway na rin ako nung sinusundan ko kayong dalawa ni Yoon-mi nung galing kayo sa Cafe. Kaya yun, gusto ko lang mag-ingat." sabi ko.

"Ah, ganun ba. Te-teka, di ka ba masama? O kaya kasapi ng sindikato?" sabi ni Jaehyeon.

Mukha ba akong ganun!?

"Hindi ako masama at hindi ako kasali sa kung ano mang sindikato, sa katunayan nga anak ako ng may-ari ng University na pinapasukan mo at ni Yoon-mi. Pati na rin yung University na katapat niyo. Doon ako nag-aaral." sabi ko, sabay turo sa isa pang University na katapat ng University na pinapasukan nila.

"TA-TALAGA!? KA-KAYO TALAGA ANG MAY-ARI NG UNIVERSITY NAMIN AT NG UNIVERSITY NA KATAPAT NITO!?" gulat na tanong ni Jaehyeon.

"Oo nga. Promise." sabi ko.

"Pe-pero ang sabi mo, kayo ang may-ari ng University na 'to. Bakit di ka na lang pumasok sa Campus ng hindi na kailangan ng make-up o kung anu-ano? Tutal anak ka naman ng may-ari ng University na 'to?" tanong ni Jaehyeon.

"Hindi kasi pwede pumasok ang mga lalaki sa Campus niyo. Ang papa ko lang ang pwede." sabi ko.

"Ah.. kaya pala." sabi ni Jaehyeon.

Habang nag-uusap kami, sumingit naman si Dujun at sumigaw mula sa malayo.

"Hoy! Yoseob hindi ka pa ba tapos?" sigaw ni Dujun.

"Sandali lang!" sigaw ko.

Napatingin si Jaehyeon dun sa may lugar kung saan naka pwesto sila Dujun at Junhyung.

Parang si Junhyung sobrang tahimik tapos nakatingin lang dito. Ano kayang topak nun?

"Kaibigan mo ba yung mga lalaki na yun?" sabi ni Jaehyeon.

"Ah, sila? Oo, mga tropa ko yun!" sabi ko.

"Ahm.. papayag lang ako sa pabor na hinihingi mo kung pagbibigyan mo rin yung hiling ko." sabi ni Jaehyeon.

"A-ano ba yun?" sabi ko.

"Wag na wag mong lolokohin yung best friend ko." sabi ni Jaehyeon.

"Oo naman. Makaka-asa ka." sabi ko.

He's A Cross Dresser (On going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon