2 Burned Hope

11 1 2
                                    

Azaxel

Ngayon ay sumubok akong mag enroll ulit sa mga panibagong paaralan pero wala talaga. Kasalanan ko naman talaga ang lahat kung hindi ko pinatulan yung babae edi sana maayos pa ang buhay ko. 'Yon nga lang guguluhin pa rin nila ako.

My life was okay but I ruined it. Atleast okay but not happy.

Bumuntong hininga ako. Wala akong magagawa.

Nag lalakad ako pabalik sa tinutuluyan ko nang maka kita ako ng taong nag tutumpukan. Meron ding malaking itim na usok sa langit na kitang kita mula dito sa kinakatayuan ko.

Kinabahan ako bigla.

Mabilis akong tumakbo pabalik. Wala na akong paki kung may makakita man sa 'kin na tumatakbo ng mabilis.

"Tabi." Mariin kong utos sa mga tao na nakaharang sa daan.

Agad naman silang tumabi at doon gumuho ang mundo ko sa nakita.

Napailing ako ng ilang beses.

I'm feeling so weak right now.

Hindi ko matanggap 'yung nakikita ko. Sinubukan kong tumakbo papasok pero nasusunog na ang daan papasok. Kitang-kita ko mula sa pinto ang sunog kong tukador.

"Dapat lang na masunog ang bahay mo para umalis ka na!" Sigaw ng isa.

Binasa ko ang nasa isip ng isa sa kanila.

'Worth it ang pag-sunog sa bahay niya! Mukang aalis na siya'

Pinalagpas ko na ang ibang katarantaduhan na ginawa nila sa 'kin. Pero ang isang 'to, hindi ko na palalagpasin.

Humarap ako sa kanilang lahat. "Masaya na ba kayo?"

Nagulat ang lahat sa pag-sasalita ko. Halos na-abo na ang buong bahay at wala ng natira. Nanginginig ang tuhod ko halo-halo din ang emosyon na nararamdaman ko, may halong galit may halong lungkot. Pero mas na-nanaig ang galit ngayon sa 'kin.

Ramdam ko ang pag-labas ng mga matutulis kong pangil at pag-babago ng kulay ng mata ko. Napaatras ang iba at may iba naman na handa akong labanan. May dala-dala pa silang apoy.

"Itim ang mga mata niya! Demonyo yan!"

Itim? Hindi sila pinansin at unti-unting humarap ng tuluyan sa kanila. Sabay ng malakas kong suntok sa lupa ang malakas na impact na nag patalsik sa kanila paatras.

I feel so powerful right now. I feel like I can control everyone.

Napa-daing sila sa sakit dahil sa pag-tama ng katawan nila sa sahig at sa mga puno.

Duon ako nagising sa realidad. Napaluhod ako sa sobrang galit at lungkot. Bakit kailangan mangyari sa 'kin to? Ano ba ang ginawa ko para parusahan ako ng ganito?

Hindi naman siguro ako masama sa past life ko 'no? I'm not a bad person in the present. I did my best to be kind. Nakisama ako sa kanilang lahat kahit na halos lahat ng pangungutya ibato na nila sa 'kin.

I feel so helpless right now. I wanna explode.

Nasapo ko ang ulo. Biglang sumakit ang ulo. Parang may mga ala-alang pumasok sa isip ko. Some scenes I feel like I'm familiar. Not very clear. Hindi ko na nga rin halos matandaan ang mga nakita ko. Masyado akong maraming iniisip para bigyan pa 'yon ng pansin.

sobra-sobrang lungkot ang nararamdaman ko. Umiyak ako ng umiyak. Pinagsusuntok ko ang lupa. Ibinuhos ko ang lahat ng galit ko hanggang sa naramdaman ko na ang galit. A strong emotion aroused inside me. I'm burning in anger. I can kill somebody right now.

Vampyre Academy (UNDER MAJOR EDITING)Where stories live. Discover now