Prolouge

20 1 1
                                    

Ito ulit ang una kong beses na mag eenroll ako sa eskwelahan simula nang tumigil ako sa pag aaral. Na-drop out ako sa eskwelahan sa isang katangahan na ginawa ko.

Lunch noon nang pag tripan ako ng mga estudyante sa Canteen.

"Hoy, bangkay. Hindi pwede ang mga tulad mo dito."

Hindi ko na lamang sila pinansin at nag patuloy sa pag-kain.

"Aba, hindi ka pala marunong mamansin." Komento ng isa niyang kasama.

Padabog kong nilapag ang kutsarang gamit-gamit ko. "Hindi ako namamansin ng mga papansin," walang reaksyon na tugon ko.

Halatang nagalit ang babaeng nasa-gitna. Tatlo kasi sila. Nanlilisik ang mga mata niya nang hilain niya ang buhok ko.

"Bwisit ka!" Sigaw niya habang hawak ang buhok ko.

Hindi ko siya pinapansin at hinayaan lang siyang kaladkadin ako. Nang makarating kami sa gitna ng canteen ay padabog niya akong binagsak sa sahig.

'I wan't this weirdo out of this school!'

Nabasa ko ang iniisip niya nang mapatingin ako sa mata niya.

'Yun lang naman pala ang gusto niya. Lagi niya akong ginugulo at pineperwisyo.

Tumayo ako at pinagpag ang pwetan ng palda ko.

Unti-unti akong lumapit sa kanya nang tahimik. "Gusto mo lang pala akong paalisin dito sana sinabi mo agad," mahinang bulong ko.

Humangin ng malakas sa buong canteen. Para bang may dumaan na multo.

Alam ko ang usap-usapan tungkol sa 'kin. May haka-haka na Multo daw ako o patay na nabuhay ulit dahil sa sobrang kaputian ng balat ko. Hindi din daw ako nakikipag-usap sa mga estudyante. Doon nag-simula ang pang-bubully at pang-tri-trip nila sa 'kin.

Naging mahirap 'yon para sa 'kin dahil gusto ko ng tahimik na buhay. At hindi ako nag-karo'n no'n nang sa luma kong school ako nag aaral.

Nabasa ko ang mga takot sa mata ng babae. She was too stunned to speak.

Hinawakan ko ang braso niya at ramdam ko na nagulat siya sa lamig ng kamay ko. Hinila ko siya sa gitna ng Canteen at doon binitawan.

Lahat sila ay nag aantay sa gagawin ko at mangyayari. Inayos ko ang sleeves ng uniporme ko.

Mahina kong sinuntok ang tiyan ng babae pero gano'n nalang ang gulat ng lahat no'ng tumalsik siya hanggang pader.

Malakas ang impact pero mahina lang ang pag kakasuntok ko.

Panigurado na matatanggal ako sa eskwelahan dahil sa ginawa ko.

Simula ng mangyari ang araw na 'yon, lahat sila natakot na sa 'kin. Umabot din sa mga kapitbahay ang balita na nangyari sa eskwelahan, kaya napilitan akong lumipat sa mas tagong lugar. Nagrereklamo kasi sila sa 'kin at ayaw daw nila ako'ng maging kapitbahay.

Nagsusubok akong mag-enroll sa mga eskwelahan na malapit pero hindi nila ako tinatanggap dahil umabot pa sa kanila ang babaeng sumuntok nang malakas sa isang babaeng estudyante na walang laban.

Hindi ako puwedeng lumipat ng lugar dahil mahihirapan akong i-adapt ang environment ng lugar. Kaya kailangan kong mag-isip hindi ako puwedeng hindi mag-aral dahil paano ako mabubuhay dito? Hanggat maari ay namumuhay ako ng normal katulad ng mga Normal na Tao. Normal naman ako pero.... Sa tingin ko hindi normal ang isang babaeng umiinom ng dugo.

I'm Azaxel Katherin Petrova and I'm a vampire.

Vampyre Academy (UNDER MAJOR EDITING)Where stories live. Discover now