Azaxel
"Nakapag desisyon ka na ba?" Tanong sa 'kin ng matandang nag balibat sa 'kin sa puno.
Bakit ba hindi ko makalimutan 'yon.
"Kung hindi mo sana ako sinugod edi sana mas napabilis ang pag iisip ko kung dapat ba kitang pag katiwalaan." Asik ko. "You shocked me real good."
Natawa naman siya. "Ay 'yon ba? Pasensya naman. Gusto ko lang naman itest ang senses mo."
"Sasama na ako." Maikli kong sagot.
Pakiramdam ko kasi ay ito ang tamang desisyon na dapat kong gawin. Sa mundong 'to na wala akong kakampi kundi ang sarili ko ay kailangan kong maging wais. Think wise Azaxel.
Trust no one. Ako lang at ang sarili ko ang dapat kong pag katiwalaan.
Ngumiti siya. "Binasa mo ba ang sulat?"
Umiling ako.
"Kung ano man ang rason mo ay hindi ko na aalamin pa. Saka tama din ang ginawa mong desisyon mag kakaroon ka na ng mga kaibigan masyado kang loner, eh,"
Umismid ako. "You know what? You're too talkative for a old man." Sagot ko sa kanya.
Totoo naman. Ang daldal niya. Parang hindi pa matanda ang kausap ko kung makapag salita siya. He acts like he's at my age.
Natawa lang ito. "Tara na nga,"
Tumango na ako kahit pa hindi na siya nakatingin sa 'kin. Nag simula na siyang tumakbo kaya sinundad ko na lamang siya.
Ang layo na ng tinatakbo namin. Eto na ata ang pinaka dulo ng gubat.
"Azaxel mag aaral ka ha."
Nagulat ako sa sinabi niya. Worry flooded my brain.
"Anong sabi mo?" Naguguluhan kong tanong.
"Huling habilin 'yan ng nanay mo. Pag aralin kita."
Hindi ko mapigilan na mangilid ang luha. Hanggang sa huling hininga niya ay ako pa din ang inaalala niya. She loves me so much.
"Wag kang mahiya manghingi ng allowance sa 'kin okay? Saka 'yang tuition mo bayad na. Sa vampyre academy ka mag aaral." He assured me with a knowing smile.
Wala lang man siyang pa-pause. Agad agad niyang sinabi. Nakakabigla ang lahat ng sinasabi ng matandang 'to. Pag aaralin talaga? I mean its too much. I can work my ass off and pay my own tution. Mahirap kumita pero sa panahon ngayon kailangan mong tiisin ang lahat ng hirap. Money is gold. Money can control everything.
"P-pa'no ka nag ka pera?"
Nag iwas siya ng tingin saka natawa. "Mayaman financer mo tol." Barumbadong sabi nito. Akala mo talaga hindi matanda!
naguluhan ako sa sinabi niya. Financer? But who?
sasagot pa sana ako nang bigla itong mag umpisang mag kwento. "Hindi talaga ako dapat ang mag susundo sa 'yo, eh. 'Yun nga lang wala akong mautusan dahil busy lahat sa training." Napakamot ito sa kilay. "Isa pa delikado ang papunta sa Vampyre Village."
"Vampyre Village?" Takang tanong ko.
Akala ko ay Vampyre Academy lang ang meron. "Vampyre Village. Tagong lugar na simula no'ng mangyari 'yong gyera ilang taon na ang nakakaraan."
YOU ARE READING
Vampyre Academy (UNDER MAJOR EDITING)
VampiroAzaxel Katherine thought that she's the only living Vampire. But she didn't know that there are more vampire unknown. Let's unravel the secrets and mystery of Azaxel's life.