8 Team 7 [The mission]

14 1 1
                                    

Kumatok ako nang ilang beses sa pinto ng Student Council Office dahil dito sinabi ni Dawn na pumunta ako.

"Pasok." Boses ng baritonong boses mula sa loob.

Agad-agad naman akong pumasok.

Bumungad sa 'kin ang isang mahabang lamesa, sa dulo ng lamesa which is 'yung parang pinaka gitna nung lamesa, doon naka-upo ang walang ekspresyon na muka ng bangungot. Sa left side ay dalawang babaeng nakangiti sa 'kin.

Mukang timang.

May katabi rin silang isang lalaki. Sa right side naman, eh, tatlong lalaki din. In total, eh lima ang lalaki at dalawa ang babae.

"Wow, bago kang member ng student council?" The girl with red hair asked.

Umiling ako.

She pouted then spoke again. "Aww, then what are you doing here?"

Tamad akong tumingin sa paligid. "Inutos niya." turo ko kay Dawn.

"Oh? Bakit mo siya pinapunta dito Dawn?" Tanong nu'ng babae.

Si Moon pala nandito rin..

"Kamusta, Azaxel?" Bati ni Moon sa 'kin.

"Ayos lang.."

"So you're Azaxel?" the girl with blonde hair spoke. Bahagyang nakataas ang kilay nito habang nakatitig sa 'kin. Para niya akong kakainin ng buhay habang nakatingin sa 'kin. But one thing na napanin ko hindi siya tumitingin directly sa mata ko.

Tumango lang ako sa tanong niya, obvious naman ako si Azaxel, Moon just called me earlier.

"Don't you know how to speak?" Halata ang pagkainis nito sa boses.

Hindi ko siya pinansin at tinignan ang isang lalaki sa right side. Napasinghap ako sa gulat habang nanlalaki ang mata! Naramdaman ko ang pagkuyom ng kamao ko sa kakaibang pakiramdam na 'yon!

Biglang may mga ala-alang pumasok sa utak ko!

'Mahal kita Azaxel pero kailangan ko itong gawin!'

'Mahal mo 'ko?'

'Mali. Hindi pala kita mahal kasi ginamit lang kita!'

Nag-uunahan ang mga luha ko sa pag-tulo dahil sa sobrang lungkot at takot. Hindi ito ang Eine na kilala ko.

Ginamit niya lang pala ako. Akala ko minahal niya ako.

Too much trust can kill.

At saka ko naramdaman ang kutsilyong may lason na unti-unting bumaon sa dib-dib ko.

Sa sobrang bilis ng ala-alang 'yon eh natandaan ko ang lahat! Ang bilis ng lahat. Parang limang segundo lang! Memories flooded me like a wind. Hindi ko siya kilala pero nang makita ko ang muka niya agad na pumasok ang mga ala-ala na matagal ko nang nalimot.

Nakita ko ang gulat sa muka niya. He was too stunned to even utter a word. My ex boyfriend, just staring at me.

Eine Kleine

Tinangka niya akong patayin sa pag-aakalang may nosferatu blood ako. Nosferatu vampire kasi ang pumatay sa buong clan niya.

Nakita ko ang gulat sa muka niya. Pinag-halo iyong takot, kaba, at pagkabigla. Hindi ko alam kung tatawa ba ako. His reaction was priceless, he was scared like a kitten. Kahit kasi ako ay nabibigla rin.. hindi ko akalain na may ganito akong ala ala. Na para bang may kulang sa akin na biglang nakumpleto.

Vampyre Academy (UNDER MAJOR EDITING)Where stories live. Discover now