6 Cheat

12 1 1
                                    

"Feronia pwede ba umalis ka muna?" Nahihirapan na sabi ni Erylis sa babae.

Feronia.. Akala ko ba si Dawn ang type niya? Now look kay Erylis siya lumalandi. Siya nga 'yon. Nag pakulay lang ng buhok. Ano siya nag bago ng identity?

"Bakit ka nandito, bitch?" Iritang tanong niya sa 'kin. She looked at me from head to toe na kinairita ko.

"Ano sa tingin mo ang ginagawa sa library?" Nagiwas ako ng tingin. Nakasimangot na kasi ito at halatang mag eeskandalo nanaman ito ano mang oras. "Edi nag babasa."

"Kahit kelan ay pilosopo ka! Kinakausap ka ng maayos!" Susugurin niya na sana ako kaso pinigilan siya ni Erylis.

Away nanaman. Ewan ko ba diyan. Hindi na napagod sugurin ako. 

"I'll talk to you later. So please leave." Mahinahon na sabi ni Erylis habang pumapagitna sa amin.

Palihim ko siyang sinilip. "Palibhasa kasi landi ang pinunta mo rito."

"You- Argh! Erylis?!"

"Shut up! Hindi lang kayo ang tao dito!"

Awtomatiko ko siyang nginisihan nang sigawan siya ng librarian.

"Feronia please.. listen to me first!"

Numipis ang labi nito at halatang hindi nagustuhan ang pag tataas ng boses ni Erylis. "Okay, I'll see ya later babe.." aniya at nag iwan pa ng matalim na tingin sa 'kin.

Pasimple kong tinaas ang gitnang daliri sa kanya. Nakita ko ang galit sa mga mata n'ya at kagustuhang sugurin ako. Pero mukang pinigilan niya ang sarili at padabog nalang na umalis.

Muli akong tumingin kay Erylis. "Ano 'to? Biruan?"

"Uh.." nag-iwas siya ng tingin.

Huminga ako ng malalim. "Just answer my question. I don't want to meddle in your relationship, but looking at it masasaktan ng sobra si Ralyleigh. At concern ako sa nararamdaman niya." I said looking at him.

Si Dawn naman ay nakikinig lang na para bang walang alam sa ginawa ng kaibigan niya. Pero mukang wala naman siyang pake sa lovelife nila.. hindi ko siya pwedeng sisihin at mas lalong hindi ako puwedeng magalit sa kaniya kahit na galit naman talaga ako sa kaniya.

Tss. Wala namang nagawang mabute sa akin ang tarantado na 'yan.

"Matagal na?" Tanong ko.

"O-Oo.."

"Anak ng tokwa Erylis!" I exclaimed.

"I-im sorry.. its not w-what you think!" nag iwas siya ng tingin.

"Eh, ano nga?" Nauubos ang pasensya na sabi ko. "Mahal na mahal ka no'n Erylis. Nakikita ko kung pa'no siya kiligin 'pag kinukwento ka niya sa 'kin." Naiiling na sabi ko. Sumandal ako sa upuan ko upang pakalmahin ang sarili. Bagamat kalmado ang anyo ko ay nadidissappoint ako sa kaniya. Bumuntong hininga ako. "Nakita ko sa mga mata niya yung saya. And hindi ko alam kung bakit kailangan mo pa siyang lokohin?"

Malambot ang puso ni Rayleigh. Hindi niya ako pinakitaan ng masama kahit na kasing lamig ng yelo ang naging trato ko sa kaniya.

"It's rude to cheat Erylis." komento ni Dawn.

I mentally rolled my eyes. Kala mo naman may silbi 'yung sinabi niya. Erylis already cheated, may pq rude-rude pa siyang nalalaman.

Tahimik lang ito. Huminga ito ng malalim at iiling-iling na nag salita. "Arrange .arriage. 'Yon ang sitwasyon ko kaya naging kami. Sorry Azaxel.. pero.. na-realize ko na mas mahal ko si Feronia.. tuwing kasama k-ko s-si Ayumi ay s-si F-Feronia ang nasa i-isip ko." Mahabang anito.

Vampyre Academy (UNDER MAJOR EDITING)Where stories live. Discover now