chip chap seven ! :))

62 0 0
                                    

Chip Chap Seven

>Kadugsong pa din. Hahaha! Balak ko na sanang ifast forward to mula dito e. xD

----------

Third Person's POV

Umaga ngayon at ang mga magtatanim ay gumising ng maaga upang anihin ang kanilang mga tanim na gulay.

Habang sila ay nag-aani nakita nila ang katawan ni Ella.

"T-tulungan n-nyo p-po a-a-ako." Hirap na sabi ni Ella at nawalan muli ng malay.

Nagpanik ang mga magtatanim at tinulungan kaagad si Ella.

Dinala sya sa isang maliit na clinic na meron ang nayon na yun.

"Mag-intay lamang po kayo dito." Sabi ng nurse sa kanila.

"Napakasama naman ng gumawa nun sa batang yon." Sabi ng isang ale.

"Ganyan talaga ang panahon ngayon, napakadelikado na. Iba na kasi mag-isip ang mga kabataan pati ngayon." Sabi ng isang Manong.

Ang iba ay nauna ng bumalik sa taniman at naiwan doon ang mag-asawang Kardo at Ningning. Sila ay mag-asawa ngunit walang anak.

"Manong Kardo at Aling Ningning," Tawag sa kanila ng doktora kaya naman lumapit sila.

"Kamusta po ang batang yon, doktora?" Tanong ni Aling Ningning.

"Mabuti na naman po ang lagay nya pero kailangan nya pong ilipat sa isang ospital. Kulang po kasi ang pasilidad namen dito."

"Ganun po ba? Ah sige po. Babalik ako, may kukunin lamang ako sa bahay." Sabi ni Mang Kardo at umalis na.

Pagkadating nya sa bahay, kinuha nya ang isang malaking alkansya na gawa sa kawayan at sinira ito.

Wala din naman silang paggagamitan ng pera sapagkat sila ay matanda na kaya naman gagamitin nya yun para tulungan si Ella.

Pagkabalik nya sa clinic, nagulat si Aling Ningning sa nakita nya. Ang pinag-ipunan nila ng asawa nya ay dala-dala nito.

"Doktora, dalhin na po naten sya sa ospital." Sabi ni Mang Kardo.

Naluha na lamang si Aling Ningning sa tuwa.

Nadala na si Ella sa ospital at sinusuri pa rin ng mga doktor doon.

"Sino po ang pamilya?" Tanong ng doktor pagkalabas nya ng O.R.

"Kame po." Sagot ni Aling Ningning.

"Ahm, okay na po sya pero malaki po ang pasibilidad na magkaroon sya ng amnesia."

"Amnesia?"

"Opo, ito ay ang pagkawala ng alaala. At may isa pa po, may pasibilidad din pong buntis sya." Sagot ng doktor na ngunit may pagtataka sa isipan ng mag-asawa..

"Po?!" Sabay na sabe ng mag-asawa. Kaya naman naisip nila na baka ni-rape ito at dun tinapon.

"Yung hymen nya po kasi, mahirap pong i-explain e. At yung uterus nya lumalaki."

"Naiintindihan po namen. Pwede po ba namen syang makita?"

"Opo. Sige po, mauuna na ako." Pagpapaalam ng doktor.

Pinuntahan nila si Ella sa kwarto nito at tinignang maige si Ella.

Maya-maya lamang ay nagising na si Ella.

"Okay ka lang ba hija?" Agad na tanong ni Aling Ningning habang si Mang Kardo ay tinatawag ang doktor.

"S-sino po kayo? N-nasan po ako?"

Shattered ! (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon