chip chap nine ! :))

38 0 0
                                    

Chip Chap Nine

>Take note! Tinatype ko to habang inaantok ako. Hahaha! Wala ng isip isip pa. Mawala pa ang ideya ko sa utak e. Kaya pagpasenyahan kung magulo. Ayoko pa kasing matulog e.XDD

Hahaha! Bumabagsak na eye lids ko e. Lechugas naman kasi tong GT-P3100 na to. Ang tagal mapuno ng battery e. Inaantok na talaga ako. =O=

Anong oras na kasi e. 2 A.M. na kaya. Tapos may aattendan pa ako na Christmas Party mamaya. Grabe lang abah! Ang aga kaya nun. 7 A.M. ang start! Bahala na mamaya. Bahala sila tamaan ng sumpong ko. >XDD

--------

Third Person's POV

"Magpahinga ka na muna, Tina." Sabi ni Aling Ningning at pinapa-upo si Ella. Sya na nga pala si Tina ngayon.

"Ito, mga sariwang sariwa pa itong mga prutas na ito. Kainin mo, a?" Sabi ni Mang Kardo habang inilalapag yung mga prutas sa lamesa.

Inaalala nila si Tina dahil ito nga ay nagdadalang-tao. Kaya naman, sa hindi nila inaasahan. Nagsimulang magtanong si Tina tungkol kung sino ang nakabuntis sa kanya.

"P-pwede ko bang itanong kung sino ang ama ng dinadala ko?" Nakayuko lang sya nung sinabi nya yun at medyo naiiyak.

Hindi alam ng mag-asawa kung ano ang isasagot nila.

Kaya naman may naisip ang mag-asawa.

"Nandyan lamang sya sa gulayan. Sya ay nagtatanim, pagpasensyahan mo na kung hindi sya maka-uwi dito. Nagkaroon kasi kayo ng pagtatalo e. Kung gusto mo, ipapatawag ko sya ngayon din." Sabi ni Aling Ningning at sinenyasan na nya si Mang Kardo na tawagin ang asawa-kuno ni Tina.

Habang papalapit na si Mang Kardo sa lalaking kanyang tinutukoy. Napansin naman sya kaagad neto.

"Magandang tanghali po, Manong Kardo. Ano po't napadpad kayo dito?" Bati kaagad sa kanya nung lalaki.

"May isang malaking pabor akong hihingin sa iyo Jonas."

"Ano po ba iyon? Tara po munang sumilong." Sabi ni Jonas. Mataas kasi ang sikat ng araw.

"Natatandaan mo pa ba yung babaeng natagpuan natin dito sa gulayan?"

"Ahh, opo. Kamusta na po sya?"

"Ay, mabuti naman. Alam mo, hindi na ako magpapaligoy-ligoy. Buntis kasi sya, at ang alam nya ay kami ang magulang nya. Hindi namin syang maigawang ireport sa pulis baka mamaya nyan, mas lalong maging delikado ang buhay nya. Hijo, humihingi ako ng pabor na kung pwepwede lamang ay ikaw ang maging kabiyak ng dalagang iyon." Dare-daretsong pagsasalita ni Mang Kardo.

Natulala si Jonas at hindi pumapasok sa kanyang utak ang kanyang mga narinig.

"Alam kong mahirap ang hinihiling kong pabor ngunit gusto kong makatulong dun sa dalagang iyon kahit papaano. Hanggang sa bumalik ang ala-ala nya."

"Sige po. Pumapayag ako." Walang pag-aalinlangang sagot ni Jonas.

Wala naman kasi syang kabiyak at sya din ay napadpad lamang din doon. Sa katunayan, galing din sya sa lungsod. Nagsawa na sya sa kanyang pamumuhay at sinubukang mabuhay gaya ng mga magtatanim na ito.

"Magmula ngayon, samin ka na maninirahan. Tulungang mo syang mamuhay kasama ang mga kanayon naten.''

"Maasahan nyo po ako dyan."

"Halika't ipapakilala kita sa asawa mong si Tina." Sabi ni Mang Kardo at nagsimula na silang maglakad papunta sa bahay nito.

Gusto nyo bang idescribe ko ang itsura nitong si Jonas?

Shattered ! (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon