chip chap eight ! :))

47 0 0
                                    

Chip Chap Eight

>Hindi ko talaga alam kung ano ang magandang ilagay dito. Hahaha! Hindi kasi nagana ang utak ko ng ayos e. Kaya pagpasensyahan na kung papangit to ng papangit. ;p

Ey, pips! 2 days had passed!! LOL! xD

----------

Donnell's POV

"Oy Kennard!" Tawag ko kay Kennard at ipinasa yung bola sa kanya. Kaso parang wala lang syang nakikita. Tangina! Palagi na lang syang ganyan kapag may practice.

Isa pa tong si Marky, nagiging magugutlain e. Tsk!

Ano bang problema nitong dalawang to?!

"Timeout muna!" Sigaw ko ulit at lalapit ako kay Kennard na parang isang lantang gulay na naglalakad papunta sa may bleacher.

Hinawakan ko yung balikat nya at iniharap sya saken sabay suntok.

*blooog*

"B-bakit mo yun g-ginawa?" Nagtatakang tanong saken ni Kennard. At yung iba pa naming teammates ay nagsisilapitan samen.

"Anong nangyari? May problema ba kayo?" Tanong sakin ni Vince. Hindi ko yun pinansin at nakatingin lang kay Kennard.

"Ganyan ba ang tamang pag-asal ng isang CAPTAIN?! Paano kami gaganahan nyan kung ganyan ka? Psh! Clear your mind and put the game first!!" Sabi ko at lumakad papalayo.

Nakakaasar!

Alam ko na ang iniisip nya ay si Ella. Hindi nya ba naintindihan na sinabi ng Principal na nagdrop-out na sya? Mahirap bang intindihin yon?

Sino ba sya para mag-alala ng ganun para kay Ella? Kung tutuusin naman mas mabuti pang wala na si Ella dito dahil panay hirap lang naman nararansan nya.

Nakakainis din yung babaing yun, hindi manlang napaalam. Psh!

Lumabas muna ako ng school campus at maninigarilyo.

Vince's POV

Inaalalayan kong tumayo si Kennard. Nagutla ako sa biglang pag-asal na ganun ni Donnell.

"Ken, may problema ba kayo?" Tanong ko kay Kennard.

"W-wala. Bumalik kayo mamayang 5 pm. Itutuloy naten practice." Sabi nya at tinapik balikat ko.

Kinuha nya ang bag nya at naglakad papalabas ng gym.

"Ano ba naman yan?! Tsk! Kung kelan malapit na ang laro tsaka pa nagkakaganito e." Sabi nung isang teammate namen.

Hindi ko alam ang isasagot ko. Hindi ko naman kasi alam kung bakit sila nagkakaganun e. (__ __)a

"Hayaan mo na sila. Magkaka-ayos din sila." Biglang salita ni Jude.

"Oo nga e. Haist!"

"Tara na. Wala na naman tayong gagawin dito e." Sabi nya at nagsimulang maglakad. Sumabay na din ako sa kanya paglabas.

Baka masyado lang silang naprepressure kaya ganyan. Think positive! ^^'

Christian's POV

O_______O

Nasan sila?

*chomp chomp chomp*

Nevermind.

*Kain*

"Ian, may pagkain ka pa?" Nagutla naman ako dito kay Marky. Biglang sumulpot e. ToT

"N-nasa bag ko. K-kumuha ka na lang dun." Nauutal kong sagot. Medyo nakakatakot kase itsura ni Marky e.

Kumuha sya ng pagkain sa bag ko at umupo sa tabi ko. Para syang wala sa sarili nya. >O< Nakakatakot sya.

Dahan-dahan akong tumatayo para hindi nya mahalata.

Kukunin ko sana bag ko p-pero bigla syang nagsalita...

"Iwan mo yan dyan!" Seryoso nyang sabi tapos seryoso din itsura nya. Y.Y Mga pagkain ko, paalam.

Tumakbo na ako palabas.

Mga pagkain kooooooooooo! TOT

*boooog*

"Aray! Pwet ko. TnT" Sabi ko. "Waaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaah! Natapon ang pagkain ko!!!!! ToT"

"O-okay ka lang ba?" Tanong nung isang babae. Sya ata yung nabunggo ko e.

Pinagpag ko yung kamay ko at tumayo.

"Sorry, Miss. Hindi ko sinasadya na bungguin ka. T3T"

"Ayos lang ako. Ikaw ba? Mukhang natapon yung pagkain mo e."

"Oo nga e. ToT Wala na akong pagkain, kinuha pa nung bakulaw kong kaibigan. HMP!"

"Hahaha! Tara, ililibre kita. ^^"

Bigla naman akong natuwa sa sinabi nung babae. Hehehe! Pagkain. ^O^

Kennard's POV

Bakit?

Bakit wala akong alam tungkol sayo Dan? Lahat na lang sinasabi mo confidential yung mga yun. Haist! Kahit ang registrar ayaw sabihin kung san ka nakatira o lumipat ng school.

Alam mo bang pinag-aalala mo ko ng sobra?

Nasan ka ba kasi? Bakit ba hindi mo manlang ako tinetext o tinatawagan?

Mababaliw na ako kakaisip sayo e. Nakakaasar naman to!

Hindi ko alam kung ano ba talaga ang dahilan kung bakit ka umalis? At bakit hindi ka manlang nagpaalam?

Akala ko ba walang iwanan?

Hindi ko talaga alam kung ano ang mangyayare saken kapag hindi kita nakita o makausap muli.

Denise's POV

*Ina Calling*

Ayaw naman tumigil nitong babaing to sa kakatawag saken. Bahala sya. Basta tapos na ko. Hindi na ako gagawa ng ganung bagay ulit.

21 missed calls.

Aish! Ang kulit talaga. Ano na naman bang problema ng babaeng yun.

*ringgg rinngggg*

Masagot na nga. Psh!

"Bakit ka ba tawag ng tawag?!" Pasigaw kong tanong sa kanya. Nakukulitan na ako e.

("Denise...") Malungkot na sagot saken ng isang boses lalaki.

"Sino to?"

("It's me, Marky. Pwede ba tayong magkita ngayon?")

"H-huh? Osige. San ba tayo magkikita?"

("Pumunta ka na lang sa bahay.") Sagot nya pero wala pa ding pinagbago. Ang lungkot ng boses nya. Sigurado akong iniisip nya pa din yun.

"Ok. Bye." Sagot ko at pupunta na ako sa kanila.

Ako lang sa ngayon ang nakakaintindi kay Marky dahil parehas kami ng sitwasyon.

Sorry Marky, kailangan mo pang madamay dito.

--------

Notes ko ::

Hahaha! Ang imba ng UD na to. XDDD

Tangina! Natatawa ako sa mga tinype ko dito e. :P

Shattered ! (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon