chip chap ten ! :))

49 0 1
                                    

Chip Chap Ten

-The Celebration-

Kennard's POV

Oh? May angal kayo kung bakit kami ang nanalo? Hahaha. Syempre, nadaan namin sa kagwapuhan namin yan e. XD

Ang galing kaya ng teamwork namin. Magbabarkada kami e.

Eto kami ngayon, may celebration daw.

Hahaha! Ang yaman nga ng coach namin e. Sagot ba naman lahat.

Malamang natuwa yun kasi nagchampion kami.

Nagpunta kami sa isang private resort.

"Coach, hindi nyo naman po kailangang gawin to e." Sabi ko kay coach.

"Hoy, Ken! Ayan na naman ang pagka-KJ mo a?" Si Donnell yan.

Pasensya naman, hindi ako mahilig sa ganito e.

"Oo nga Captain! Minsan lang magyaya yang si coach..Hahaha!" Gatong pa nung isa.

Loko-loko talaga tong mga to. Hahaha! Palibhasa kasi, magagawa nila ang lahat ng gusto nila dito. Mga takot kasi magpaalam sa magulang na mag-iinom. Hahaha! Ang babait din ng mga to.

"Mag-enjoy lang kayo. Basta ako, magpapahinga muna." Sabi ko sa kanila. Abah! Napagod din ako. Sakin kaya nila pinapasa palagi ang bola. -.-

"Ken, napaka-kj mo talaga." Nagsalita tong si Marky. Nakikinig pa pala to. Hahaha! Busy kaya yan kanina pa kay Denise e.

Oo, kasama nga si Denise. Baka daw kasi magloko bigla tong si Marky e.

"Mamaya, sumunod ka na lang samin ha?" Sabi ni coach at tinapik yung balikat ko.

Tumango na lang ako at ngumiti.

Pumunta muna ako sa kwarto namin. Malaki naman yun, kasya kaming anim na magbabakarda.

Naligo na lang muna ako..

Pagkatapos kong maligo, nagutla na lang ako kasi may nakahiga sa kama ko.

"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko sa kanya.

"Hindi mo ba ako namiss?" Sabi nya at lumalapit sakin.

 And whoa...She's NAKED!

"Magbihis ka nga. <.<" Tumingin ako sa ibang direksyon.

"Babe naman, ang tagal nating hindi nagkita tas ganyan ka."

This time, nakayapos sya saken.

Since kalalabas ko lang ng banyo, nakatakip lang ng tuwalya yung lower part ko. Alangang pati itaas takpan ko? Ano ako? Babae? =_____=

Tama yung nadinig nyo. Babe ang tawag nya saken. Girlfriend ko sya, surprised?

Itinatago ko yung relasyon namin kasi baka saktan sya ng kapatid ko. Pero, the heck? Iniwan nya ako bigla, tas ngayon babalik sya? Inaasahan nyong matutuwa ako? Hell no!

"Wondering why am I like this?" Inalis ko ang pagkakayakap nya saken. "Bigla kang nawala, tapos babalik ka na lang din bigla? Are you expecting me to be glad 'cause you're already here? Wow! Wow!"

"I-I had no choice." Sagot nya saken at medyo naiiyak din sya.

"No choice? Bakit ba kung sino pa yung mahahalaga saken, yun yung mga taong ang hilig akong iwanan?!" Napaupo na ako.

Una sya, tas ngayon si Dan.

Natulo na yung luha ko. Ano ba yan? Nakakabakla naman to.

"Shhh! Shhh! I will never leave again." Sabi nya at iniangat ang mukha ko. Pinupunasan nya ang luha ko.

Shattered ! (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon