Part 1

14 3 3
                                    

[THIS STORY IS UNEDITED SO EXPECT SOME ERRORS, THANK YOU]

"Hoy, Kena! Ano na naman ba iyang ginagawa mo?"

Napabalikwas ako dahil sa bigla kaya muntik na akong ma-out of balance sa kinaupuan ko, ganun nalang ang pagkasimangot ko kay Reya ang bubutihing kaibigan ko na kulay berde ang utak sa kahalayan.

"Anong ano? Sino iyan, oy Reya" sabat ni Elayza at bumulunggahit ang dalawa ng tawa samantalang ako alay halos lumalabas na ang eyeball sa kaka-titig sa kanila ng nakakamatay tingin. Yeah if only glare can kill, nasa ilalim na 'tong dalawang babaita sa inner core nitong lupang inaapakan namin!

"Mga buset kayo, alam niyo iyon?" Iritang sabi ko sa kanila at bumalik sa pag e escroll ko sa facebook.

"Ano pa nga ba ang bago? Malamang sa malamang ay ini-estalk na naman ng babaing iyan ang crush niya" diniinan pa talaga ni Elayza ang salitang 'crush' huh.

Hinayaan ko nalang na magtata-talak ang mga babaing iyan, palibhasa mga bitter dahil hindi kin-rushback ng crush nila! 'e kin-rushback ka din ba?' Birit ng konsensya ko. I pouted my lips, atleast crush ko siya at iyon ang mahalaga!

Halos updated ako sa mga social media accounts ni Zeidel Agura dela Vega, na isang soccer varsity namin dito sa school, bukod dun ay nagsusumabog ang ka-gwapuhan ng self-proclaim myloves ko iyon! Lalo na kapag natitigan ang mga nag pipilantik niyang pilik mata na parang alon at ang mga mata niyang nagsisigaw sa linaw nito, isama mo pa iyong mala aristocrat na ilong nito na ikinahiya bigla ng ilong ko, tapos ang labi niyang mala snowhite ang pula! Jusko. Tapos kapag nag lalaro siya ng soccer sa field ay kumikinang ang mala nyebe niyang balat at nag puputiang ngipin pag tumawa, hiyang hiya talaga ang prof naming panot na may mala gold na ngipin.

Naging crush ko na ito noong nene pa lang ako, yah know? Grade 7 wannabe, ay talaga namang napatulala ako at nakalimutan ko talaga na may nakasagupa pala akong pader na salamin kaya ayown pre! Untog ang lola niyo at may bukol pa talagang pabaon ah, putstang pader iyon.

Noong grade 8 ako nagkalakas loob dahil sa kagustuhan kong mapansin ng isang Zeidel Agura dela Vega, ginawa ko ang certified katangahan stunt ko! Oh diba, astig noh? Talaga namang mapapa-instant blush ako sa tuwing naa-alala ko ang katangahang iyon. Ano bang ginawa ko?

Simple lang.

Naglakad ako pasalungat sa dinaraanan niya at nagkunwaring hindi siya napansin na papalapit na pala siya, nang malapit na siya sa akin ay tinisod ko ang sarili kong paa and BOOM! Napakapit ako sa pants niya at nahila ko ang suot ng koya niyo pababa kasabay ang pakikipag lips to lips ko sahig! Ayown, HUBAD at syempre joke lang iyon kasi uto-uto kayo!

'To naman hindi na mabiro, ayun nga natisud--este tinisod pala ng lola niyo ang sarili niya, at dahil plano ko talagang matumba pati mga hawak kong libro sa harap niya tapos nun ay tatanungin niya ako kung okay lang ba ako at magkakati-tigan kami, tapos titingin siya sa labi kong tinalo pa ang El Niño sa sobrang dry--joki joki lang! Hanggang sa halikan niya ako--pero joke lang ulet hehehe ang assuming niyo masyado syempre pa demure muna ang lola niyo! Maria Clara ba ganun, pakipot muna!

So ayun tudo cheer naman ang dalawa kong malalantod na kaibigan. But unstead of iyun nga ang mangyayari ay nakooo lumelevel up pa talaga ang kuwaring katanga ko kuno, nasalo ako ni CRUSH! Lam mo iyon? Iyung literal na NGANGA ka nalang sa kilig! Pakingsetofpeper guys, ANG GWAPO! At dahil nga na star-struck ako kay Crush e hindi ko namalayan na tumulo na pala sa pagkakatulala ang laway ko! Putragis na minus point ako dun ah! Pero seryoso, nakakahiya iyun lalo na't narinig na rinig ko talaga ang mga halakhakan ng mga estudyanteng nakakita at mag papahuli ba ang mga gaga kong kaibigan? Malamang nauumapaw ang boses ng dalawang lintek!

Nakakahiya man pero simula nung araw na iyon ay nakilala niya ako, hindi nga lang sa pangalan kong "Akena", akeni dugdug doremi---peace! E binansagan ba naman akong "miss tulo laway" pero okay lang hehe. Kung sa iba ay mabantot pakinggan e sa akin ay PAKINGTEYP MEN. kilig na kilig pa ako, ewan ko ba haays e atleast ako pinansin ni Crush e itong nagbabasa? Ni kahit isang 'Hi' ay wala! Weak mo, weak. Bwahahaha!

"Putchang gala Liz, ayoko na talagang magka-crush!" Reya.

"Kena, mukha kang baliw na nag balak na gumawa ng masama." Elayza, Liza for short.

"ANG CREEPY MO!" Sabay pang litanya nila.

I gave them my ultimate glare at akmang sisinghalan sila nang---

"KENA! Si Zeidel mo ayun!" Biglang anunsyo ni Reya dahilan para mawala ang atensyon ko sa kanila at automatic nag counter clockwise ang ulo ko paharap sa pinto sa malapit sa chalkboard ng classroom namin para sumilip.

To be continued...

PS1: Simula Pa Nung UnaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon