Part 6

1 0 0
                                    

Loading...

Loading...

Putchang gala! Nadulas ako! Nakita ko ang pagkatulala niya kaya naman sinamantala ko ang oras sa pag takas sa harapan niya at mabilis na tumakbo palayo, ganiyan nga Akena, tumakbo ka nalang palayo sa kaniya para hindi ka na masaktan.

I was a bit dissapointed and relieve at the same time. Dissapointed dahil akala ko ay tatawagin niya ang pangalan ko ngunit wala hindi niya ginawa, ibig sabihin nun ay wala talaga siyang pakialam sa nararamdaman ko sa kaniya. Relieve dahil hindi niya ako sinundan, baka bigla nalang akong maging marupok at magmamakaawa akong humingi ng chance para ipakita ang nararamdaman ko sa kaniya. Kawawa naman ang dignidad at ego ko niyan hindi ba?

Pero damn, hindi ko akalain na nasabi ko na sa kaniya ang lahat ng hinanakit ko, sana naman hindi niya ipairal ang pagka-slow niya minsan kasi kahit matalino iyun ay hindi mawawala ang pagka slow poke niya. Ano nalang ang gagawin ko bukas? Dahil alam kong wala na talaga akong pamumukhang maihaharap sa kaniya matapos akong magdrama at wala sa oras na confession kanina!

"QUITS NA TAYO!" Napabalikwas ako ng bangon dahil sa boses na iyon. Buset kahit sa panaginip ba naman!? Ugh! Puyat na nga ako kagabi dahil sa kaiisip sa ginawa kong kagagahan ay dumagdag pa ang epal na panaginip na 'to! Hindi na ako magtataka na magmumukha akong zombie ngayon dahil madaling araw na ako nakatulog kanina.

Bukas na pala ang VD, gusto ko man umabsent ngayon e bawal dahil nga last day na at importante ang attendance dapat kasi kompleto kami at ako pa naman ang class president nako may hiya oa naman ako sa katawan kahit na basted na ako at na friendzone noh! So ayun nga may ginawa kasing mga boths echorvalous ang kada year level at bawat sections kaya madami dami gawain sa school.

Walang buhay akong naligo at tsaka nag toothbrush, okay lang naman na ma late ngayon, huwag lang umabsent.

"Ma, alis na po ako." Pag papaalam ko kay mama.

"Kumain ka naman ba?" Narinig kong taning nito mula sa garden, baka nag tatanim na naman iyun, mahilig kasi sa bulaklak si mama.

"Opo"

"Sumabay ka na sa kuya mo, Kena." Sabay labas ni mama sa garden, nakasuot ito ng maruming gloves, sabi na nga eh nagtatanim.

"Opo ma, nasa labas ng gate na si kuya." I bid my goodbye to mama at lumabas na ng gate. Bumungad sa akin pagkapasok ko sa kotse si kuya na umuusok ang ilong sa inis.

"Ang bagal mo talaga Akena! Late na ako!" I just make face at my brother. Late my ass!

"Late mo mukha mo e wala nga kayong pasok ngayong araw! Ano? Late sa date niyo ni Ate Mandy?" At iyun nga po, inirapan lang ako ng lolo niyo. Paano ko nga ba nalaman na wala silang pasok? Siyempre, ang kapatid ng bestfriend kong si Elayza lang naman ang jowa ng kuya ko!

"Bilisan mo nang bumaba!" Nababagot na dada ni kuya. Sumimangot nalang ako at bumaba na. Bamilis nitong pinaharurot ang kotse. Tsk sumbong ko kaya to kay mama? Pusang gala talaga ang sakit ng ulo ko! Tas ambibigat pa ng eyebags ko.

Thank god, hindi ko nakasalubong si Zeidel kaya heto ako ngayon pinaulanan ng tukso ng mga walangya kong kaibigan. Kesyo na na lovesick ako, na ganito, na ganiyan. Heh! Mga gaga!

Kasalukuyan akong naghahanap sa notebook kong sinulatan ko ng kanta sa loob ng bag ko. Huwatda!? Saan nagpunta iyun? Sa pagkaka-alam ko hindi naman naglalakad ang notebook ah? At tsaka dito ko iyun nilagay kahapon! Ugh!

"Ano hinahanap mo Kena?" Nagtatakang tanong ni Layza.

"Iyung notebook ko!" Nakasimangot kong sabi.

"Hala? Iyung sinulatan mo ng kanta mo?" Pagtatanong ni Reya kaya tumango nalang ako. Pumikit ako at inaalala kung saan ko ba talaga posibleng na lagay iyun kaso sa bag ko lang naman talaga e.

PS1: Simula Pa Nung UnaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon