Part 2

6 2 0
                                    

Ganun na lamang ang pagkadismaya at pagsimangot ko nang ang professor namin na mukhang uranggutan na panot ang pumasok.

Narinig ko pa ang mga tawanan ng mga kaklase namin kaya isa-isa ko silang sinamaan ng tingin at buti naman uto-uto ang iba kaya't nagsi-tahimik naman. Good.

I am the class president here at alam nila ang kaya kong gawin harharhar! Isa pa, alam kasi ng mga kaklase ko na super duper ultra mega Crush ko si Zeidel Agura dela Vega, at kaya wala ring nag tangkang sabihin o ipaalam sa akin ng mga kaklase kong babae na may gusto sila kay Zeidel dahil ipapa-salvage ko talaga sila! Takot mga iyun sakin at hindi ako nagbibiro. Nyahaha!

So ayun syempre shut up lang sila kundi lagot sila sakin pag isumbong nilang patay na patay ako sa lalaking nag ngangalang Zeidel Agura dela Vega myloves na matagal ko nang pinakasalan sa pantasya ko.

"Class since it's our subject for today is Music, I would like you to compose your song. It's up to you what genres do you want. This is for the upcoming Valentines' day! Understand that? NO exempted and NO buts! I and our other music teachers at this level will be your judge. Huwag kayong mag alala, this year level lahat ay sasali. Iyon nga lang ibang activity sa kanila. So, any questions?" Litanya ni Sir. Panot.

May nagtaas naman ng kamay nila.

"Sir! Kami din ba ang mag pi-play ng instruments?" Si Eya iyung nagtanong.

"Great question, ms. Reyes and my answer are Yes! You should be the one who'll play your instruments too." Tango-tango naman ako.

Today is February 10, so we have 4 days para pag isip ng lyrics at melodies. Urgh! Why so sudden? Hagard ang beauty ko nito.

"Sir!" Tanya raised her hand.

"Yes, ms. Guman?"

"Pwedeng tagalog Sir?" Natawa ako sa tanong ng kaklase ko. Walang pinagkaiba kapag nag re-report kami HAHAHA aba!

Iyong tipong english na english ang subject tapos nasakalagitnaan ka na ng pag re-report ay bigla bigla mo nalang tanungin ang guro na,

"Ma'am? Pwede tagalog nalang?" Walangya nahiya tuloy ang ENGLISH teacher namin sa kaniya at ayun pinagalitan!

Huminga ng malalim bago sumagot si Sir, parang nag dadalawang isip pa si Sir e.

"Okay, Sige."

Naghiyawan ang iba sa narinig at ang iba naman ay napa-ungol sa frustrasyon. Ikaw ba naman e apat na araw nalang Valentines day na! Hindi naman nag tagal ay nagpaalam na si Sir sa amin at Lunch break na. Pagkatayo na pagkatayo ko ay in-unat ko ang braso ko na parang bagong gising lang.

"Oh Kena, iyung lavidabs mo nasa labas," mahinang bulong sakin ni Reya.

Napaikot naman ang mata ko dahil alam kong scam niya lang iyon.

"Kunwari naniwala ako." Pambabara ko sa kaniya at tinawanan lang ako ng gaga.

"Tara na!" Bigla akong hinila ni Elayza, teka iyung guitar ko!

"Teka--teka muna!" Pagpupumiglas ko at agad din naman nilang nabitawan ang braso ko na pilit nilang hinahatak.

"Yung baby cheska ko naiwan!" Singhal ko sa kanila at tinalikuran sila. Dinampot ko na ang baby ko at padabog na naglakad patungo kila Reya habang sinasabit ang belt ng guitara ko sa balikat ko.

"Huwag kasing ata---" napahinto ako sa pagsasalita nang bumungad sa akin ang isang napaka gwapong nilalang na matagal ko nang pinag papantasyahan simula junior high ako.

Nakita ko na naman ang nakikislapang mata nito at ang umaalon na pilik-mata at matatayog na pang aristocrat na ilong nito. Wala sa sariling bumaba ang mga mata ko sa mapupulang labi nito, gosh bakit ba may ganitong lalaki sa mundo? Nakakainggit!

"Hi miss tulo laway!" Pang-aasar nito sa akin, pero imbes na maasar ay kinilig pa ako. Ganiyan ako ka adik sa lalaking ito! Nyahaha huwag kayong panira sa mood oy. Pero dahil isa akong mapagkuwari ay umakto akong nairota sa narinig. Ayokong malaman niya na may gusto ako sa kaniya, baka layuan pa ako sayang naman! Ngumiwi ako sa kaniya sabay sabing.

"Shut up Zei" inirapan ko ito, deep inside 'kyaaaaaah! Help me! I can't breathe!'

Narinig ko ang bulong ng dalawang babae sa tabi ko na,

"Aba, pakipot pa ang babaita" parinig na bulong ni Reya.

"Iba din e." Natatawang wika ni Elayza.

Kaya ayun pasekreto ko silang sinamaan ng tingin at nagsitahimik naman ang dalawa. Good.

"Hahaha, ano? Sabay na tayo mag lunch!" Pagyayaya nito sa amin. Omo.

"Sure!" Reya.

"Sige ba." Elayza said. Aba-aba inunahan pa talaga akong umarangkada ah! Buling naman ang mga tingin ni Zeidel sa akin na parang inaantay kung ano ang maging sagot ko na tila nasa akin nakasalalay ang disisyon, at hindi ko mapigilang pamulahan ng mukha. Tumikhim muna ako bago sumagot.

"Yeah sure."

"Ayoooown!" Zeidel, zeidel, zeidel, haaays kasalanan mo talaga ang dahilan ng pagkahulog ko sayo. Tsk tsk tsk. Nauna nang mag lakad hehehe masosolo ko na ang baby loves ko!

Inayos ko muna ang pagkakasukbit ng gitara ko sa likuran ko nang magsalita ito.

"So, nasabi na ba sa inyo ng prof niyo kung ano ang activity niyo this coming Valentines day?" Pagtatanong niya sa akin na tinanguan ko naman. Syempre pa-cool muna ako.

"Ano ang gagawin niyo?"

"Ang maarte naming prof ay pinag compose kami ng kanta." Walang gana kong sabi. Harhar. Shuss lang kayo.

"Woaah! Astig nun ah, manunuod talaga ako niyan hahaha!" Inirapan ko siya para itago ang kilig ko.

"Kayo ba?" I want to clap my hands for myself to not stuttering beside this man.

"We will dance." He then rakes his free right hand in his hair that makes him so....hot. Teka bakit uminit bigla? Wooohhh.

"Wow, aabangan ko iyan." I made a chuckle.

"Patay ka pag di kita makita. Hahaha" Hindi ko nalang ito pinansin dahil sa katunayan ay, tukneneng iyung puso ko po, ilang pakilig nalang at puputok na ito sa ligaya!

Nagtaka ako dahil may sumalubong sa aming isang maganda at may mala porselanang kutis na babae, nagkakamali pala ako dahil kay Zeidel ito dumeretso at...yumakap.



To be continued...

PS1: Simula Pa Nung UnaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon