Part 4

1 0 0
                                    

"Kena, bakit ngayon ka lang?" Bungad sa akin ni mama pag kapasok sa loob ng bahay.

I looked at my watch and it says it's already 6:23 in the evening. Hindi ko man lang namalayan ang oras dahil sa natuon ang atensyon ko sa ginagawa ko.

"May ginawa pong assignment sa school at hindi ko namalayan ang oras. Pasensya na po." Mahinang paumanhin ko.

Narinig ko lang ang pag buntong hininga ni mama tsaka ito nagsalita.

"Sige, magbihis ka na at baka lalamig na ang pagkain sa hapagkainan." Tumango lang ako at bagsak balikat na umakyat sa itaas.

I took a quick bath and change my clothes, hindi kalaunan ay bumaba na din ako at nag tungo sa dining.

"How's school Kena?" Tanong ni papa.

"Nakatayo pa rin po at wala namang pinagbago." Pagsasagot ko sa tanong niya, narinig ko ang mahihinang hagikhik nina mama at mga kapatid ko.

Tumikhim si Papa at tinaasan ako ng kilay.

"Kumusta ang pag-aaral mo? Hindi kaba nag lolo-loko doon?" Napa simangot ako sa tanong nito.

Ako? Nagloloko? E simula magkagusto ako kay Zeidel e wala na akong ibang ginusto kundi siya lang! Pero aning napala ko? Wala! Kasi dumating na pala ang babaing matagal na niyang hinihintay!

"Bakit hanggang ngayon wala ka pang jowa?" Curious kong tanong.

"May hinihintay kasi ako." Wika nito sabay ngiti sa akin.

"Ang tagal naman niya." Wala sa sariling sabi ko. Tumawa lang ito.

"Oo nga eh, baka na trafic pa."

Kaya siguro dumating na siya dahil bumilis na ang pagusad ng edsa. Gusto ko sana iyon ang sabihin ko kay papa kaso huwag nalang baka tuluyan nang lumipad ang tinidor niya 't bumaon sa lalamunan ko, nako zero talaga ako sa Music namin dahil hindi na ako makakapag-kanta.

"Okay naman papa." Sabi ko nalang. Mabilis kong tinapos ang pagkain ko at inilagay ito sa lababo. Nag presintang mag hugas ng pinggan si Kuya Aldrion, na alam kong may hihingin na naman iyan kila mama't papa, aba himala naman kasi na siya mag huhugas ng pinggan eh!

Umakyat na ako sa kwarto at ni review ang sinulat kong kanta. I grab my guitar and started struming then plucking the strings.

"Siguro nga napamahal na 'ko sa'yo..oo

Hindi naman inaasahan, hindi naman sinasadya,

Pero alam ko rin naman, hanggang dito nalang,

Lilimutin ang damdamin isisigaw nalang sa hangin, mahal kita.

Mahal kit---"

Narinig ko ang pag katok ng pinto kaya napahinto ako sa pagkanta.

"Kena, anak? Si mama ito" Mahinahong wika ni mama.

Tumayo nalang ako at binuksan ang pinto ng kwarto ko at bumalik sa pagkakaupo ng kama ko. Mama closed the door before she sat beside me.

"Okay ka lang ba anak?" Umiwas lang ako ng tingin kay mama.

"Okay, lang po." Liar!

"You know, mama is always ready to listen, right?" Na guilty naman ako.

Alam kong may clue na si mama kaso nahihiya kasi ako.

"May problema ka ba Kena?" I defensively shake my head.

Tinitigan lang ako ni mama na parang kung anong oras ay sisikmalin niya ako pag hindi ko sinabi sa kaniya ang problema ko. Detective mode na naman po si mama mga pre!

"Wala lang po ito, lilipas lang." Ramdam ko naman ang paghagod nito sa buhok ko sa likod.

"Tungkol ba iyan sa lalaki nak?" Gulat akong napatingin kay mama, hala paano niya nalaman iyon?

Natawa naman ito sa reaaction ko.

"Mama mo ako, kaya alam ko at pinag dadaanan ko na iyan." Napayuko ako dahil sa hiya.

"Tell me, bakit ba nagkakaganiyan ang Akena ko?" Huminga ako ng malalim kasabay ang pag buga ko nito ng marahas na para bang kay bigat bigat ng pinapasan ko.

"May gusto kasi ako ma, matagal na at ang malala pa doon magkaibigan na kami. Noon pa man ay gusto ko na siya bago pa man kami naging magkaibigan, ngunit ngayon nalaman ko na lang na may Girlfriend na siya. Sakit ma, umasa kasi ako..umasa ako na baka balang araw ay mapansin rin niya ako hindi bilang kaibigan lang kundi higit pa doon. Pero mali po ako. Umaasa lang ako sa wala ma." Pumiyok pa ang boses ko sa huling sinabi ko. Naramdaman ko ang marahang yakap ni mama sa akin.

"Kena, sige lang iiyak mo lang iyan hanggang sa gumaan ang pakiramdam mo." Dahil sa sinabi ni mama ay tuluyan nang nagsi-labasan ang kanina ko pang kinikimkim na luha.

Humahdagulhol lang ako habang nakayakap ng mahigpit kay mama na parang 8 years old na inagawan ng candy sa kalaro.

"K-Kung siguro hindi ako naging d-duwag at inamin ko na gustong-gusto ko siya.. sa tingin mo kaya ma, may pag-asa pa k-kami?" Pumiyok ang boses ko sa huling salitang bibitawan ko.

If I'm not being a coward, would he give me a chance to show him my feelings?

An image popped out in my mind of Zeidel and Peatty's sweet gestures even their hugs. I sobbed at the thought. Ramdam ko ang paghagod ni mama sa likod ko, at the minute I feel comforted by my mother's caresses. I'm so lucky to have such an understanding mother.

"Kena, kung sa tingin mo tama ang ginawa mo noon anak huwag pong pasi-sisihan iyun, hindi mo man makita ang mabuting kinalabasan ng disisyon mo ngayon, huwag kang mag alala dahil sa tamang panahon makikita mo nalang at masasabi na 'masaya ako sa kinalabasan ng ginawa ko' at kapag dumating iyun panahon na iyon, hindi mo malalaman na biniyayaan ka na pala ng may kapal." Nakikinig lang ako sa bawat kataga na binitawan ni mama,

"kung kayo talaga sa isa't-isa anak, ang panginoon na ang bahalang pag tagpuin kayo ulit, pero kung hindi naman," bumitaw si mama sa pagkayakap sakin at sinilip ang mukha ko na nakayuko.

"May ibang tao na nakatadhana para sa iyo at hindi iyon ang lalaking gusto mo ngayon." Parang may kumirot sa puso ko sa sinabi ni mama, alam kong tama naman si mama ngunit hindi ko mapigilan ang malungkot, siguro nga hindi talaga para sa akin si Zeidel. Tama na nga siguro ang naging disisyon ko.

"Sa tingin mo ma, kailangan ko nang kalimutan si Zeidel?" Luhaang tiningala ko si mama. I froze when I slipped. Damn, huli na para mabawi ko.



To be continued...

PS1: Simula Pa Nung UnaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon