Epilogue

2.1K 163 47
                                    

"Mahal kita." Bulong ng nobyo niya sa kanya na ikinangiti niya.

Dinala siya nito sa isang beach resort para mag relax dahil finally tapos na ang finals nila.

"Isa lang ang pangarap ko sa mga sandaling ito." She said habang nakatingin sa langit na puno ng bituin. She smile before looking at the man who's staring at her with so much love in his eyes. At para sa kanya yun. Ang pagmamahal sa mga mata nito ay para sa kanya. Sa kanya lang.

"What is it?" He asked.

Umayos siya ng tayo bago pinakititigan, sa isang taon nilang magkarelasyon ay wala itong mintis sa pagpaparamdam sa kanya kung gaano siya kahalaga dito. Kung gaano ka totoo ang nararamdaman nito sa kanya. And he is worth the risk.

Thank god she took the risk of falling for him. Sa lahat ng takot at insekyuridad na nararamdaman niya dahil sa agwat nila sa buhay ay binura lahat nito iyon mula ng sinagot niya ito.

"Ang ikasal sayo. Sa harap ng diyos at ng mundo." She said na ikinagulat nito bago bumakas ang ngiti sa labi. "Gusto ko ikaw ang una at huling lalaki sa buhay ko. Kung di rin lang ikaw, magiging matandang dalaga nalang ako." She said bago siya natawa.

"You wont be."

"Ha?"

"After college, let's get married." Sabi nito na ikinawala ng ngiti niya. Bakas ang ka seryosohan sa boses nito. "Gaya mo, ikaw lang din ang gusto ko. Hanggang sa huling hininga ko , ikaw at ikaw ang pipiliin ko. Mahal kita babydoll. So from this moment let me promise you, na ikaw at ako hanggang sa dulo."

--------
Marydale's POV

"Mommy water mo po."

Napalingon siya sa nagsalita at napangiti ng makita ang anak.

"Come here sweetheart." She said and Alya sit next to her bago ito yumakap sa malaking tiyan niya. "Thank you, but where's daddy?"

"Kitchen po." Mabait nitong sagot kaya niyakap niya ito at hinalikan sa noo. "Mommy kailan lalabas baby sister ko?" Tanong nito kaya napahaplos siya sa tiyan niya.

Yes buntis siya, pitong buwan na actually.

"In two months time sweetheart." Sabi niya bago pinakititigan ang mukha nito. Ang ganda ganda nito. At sa paglipas ng panahon talagang minahal na niya ito na parang kanya. Well infact alya is hers from the start.

Di man siya ang nagluwal dito pero sa birth certificate nito ay pangalan niya ang nakalagay na ina nito. As per edward's reason eh siya lang daw ang gusto nitong maging ina ng mga anak nito. Kahit di man kanya si Alya pero sa papel kanyang kanya.

"Babydoll."

Agad siyang napabaling sa asawa na ngayon ay palapit sa kanila habang may dalang pinggan. Edward place the plate on the table bago siya niyukuan at hinalikan sa labi.

"L-love."

"Namiss kita agad." Sabi nito na ikinangiti niya bago niya tiningnan ang bata na nakatakip ng mga mata. "Baby why are you covering your eyes?" She asked.

"Eh tito pogi said if you kissed each other I should cover my eyes cause it's private daw po." Sabi nito na ikinailing niya at ikinatawa ng asawa.

"Babydoll, kukunin pala nina mama si Alya mamaya. Those two old folks want their granddaughter always to be with them." Sabi nito na ikinangiti niya.

"Hayaan muna, mama just missed alya since they've been gone for almost a month." Sabi niya patukoy sa byenan na babae.

After that night where Edward asked her hands again for marriage ay nagpunta sila sa bahay ng mga magulang nito. And she was shocked how they already knows her story. At kung sino talaga siya sa buhay ni Edward. And from that day she became close to her in-laws lalo na sa mama ni Edward.

At this point of her life ay wala na siyang mahihiling pa. Her and Edward married again, in the church where they first go together nung mag boyfriend at girlfriend palang sila. And since kilala sa lipunan ang asawa niya ay na televised pa iyon.

And the day of their wedding ay nalaman niyang buntis siya. Like God is so generous to surprise them with a beautiful gift.

Her life is not easy, she lost alot. Her memories, her parents. But one thing remained. Her husband and his love for her.

And no days na hindi siya nagpapasalamat sa diyos sa pagbibigay ng lalaking mahal niya. Sa pagbibigay ng pangalawang pagkakataon sa kanila.

From college they fall in love and broke up. Then she lost her memories and became his brother's girlfriend, and yet faith have this ugly humor that make her end up as Edward's wife.

Destiny surely plays weird to people. Her love story is a roller coaster. But she won't change anything, not even a bit of it. Because at the end of the day, at the end of her journey.

She is with the man she loves the most. The man who she can call as her husband.
Her End Game. Edward.

"I love you." She said all of a sudden na ikinabaling nito sa kanya bago ito ngumiti ng malaki.

"Mas mahal kita."

And in that moment habang nakapaloob sa yakap nito isa lang ang nasa utak niya. Yun ang pasasalamat dahil mahal siya ng mahal niya.

The END

----------####---------
WAHHHHHHH salamat mga bakla. Hahahaha bat feeling ko ibang iba ang story nato? More mature? Charrrr

Anyway salamat sa paglalaan ng oras na basahin ang mga gawa ko. Ang saya ng puso ko na finally nakatapos na naman ako.

Cause in all honesty, this past few months I've been struggling to finished a story. Nawawala ako sa tempo. Nawawala ako sa focus ko. Kaya ang hirap magsulat dahil busy din talaga ako sa buhay sa labas hahaha.

Kaya salamat sa mga nanatili at nagtyaga na maghintay sa mga update. Mahal ko kayo. Wagas na wagas.

Gabriel143

Her End Game Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon