Chapter 7

1.8K 146 68
                                    

Marydale's POV

"Nasa labas ako ng bangko."
Yun ang text na natanggap niya kay Edward kaya dali dali siyang nag ligpit ng gamit.

Its been two weeks since they decided to give their marriage a chance. And so far so good naman. Mas lalo niyang nakikilala ang asawa. Maliban sa halik nung gabing iyon ay di na yun naulit pa.

But everyday Edward always give her a kiss on the forehead that she finds sweet. Mas madalas nadin itong tumawag o mag text. At halos apat na beses sa isang linggo ay nagsasabay silang mag hapunan.

Nang makalabas sa bangko ay agad siyang natigilan sa nakita. It's Edward leaning on his lamborghini car, wearing his office attire minus the coat. Nakatupi ang manggas ng puting polo nito at nakasalamin ito na talaga namang nagpalamang sa kagwapuhan nito.

"Hey." Bati nito nang makita siya kaya napakurap siya bago lumapit dito.

Ramdam niya ang mga tingin sa paligid nila pero tila walang paki doon ang lalaki.

"B-bat ka andito?" She asked ng makalapit ito at halikan siya sa noo.

"Sinusundo ka. Plus we need to go shop some food. It's in your list babydoll." Sabi nito kaya napatango siya.

May mga gawain silang inilaan sa isat isa na magkasama. Like grocery and house cleaning. Ayaw sana nito kasi may binabayaran daw ito para gawin iyon pero umayaw siya. Kaya ito sila ngayon mag gogrocery.

"E-ed." She said bago napasinghap ng makaupo siya sa loob ng kotse nito ay umupo ito sa labas sa may gilid niya bago hinawakan ang mga paa niya.

Sa gulat niya ay inalis nito ang suot na sapatos na may heels bago sinimulang masahiin ang paa niya.

"Feeling better now?" He asked casually bago siya tiningala.

Dug Dug Dug

Halos mapahawak siya sa dibdib ng magkatitigan sila. Ang lakas ng kabog ng dibdib niya habang nakatitig sa itsura nito.

"Babydoll?"

Napakurap siya bago binawi ang mga paa. "A-ano ok na. Tayo kana." Natataranta niyang sabi.

Huminga ito ng malalim bago tumayo pero agad ding yumuko para ikabit ang seatbelt niya. Halos maipikit niya ang mga mata ng maamoy ito at maramdaman ang init ng katawan nito.

Tsaka lang niya naramdaman ang pag pipigil ng hininga ng umayos na ito nang tayo at sinara ang pinto sa side niya. Habang sinusundan niya ang paglalakad nito sa kabilang side ng kotse ay napahawak siya sa dibdib at pinapakalma ang lakas ng tibok nun.

When Edward enter the car ay may inabot ito sa likod ng upuan niya. It was her slippers.

"Here, yan soutin mo grocery store mamaya. Bat kasi may heels pa ang sapatos na sinusuot mo? Nangangalay tuloy yang paa mo." Sabi nito na ikinangiti niya.

Guess he noticed how awkward she walk with her heels. Masakit kasi ang paa niya kasi di siya sanay sa heels na meron siya sa sapatos na suot. Nasira kasi yung nakasanayan niya at ngayon niya lang sinuot ang bago.

"Salamat." Nakangiti niyang sabi na ikinalingon nito at tinitigan siya ng ilang segundo.

"Damn." Bulong nito bago nag iwas ng tingin na ikinakunot noo niya.

"May problema ba?" She asked.

"Nothing."

"Parang meron eh." She said na ikinalingon ulit nito sa kanya.

"I wanna kiss you." He suddenly said na ikinalaki ng mga mata niya. "Damn babydoll don't bite that lips please." Sabi nito kaya napanguso siya.

Ramdam niya ang pamumula pero mas lamang ang kagustuhan niyang pag bigyan ito.

"Ok."

Marahas itong napalingon sa kanya kaya napangisi siya. She then unbuckle the seatbelt at siya na mismo ang dumukwang para halikan ito sa pisngi.

"Yan." She said after kissing his cheeks.

"One more." He said at dahil masunurin siya ay inilapit niya ulit ang labi sa pisngi nito pero agad itong lumingon at labi nito ang nalapatan nang labi niya.

She was about to pull out when edward hold the back of her head and deepen the kiss. Halos mapasinghap siya ng maramdaman ang dila nito sa may labi niya.

"Open babydoll." Bulong nito sa pagitan ng paghalik sa kanya. At ng iniawang niya ang labi niya ay bulta bultahing kuryente ang naramdaman niya lalo pa nung laliman nito ang paghalik sa kanya.

When Edward let go of her lips ay hinalikan nito ang ibabaw ng ilong niya at noo bago dinampian ang labi niya. He then placed his forehead on hers bago nagsalita.

"I've been holding myself to kiss you this couple of days. Pero naubos ang control ko. Sorry babydoll." Bulong nito.

She look at him at bago paman ito makapagsalita ay hinawakan na niya ang kwelyo ng suot nito bago siya mismo ang naglapat ng labi niya sa labi nito.

Hindi niya alam kung bat niya ito ginagawa, di siya agresibong tao pero mukhang gaya nito ubos nadin ang control niya.

Ilang gabi ba siyang di pinatulog sa pag iisip ng halikan nila? And she wants more of that. She wanna be kissed again. And now she's opening her mouth and welcoming edward's tongue with all gratefulness.

And one thing is for sure. Her husband kissed so good na ramdam niya ang pag iinit ng katawan.

Shutangina.

---------####---------
Gabriel143

Her End Game Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon