*******
"Walanghiya ka, ang kapal ng mukha mong mambabae samantalang kami ng mga anak mo dito nagugutom!" Sigaw ni Mama kay Papa.
Nag-aaway silang dalawa dahil daw sa nambabae si Papa, yun ba ang gabi-gabi kong naririnig sa kwarto nila? Na kailangan pa nilang magpanggap na okay sa harap namin ni Rhumzell sa umaga masabi lang na ayos lang ang lahat?
"Hinaan mo ang boses mo Casey! Maririnig ka ng kapit-bahay." Madiin at seryosong saad ni Papa.
"Ngayon mahihiya ka na baka marinig ng kapit-bahay ang kabalastugan mo? Pero hindi ka nahiya man lang na may pamilya ka na eh nakuha mo pang mambabae!?" Galit na galit na sigaw ni Mama na ikinaiyak pa niya.Nandito lang kami ni bunso sa tapat ng kwarto ko habang nag-aaway sila Mama, umiiyak na si Rhumzell dahil sa nakikita at naririnig niya. Gustuhin ko man siyang ilayo ay hindi ko kaya.
"Pag-usapan natin 'to ng masinsinan honey." Nang-aalong ani ni Papa at sinusubukang hawakan si mama sa braso.
"Manahimik ka Roger! Ilang beses na kong nagbulag-bulagan diyan sa pambabae mo at ngayon ay napuno na ako." Wala pa ring tigil sa pag-iyak si mama.
Gusto ko siyang puntahan at patahanin, pero kay bunso pa lang ay hindi ko na kaya. Ayokong nakikita si Mama na umiiyak, lalo na kung dahil iyon kay Papa at sa nagawa niyang kasalanan.
"Patawarin mo ko mahal, hindi ko na uulitin pa iyon." Mahinahong wika ni Papa na pinipilit pa ring hawakan si Mama na iniiwas naman ang kanyang sarili.
"Hindi ko alam kung saan ako nagkulang. Sumusobra ka na Roger, mabuti pang maghiwalay na lang tayo." Pagkasabi nun ni Mama ay pumasok siya sa kwarto nila at nakita kong kumuha siya ng maleta at inilagay kang damit doon.
"Dadalhin ko ang mga bata, wala ka ng karapatan sa kanila simula ngayon." Pinal na sabi ni Mama at nagtungo sa kwarto namin ni Rhumzell at pinagkukuha din ang aming gamit.
"Wag naman ganyan mahal, pag-usapan natin 'to nadadala ka lang sa galit kaya nasasabi mo yan." Naluluha na ring saad ni Papa.Muntikan na niya akong mapaniwala, akala ko ay habang-buhay na magiging mamaya ang pamumuhay namin bilang pamilya, pero yung imaheng nabuo sa isipan ko noon ay nasira ng dahil sa ginawa ni Papa.
Umalis kami ng bahay ng gabi ding iyon, walang nagawa si Papa kundi hayaan kami na iwanan siya. Hindi niya kaya si Mama kaya wala siyang nagawa man lang.
Dinala kami ni Mama sa Cebu, kung saan siya lumaki. Nandoon ang ibang kamag-anak namin sa side niya, kaya doon niya pinili dahil wala rin naman siyang ibang pupuntahan pa.Makalipas ang tatlong taon...
"Ryka, magmadali ka na at malapit ng magsimula ang oras ng graduation niyo." Sigaw ni Mama mula sa ibaba.
Nandito pa ko sa kwarto at nag-aayos, ngayon ang araw ng pagtatapos ko sa kolehiyo. Magna Cum Laude sa kursong civil engineering, si Papa ang inspirasyon ko noon kaya kinuha ko ang kursong ito. Pero magmula ng gawin niya ang kasalanan niya, sinabi ko na lang sa sarili ko na magtatapos ako para kay Mama at Rhumzell, hindi na siya kasama sa mga pangarap ko.
"Opo ma bababa na po." Sagot ko at nagmadali ng kuhanin ang aking gamit bago bumaba. Baka mamaya ay saan pa mapunta ang pag-iisip ko ayokong umiyak sa araw na ito ng dahil sa lungkot, kundi sa saya lamang.
"Nako anak, ang saya ko at makakapagtapos ka na rin. Congratulation." Masaya man ay may bahid ng luha ang mata ni Mama.
"Thank you Ma, nang dahil po sa kasipagan niyo ay nakapagtapos ako." Nahawa na rin ako kay Mama kaya tumulo na ang mga luhang kanina'y napipigilan ko pa.
"Masisira ang make-up mo anak, halika na at baka mahuli ang Cum Laude sa seremonyas." Sabi ni Mama at lumabas na ng bahay na siyang sinundan ko naman.
Nasa tricycle na si Rhumzell at hinihintay na lang kami para makaalis.