Dedicated to @AprilJaneDulay
*********
"Jane, lumabas ka na diyan at tulungan mo na ako sa mga pinamili ko." Dinig kong sigaw ni mama sa labas ng kwarto ko.
"Opo Mama, lalabas na po." Sigaw ko pabalik at bumangon na. Tiyak na namili na siya ng pangtinda namin para mamaya.
Paglabas ko ay nagulat ako ng may isang lalaki ang tumutulong kay Mama sa pagbubuhat. Base sa itsura ay kasing edaran ko lamang ito, ngunit matangkad. Ngayon ko lang siya nakita ah?
"Oh bakit nakatunganga ka lang diyan, halika dito at tumulong kang maipasok ito." Nagmadali na ako papunta sa pwesto nila mama, nakakahiya natigil pala ako sa paglalakad. Bakit ba kasi ang gwapo nito?
Nang maipasok na ang lahat ay ako na ang nagpasalamat sa tumulong kay Mama.
"Maupo ka muna Kyle, sumabay ka na sa amin mag umagahan." Wow, kilala siya ni Mama. Saan niya ba 'to napulot?
"Nako hindi na po, tapos na rin naman ho ako mag agahan sa bahay." Nakangiting saad nito. Hala! Ang gwapo niya ngumiti.
Sinampal-sampal ko ang sarili ko, ano bang nangyayari sakin? Ngumiti lang naman siya, wala pang ibang ginagawa pero para akong nakalutang.
Hindi ko napansin na napatingin na pala sila sa akin dahil sa ginawa ko. "Nak, hindi ka naman siguro nababaliw?" Pabirong tanong ni mama, grabe papahiyain ata ako kay kuyang gwapo.
"Ah eh h-hindi po." Ano ba yan bakit ba ako nauutal?
"Pagpasensiyahan mo na si Jane, baka kinulang lang yan sa tulog kaya ganyan." Sobra-sobra na nga tulog ko, ito talagang si Mama.
"Ayos lang ho, ang cute nga niya eh." Natatawang sabi ni Kyle. Oo nakiki-kyle na din ako. Hindi ko alam kung nagbibiro ba siya o ano pero nag blush pa din ako sa sinani niya.
"Wag kang ganyan kinikilig yan." Mapang-asar na saad ni Mama. Nanay ko ba talaga 'to?
"Luh, Mama naman." Tila nagrereklamo ang akimg tinig, pero hindi mapigilan na maitago ang mga ngiti sa labi.
"Asus kilala kita anak, wag ka ng mahiya gwapo naman si kyle." Sabay kurot pa ni Mama sa tagiliran ko. Bumabalik nanaman siya sa pagiging teenager.
"Ehem." Natigil kami ni mama ng may pekeng umubo. "Nandito pa po ako hehe." Nahihiyang sabi ni kyle. Natauhan ako sa sinabi niya, paano ba naman eh kung pag-usapan namin siya parang wala siya dito.
"Sige pwede ka ng umalis." Nandiyan pa daw siya eh, edi paalisin na.
"Nak, minsan wala ka talagang pakiramdam." Sabi niya na ipinagtaka ko kapagkuwan ay humarap siya kay Kyle. "Sige next time ka na lang sumabay sa amin. Salamat sa pagtulong." Sabi ni mama at umalis na si kyle.
Isinalansan ko na ang mga kakailanganing ingredients ni Mama para sa lulutuin niyang putong kamoteng-kahoy mamaya na pangtinda. Maaga pa pero ayos na rin para luto na lang ang gagawin mamayang hapon, tutal ay pang meryenda naman iyon.
"Ma, saan mo nga pala napulot yun?" Tanong ko para naman hindi kami tahimik ni Mama dito. Dalawa na nga lang kami tapos hindi pa magkakabuhay ang paligid? Wala na si Papa at nag-iisa lang akong anak kaya kami na lang natira ni Mama.
"Ah si kyle ba? Gusto mo siya nak?" Nang-iintrigang tanong ni mama. Gusto agad? Hindi ba pwedeng crush lang? "Bagong-lipat sila diyan sa kabilang bahay, sakto naman na nakita niya kong nahihirapan sa dala ko, tinulungan na niya ko. Matulunging bata." Paliwanag ni mama. Ah kaya pala ngayon ko lang siya nakita.
Hindi na lang ako umimik dahil okupado ang isip ko sa lalaking ngayon ko lang nakilala. Pagdating ng hapon at mailuto ang puto ay inilagay ko na ito sa lagayan at saka ilalako.