Dedicated to @MORRIENGI
*******
"Oh Carlo, anong ginagawa mo dito?" Tanong ko sa lalaking nakatayo sa gilid ng gate ng school na pinapasukan ko.
"Syempre sinusundo ka." Sagot niya na ikinahiya ko. Hindi naman kasi kailangang sunduin ako malaki na ko, sabagay natural nga pala iyon sa manliligaw.
"Nako, wag mo ng sundin sila mama, ayos lang naman kahit ako lang mag-isa ang umuwi." Sabi ko at pumauna na sa paglalakad.
"Hindi naman dahil sa inuubliga ako ng mama mo, gusto ko rin naman ang ginagawa ko dahil sinusundo ko ang taong gusto ko." Nakangiting aniya saka sumabay sa akin sa paglalakad.
Sa totoo lang bawal pa ako magka boyfriend, pero si Carlo naglakas-loob na ligawan ako at magpaalam sa magulang ko. Nung una tutol sila pero kalauna'y pumayag din dahil sa pagpupursige nitong isa.
Kahit mga kapatid ko nga ay close na siya, yun daw kasi ang gusto niyang mangyari. Ang maipakitang seryoso siya sa akin. Hindi naman na kailangan nun, dahil alam kong hindi magloloko itong si Carlo. Tsaka nasa tamang edad na kami.
"Ang inaalala ko lang, pagod ka din naman sa school niyo. Baka mamaya ay nakakaabala pa ako sa anumang gawain ang gagawin mo." Dapat, kahit na pinupursue mo ang isang tao, wag mong kakalimutan ang pag-aaral mo o kahit delay man lang.
"Sana diniretso mo na lang ako, Chris. Kung ayaw mo akong makita, ayos lang basta magsabi ka hindi yung madami ka pang pasikot-sikot." Ramdam ko ang sakit sa sinabi niyang iyon. Hindi ko naman sinasadya.
"S-sorry ang akin lang naman eh, hindi lang dapat sa akin umiikot ang mundo mo." Nahihiyang sambit ko, hindi makatingin ng diretso sa kanyang mga mata.
Narinig ko na lamang na bumuntong-hininga siya at pumara na ng tricycle na sasakyan namin pauwi.
Tahimik lang kaming dalawa hanggang sa makarating ng bahay. Kung hindi pa lalabas ang kapatid ko ay baka puro katahimikan na lamang ang namagitan sa amin ni Carlo.
"Nandiyan na pala kayo ate kring, kuya Carlo. Pumasok na po kayo at nasa loob sila mama nagmemeryenda." Sambit ni Craine.
"Nako hindi na Craine, mauuna na rin ako dahil may gagawin pa akong project. Hinatid ko lang talaga si ate Kring mo, pakisabi kay tita na dumaan lang ako saglit." Nakangiti man ay bakas ang lungkot at hinanakit sa kanyang boses. Naoffend ko ba siya kanina? Sana hindi niya minasama ang mga sinabi ko.
"Okay sige kuya, papasok na ako para ipaalam na aalis ka rin agad." Tinanguan lang siya ni Carlo at humarap na sa akin.
"Nakakatampo yung sinabi mo Chris, pero ayos lang alam ko naman na gusto mong unahin ko lang ang pag-aaral." Ngumiti siya at ginulo ang aking buhok.
Maya-maya lang ay nagpaalam na siyang uuwi na dahil nga may project pa siya. Mabuti na lang at hindi niya minasama ang sinabi ko, masyado siyang maunawain.
Pumasok na ako sa bahay at binati sila mama at papa, pagkatapos ay nagpalit na ako ng pambahay at nakisalo sa kanilang meryenda.
10 months na rin mula ng unang beses na manligaw si Carlo, na kahit matagal ay hindi siya nagbago. Araw-araw ay may mga panibago siyang sorpresa parang hindi nga nauubusan ng gimik ang isang yun.
Naalala ko, kailangan ko na nga palang mag review dahil finals na namin next week. Mukhang hindi nanaman kami magkikita ni Carlo, mabubusy kaming pareho para paghandaan ang pagsusulit.
Kinabukasan ay maaga akong nag-asikaso para may oras pa kong makapunta ng library, hindi ko inaasahan na maaga din palang naghihintay si Carlo sa sala.
