A spoiled brat

4 1 0
                                    

Dedicated to @ellahcabz

"Mommy, Tito Ledar and Tita Naice will come right?" I ask mom while mixing the flour.

"Sila ba talaga ang tinatanong mo o gusto mong malaman kung sasama si Mark?" Nang-aasar ang tono ng pananalita ni Mommy na siyang ikinailing ko.

"You know me well, Mommy." I said in conviction.

"Of course, honey. Ako lang din naman ang nakakaalam ng lahat ng sikreto mo." Nakangising ani Mommy.

"So darating nga po ba?" Pag-uulit ko baka mamaya maibunyag pa lajat ng sikreto ko ng wala sa oras.

"Yup, your Tita Naice call me earlier at sinabi ngang darating sila." Sagot ni Mommy at bumalik na sa pagluluto.

May dalawa kaming kasambahay, pero mas pinili ni Mommy na kami ang mag-asikaso para swak sa panlasa ng bisita. Ang ginawa na lang nila Manang ay linisin ang bahay kahit na malinis na ito.

Matapos maluto ng mga ihahanda ay nag-asikaso na kami ni Mommy at nagpalit ng dress, wala akong alam kung anong meron basta sabi niya kailangan lang namin mag-ayos.

"You ready? He's downstair already." Matamis ang mga ngiting sambit ni Mommy at pumauna na.

"I'm kinda nervous, Mommy. Baka mamaya pangit pala ako edi napahiya ako kay Mark." Pag-amin ko. Syempre si crush kakaharapin ko mamaya, masyado akong conscious sa itsura ko.

"Don't be, Ellah. Maganda ka na, hindi mo na kailangan pang magpaganda para lang matanggap ni Mark." Pag-aalo ni Mommy. Siguro sinasabi niya lang yun para gumana ang pakiramdam ko. Pero wala na rin naman akong magagawa.

Habang pababa sa hagdan ay naririnig ko na ang mga tawanan at kantiyawan, pero may isang nangingibabaw sa mga iyon, ang salitang nagmula sa bibig ng taong tatlong taon ko ng hinahangaan.

"I like Ella, Tito."

Apat na salita na nakapagpatigil sa akin sa paghakbang, para bang tumigil ang mundo ko ng mga oras na yun dahil sa apat na katagang kanyang isinambit.

Tama ba ang narinig ko? O dala lang ng imahinasyon ko na magugustuhan din niya ako pabalik? He's been cold towards me before, so how the hell he like me too?

"Tutunganga ka na lang ba diyan o gusto kong kargahin pa kita papunta sa sala?" Maawtoridad na wika ng nag mamay-ari ng boses.

Bumalik ako sa ulirat ng maulinigan kung kanino galing ang boses na iyon.

"M-mark." Nauutal kong sambit sa pangalan ng lalaking nasa harapan ko. Yes, si Mark nga.

"What? Sabihin mo lang kung ayaw mong tanggapin ang kamay ko para mabuhat na kita." Pagsusungit nito.

Moody. Parang kanina lang may binanggit niyang hindi ko aakalaing maririnig ko sakanya tapos ngayon sinusungitan nanaman ako. Napanguso ako.

"Ito na, bababa na nga eh." Mahinang sambit ko.

"Huwag kang ngumuso, mamaya makalimutan ko ang pinangako ko sa Daddy mo at mahalikan kita." Pambabanta ni Mark.

Dahil mahal ko pa ang labi ko ay nanahimik na lang ako, first kiss ko yun kung sakali, payag naman ako kung siya makakakuha pero wag muna ngayon. Ehe ang harot ni self.

Kinuha ko ang kamay niyang kanina pa palang nakalahad sa harapan ko saka naglakad patungo sa sala kung nasaan ang parents namin.

"Oh, here comes the couple." Tila kinikilig na ani ni Tita Naice.

"You look good together." Bati naman ni Tito Ledar.

Naramdaman kong namula ang pisnge ko dahil sa kanilang sinabi, napasulyap ako sa lalaking nasa gilid ko, nakangiti lang siya habang iginigiya ako paupo.

One Shot StoryWhere stories live. Discover now