The boy I adore

8 1 0
                                    

Dedicated to @zuki_shin

"Module nanaman, puro na lang ba module gagawin ko? Gusto ko rin naman magpahinga." Reklamo ko kay Lexi, kaibigan ko.

Nandito kami sa kwarto ko dahil nga nagmomodule kami, masyado ng drain ang utak ko baka mamaya hindi na gumana dahil sa sobrang pag gamit.

"Beyb uso kasi magpahinga, magchill ka muna." Suhestiyon nito kaya itinigil ko na ang pagsusulat at nag inat-inat ng katawan.

"Grabeng pahirap noh? Maka pag Facebook na nga lang." Sabi ko sabay kuha ng cellphone ko sa drawer. Nilalayo ko lang sarili ko sa tukso kaya nakatago 'to.

Pagka open ko sa account ko ay napasimangot ako, 'wala man lang nagpaparamdam napakatahimik ng acc na 'to tsk.' Sabi ko sa isip ko at nagscroll lang sa newsfeed.

Sa hindi inaasahan ay may nakita akong isang page, nakalagay yun sa 'page that you may like' nag join ako dito at hindi nagtagal ay naaccept kaagad ng admins.

Puro wattpader hmm. At dahil same interest kami ng mga member sa page na yun at pwede mag post, ay nag post ako.

'Hello there co-wattpadians, boring si ako baka naman pwedeng makipagkaibigan sa inyo?' Then I clicked 'post'.

"Parang tumahimik ka ata? Hindi ka na magrereklamo?" Biglang tanong ni Lexi kaya hinarap ko sa kanya ang phone ko. Marami ng nagcomment sa pinost ko at nag friend request.

"Beyb, gusto mo iinvite kita para di ka rin loner?" Panghihikaya ko dito at tinaas-taas pa ang dalawang kilay.

"Nako beyb ah, mamaya kung ano yang nasalihan mo, sa panahon ngayon dapat nag-iingat ka."

"Wag ka ngang oa, minsan lang 'to kaya pagbigyan mo na ko." Sagot ko sa kanya at nagkibit balikat na ang siya. Ako naman ay isa-isang inaaccept ang gusto akong maging friend.

Nang maaccept ko lahat ng may nag pop-up sa messenger ko. Nang makita ko ang profile nito sa chat heads ay lalaki, 'wow ah nilalapitan ata ako ng grasya' napangisi ako bago buksan ang chat niya.

Hunter: Hi Gerleanne.

Sineen ko muna siya saka ako pumunta sa kanyang timeline. Oh? Rp pala siya, wala naman masyadong post tapos puro pang heartbroken quotes pa. Bumalik ako sa messenger at nagreply.

Me: Hello there, Mr. Hunter😎

Natawa ako, paano ba naman mukha na ngang formal yung reply ko nasamahan ko pa ng emoji.

Hunter: You replied, akala ko isi-seen mo na lang ako e.
Me: Pwede naman.
Hunter: 'Wag ganun, mabait naman ako e. Pwede ba tayong maging magkaibigan?
Me: Friends lang pala eh, ayaw mo ng lovers?

Pagkasend ko ng reply na yun ay nagcompose agad ako ng kasunod bago pa siya sumagot.

Me: Joke lang HAHAHA.
Hunter: 'typing...'

Ganito ako kabored, salamat naman at nakahanap ng mapagtitripan ang harot ni self.

Hunter: Pwedeng lovers pero hanggang friend lang kaya kong ibigay.
Me: Uyy joke lang 'wag mong seryosohin.

Langya friendzone kaagad ako? Dahil sa tagal niya bago magreply ay nagpunta ulit ako sa timeline niya at inistalk ito. 'Malay mo may napost pala siyang real pic niya kahit na golden rule iyon sa rp' I thought.

Dumiretso na agad ako sa photos at pinindot ang 'Profiles'. Nag scroll lang ako hanggang sa may nakitang isang kakaibang pic, hindi siya pang rp kaya siguro ay ito ang totoong mukha niya. Pero pwede ding sa iba ito at ginamit lang niya.

Tinignan ko ang comment section, puro 'ang gwapo mo kuya' 'sana ikaw na lang jowa ko' 'single ka pa ba?' At marami pang kung ano-anong side comments. Hindi ko alam kung bakit ako nainis kaya bumalik na ko s messenger.

One Shot StoryWhere stories live. Discover now