JV's POV
Nagulat ako sa tinuran ni Trace. Ako? Kilala ang lalaking yan? Pero kahit anong galugad ko sa utak ko kung kilala ko ba talaga ang lalaking yan, wala parin eh. Ang nakakatwa, hindi siya kilala ng utak ko pero parang kilala siya ng puso ko. Ano ba to?
Ipinagsawalang bahala ko na lang ito at niyaya ang mga kasama sa vip room na reserved sa amin.
"Hali na nga kayo! Mag-enjoy na lang tayo!" Ani ko pa.
D.E. POV.
"Sino ba ang tinitignan mo Love?" tanong sa akin ni Ram ng mapansin niyang natulos ako sa aking kinauupuan at napako amg tingin sa may entrada ng bar. "Ah wala naman". Sagot ko naman. Buti na lang nakaalis na ang apat sa pintuan ng tignan ito ni Ram.
Haist! Ano ba itong nararamdaman ko? Akala ko I am already over him pero bakit ganito? Kaba, pangungulila, at galit ang magkahalong nararamdaman ko. May epekto parin talaga siya sa akin na inakala kong wala na. Gusto kong maiyak pero hindi pwede. Nasa harapan ko si Ram. Si Ram na umalalay sa akin ng mga panahong lubog na lubog ako dahil sa nagawa akong lokohin ni JV at Four.
Parang napagod ako bigla kaya inaya ko na lamang si Ram na umuwi. Ang killjoy ko! Nakakahiya kay Ram.
Tinawagan ko na lamang ang dapat na kakatagpuin namin sa bar para sa isang negosasyon tungkol sa pagmomodelo at ask him to reschedule the meeting whenever he is free. At mabuti na lang mabait ito at pinagbigyan ako. Kaya heto kmai ngayon, bumibyahe na pauwi at si Ram na ang nagdadrive ng sasakyan. At halos nakalimutan ko na ang mga narinig ko mula sa kaya kanina habang may kausap siya sa phone bago kami umalis patungong bar.
JV'S POV
Habang nagkakasiyahan ang tatlo ako nman Halos hindi ako mapakali sa aking kinauupuan. Gusto kung puntahan ang lalaking yon at kausapin. Parang may maghuhudyat sa akin na gawin yon. Ang isa pamg bumabagabag sa isip ko ay ang sinabi ni Trace na kilalang kilala ko yon. Kaya't tinanong ko siya ulit. "Pano ko naging kilala yon Trace? Hindi naman pamilyar sa akon ang mukha non?"
Ngumiti siya sa akin at sumagot. "Kilala mo nga yon. Oo siguro, hindi na pamilyar sa'yo ang mukha niya kasi sobrang laki na ng pinagbago niya at ako nga rin masyadong nagulat sa transformation niya pero pre, kung hindi siya nakilala ng utak mo, ang puso mo ba ganon rin? Sabagay, sabi mo nga nakalimutan mo na siya."
Kumunot ang aking noo at napaisip saglit. Nong napagtanto ko ang mga sinabi ni Trace, napatayo ako bigla at dali daling umalis. Nasabik ako bigla. Pupuntahan ko ng lalaking yon. Gusto kong masigurado kung siya talaga yon.
"Pre san ka pupunta?" tanong pa ni Zandro na hindi ko namn pinansin.
"Yaan niyo na muna siya." dinig ko pang sabi ni Trace.
Nong makalabas ako sa VIP room ng bar at tinignan ang pwesto kanina ng lalaki at ng kasama niya. Laking panlulumo ko nang makita kong wala na sila don. Parang nahapo ako bigla at gumuho ang kasabikang aking nararamdaman.
Wala akong nagawa kundi ang bumalik sa mga kasama ko.
"Ano'ng nangyari? Nakausap mo ba? Si DE ba talaga yon?" pambungad na tanong ni Aiden ng makabalik ako sa kanila.
I bet nasabi na ni Trace sa kanila kung sino ang lalaking un.
"Hindi eh. Nakaalis na yata sila." Lumo komg sagot.
"Yaan mo na pre, maliit lng naman ang mundong ginagalawan niyo. Pasasaan ba't maglikita rin kayo non at makapag-usap." Sabi naman ni Zandro.
Tinapik na lamang ni Trace ang balikat ko sabay abot sa akin ng beer.
Oo nga naman. Alam kong magkikita kami ulit. At sa oras na magkikita kami kailangan naming mag-usap ng masinsinan para linawin ang lahat.
"Eh di ba nga modelo na yon? Pasasaan ba at magkikita rin kayo non. Malay mo magkatranaho sila ng syota mo isa sa mga araw na to, kaya samahan mo lahi yon sa trabaho niya." panitong wika nman ni Aiden.
"Oo nga no? Bakit mga ba hindi pre? Malay mo nga magdilang anghel itong love ko." ani nman ni Zandro sabay akbay kay Aiden.
"Sana nga." sagot ko na lamang sa isip ko.
"Tama na muna yan. Mag-enjoy na lang muna tayo dito ngayon." Sabi na lamang ni Trace.
Itutuloy. . . . . . . . .
BINABASA MO ANG
The Swan (Book 2)
Ficción GeneralAng ikalawang yugto ng buhay pag-ibig nila DE and JV. Stay tuned!