1

111 2 0
                                    

Here's the new update. . . . .

(DE. . . .)

"The Swan"
By: LA de Chavez/bluesoul05

Chapter 22

JV's POV

"Two years na mga tsong, two years na ang nakalipas pero hindi parin sya bumabalik." kausap ko sa mga kaibigan ko. Nasa bar kami ngayon na pagmamay-ari ng pamilya ni Aiden. At nandito kami sa isa sa mga private room ng bar. Ang private room na ito ang siyang kanlungan ng mga taong gustong magpakalasing ng walang disturbo. Pero hindi pwde amg hanky punky dito kasi transparent ang mga walls ng bawat room."Namimiss ko na yon ng sobra." dugtong ko pa.

"Yaan mo na muna tol. Babalik din yon. Alam naming babalik din yon. Mahal na mahal ka non eh." pag-aalo naman sa akin ni Trace.

"Sana nga babalik pa siya. Kailangan naming magkausap na dalawa para maging malinaw na ang lahat. Kailangan kong magpaliwanag." sagot ko naman. "Aantayin ko siya kahit gano pa katagal at sisiguraduhin kong may forever sa aming dalawa. Sounds gay pero wala na akong pakialam. Siya ang kaligayahan ko. Siya nlang ang kulang para makumpleto ako." dugtong ko pa.

Napatulala nanaman sila sa narinig mula sa akin. Obviously di nila ineexpect na magiging ganito ako. Bubuka na sana ang bibig ni Zandro para magsalita ng biglang bumukas ang pintuan at pumasok si Four sabay sabing,

"Hello baby JV." sabay takbo papunta sa akin at yumakap nalang bigla. Ito nanaman siya. Kahit anong pagtataboy ang gagawin ko sa kanya wala talagang epekto. Kulang na nga lang e sapakin ko. Ang tigas ng mukha.

Kumalas ako sa pagkakayakap nya at itinulak siya ng bahagya. "Ano ang ginagawa mo dito at pano mo kami natunton?" tanong ko sa kanya.

"Ang kapal ng mukha." dinig ko pang bulong ni Aiden at kitang kita ko pa ang pag-ismid nito. Tsk.

"Eh nakita ko lang kaya kayo baby. Nagkataon lang na nandito din ako." sagot naman niya.

"Wala na ngang hiya sinungaling pa." dinig ko nanamang bulong ni Aiden. Napapangiti lang si Zandro at si Trace. Napaismid naman si Four dahil sadyang ipinarinig ni Aiden sa kanya ang mga katagang sinabi niya patungkol dito.

"Akala mo kong sinong maganda." ganti naman ni Four kay Aiden.

"Aba't! Gusto mong basagin ko yang pagmumukha mong singkapal ng diksyonaryo? Umayos ka at baka hindi kita matantiya at makatikim ka sa akin." ayan! To the rescue naman si Zandro sa katipan na ikinangisi naman ni Aiden.

"Aba't nakialam ang karelasyon. Hoy Zandro ayaw kitang tikman dahil hindi kita type. Makakatikim ako sayo? Weh? Ang tanong gusto ba kitang tikman? Patawa ka." pambabara naman ni Four kay Zandro.

"Gago ka ah!" bago pa namin mapigilan si Aiden nasapak na nito si Four kaya ayon dumudugo ang ilong.

"Lumayas ka na nga ditong hinayupak ka at baka hindi lang yan ang aabutin mo sa akin." pasigaw na sabi ni Aiden kay Four.

"Umalis ka na Four. Huwag mo nang antaying tawagin pa namin ang mga bouncers para bitbitin ka palabas." dugtong ko naman.

Umalis nga siya ng walang paalam ngunit nag-iwan pa muna siya ng mga salitang gumimbal at nagpaguho ng mundo ko.

"JV alam kong nag-aantay ka parin kay DE pero kung ako sa iyo wag ka nang mag-antay pa sa kanya dahil hinding hindi na siya babalik pa sa iyo. Alam mo ba kung bakit? KASI MAY SYOTA NA SIYANG IBA SA KATAUHAN NI RAM. Ang pinsan ko."

Napatulala ako at halos mawalan ng ulirat. . .

Samantala. . . . .

Someone's POV

Habang naglalakad ako sa Universiting pinapasukan ko hindi ko maiwasang hindi mapangiti. Pano kasi iyong iba dahil sa kakalingon sa akin eh nadidisgrasya. Malaki nga talaga ang pinagbago ng hitsura at katawan ko.  Marami ngang kumukuha sa akin para magpose sa isang magazine eh ngunit wala pa akong pinagbibigyan. Papasok na ako ng classroom ko biglang nagring ang cellphone ko na nasa bulsa ng pantalon ko. Kinuha ko ito at tinignan kung sino ang tumatawag. Automatic nlang akong napangiti ng makita ko ang pangalang nakarehistro sa screen ng cp ko.

*Loko*

Short ng "Love Ko". . . .

"Hello love." bungad ko matapos kong pindutin ang button na tanda na sinasagot na yong tawag. Napasinghap naman ang mga taong nakarinig ng sinabi ko. Samo't saring reaksyon ang narinig ko pero mas lamang ang mga reaksiyong nanghihinayang.

"Taken na siya? Sad naman! Crush na crush ko pa naman yan."

"Hala! Wala na tayong pag-asa?

"Wala pa nga akong ginagawa para magpapansin sa kanya wala na agad chance. Basted agad!

"Ang pogi-pogi nya kasi kaya hindi nakapagtatakang may karelasyon na yan.

"Akin nlang sana siya. Huhu.

Ilan lang yan sa mga naririnig ko. Ngumiti nlang ako sa kanila at dumistansiya ng konti para wala na silang maririnig mula sa akin.

"Hello Love." sagot naman ng nasa kabilang linya. "Tumawag lang ako para kamustahin ka. Miss na miss na talaga kita. Kailan ka ba talaga uuwi?" dugtong pa nya.

Tumawa akong konti na may halong kilig bago sumagot. "I miss you to Love Ko. Malapit na Love. Antay ka lang dyan magkikita narin tayo mahal ko. Antay lang. Konting panahon nalang. Sige mahal tawag ka nalang ulit mamaya malelate na ako eh. Muahh. I love you." sagot ko naman.

"Sige mahal ko. Tawag nalang ako ulit mamaya. Ingat dyan. Aantayin kita and I love you too." sagot naman nya.

Pagka-off na pagka-off ko ng tawag agad nanamang sumilay ang isang matamis na ngiti sa aking mga labi.

Matagal din akong niligawan nyan bago ko sinagot. Naramdaman ko din naman kasi nitong huli na parang mahal ko na din siya. Sana nga siya na ang forever ko.

Author's POV

Sino kaya ang mga karakter na un? Bago ba sila? Abangan nyo po.

Itutuloy. . . .

Author's note:

sori po sa matagal na update. Huhu. Pasensya na po talaga. Comment po kayo at ememention ko po kayo sa susunod na update.

Thank you sa pang-unawa at sa pagtatangkilik ng The Swan.

God bless po!

The Swan (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon