DE's POV
Kahit sobrang bothered ako kagbi sa hindi pa oras ng aming pagkikita ni Dylan, nakatulog pa rin ako ng maayos. Kaya heto, maaliwalas parin ang mukha at aura ko kahit bagong gising.
Bumangon na ko, nagsepilyo, at kumain ng mga nakahandang pagkain sa hapag para sa agahan. Woooohhh! Today is another day. Pagkatapos kong kumain, gumayak naman ako para maligo. Pero bago pa ko makapasok ng banyo biglang tumunog ang CP ko. Tinignan ko kung sino ang tumatawag at biglang tuwa ko ng makita ang pangalan na naka rehistro sa screen. My LOKO. As in Love Ko. In short, si Ram ang tumatawag.
"Hello love". Pambungad kong sagot.
"Hello love. Good morning. How was your sleep?" sagot naman niya.
"I slept well Love. Ang himbing ng tulog ko. Ikaw"? Ani ko nman.
"Nakatulog din ako ng maayos Love. Siya nga pala, tumawag kanina sa akin ang katatagpuin sana natin kagabi. Itinatanong niya kung pwede ka bang kausapin mamayang lunch at Eon Resto? Kailangan ka daw niyang kausapin para sa isang deal." sagot nman niya.
"Parang atat yata siyang kausapin ako Love. Pero sige, sabihin mo pupunta ako." sagot ko naman.
"Okay Love. Notify ko siya immediately. Sasamahan pa ba kita?"
"Hindi na Love. Ako na lang ang pupunta. Kaya ko naman." ang sagot ko sa kanya.
"Sige Love. Mag-imgat ka ah. Gotta hang up now. 'Di pa ako nag aalmusal eh." I love you." ani namn niya.
"Okay Love. Love you too." ganti ko naman.
Lumipas ang ilang mga oras....
Ako'y nakagayak na papunta sa Eon Resto. Nakasuot lamang ako ng puting long sleeve na ang kaliwang part ng damit ay naka tucked in sa pantalong maong na skinny at ang nasa kanan ay naklaylay lamang. Nakasuot ako ng sapatos na puti. Ang buhok ko nman ay messy ng kaunti nanakatiklop pakaliwa. May iilan na nakakalat sa aking noo. Ready na ko so lumabas na ko ng bahay at nagdrive patungo sa pupuntahan ko. Ibinigay ni Ram kanina sa akin ang pangalan ng kakatagpuin ko sa Eon. Lalaki ito at General Manager ng isang Clothing Brand Company.
After a while.....
I parked my car in the parking lot of the Resto. Pagkatapos ay bumaba ako rito at naglakad papasok sa Resto matapos pasimpleng ayusin ang sarili. Binuksan ng guard ang pintuan. Pagkatpos kung pumasok sinalubong ako ng isang magandang waitress. Tinanong niya ko kung may kasama ako. Imbes na sagutin ang tanong niya, sinabi ko na lang na I have to meet someone here and I believed nakapagpareserved na siya dito. Ibinigay ko ang pangalan ng kakatagpuin ko at iginaya niya ko sa table nito.
Nasa may bintana ang table and there, nakikita ko ang isang lalaking medyo may edad na. Nasa 40's yata. Nang makita ako nito, ngumiti ito at kinawayan ako. Ngumiti ako pabalik dito saka dumiretso sa kanya. Nagpasalamat ako sa waitress at nginitian din ito. Nagblush pa ito at in-excused ang sarili.
Tumayo ang lalaki sa table at iminuwestra ang kamay sa kabilang dulo indikasyon na gusto niya akong umupo. After sitting down, tinawag niya ang isang waiter sabay tanong sa akin, "What do you want to eat?" medyo malambot ang kanyang tinig. Indikasyon na siya ay miyembro din ng LGBT Commumity.
Lumapit ang waiter sa amin at naglatag ng menu book. I ordered scallops in mozzarella cheese and a vegetable salad. While he ordered steak and a wine.
After eating he goes down to business. To make the long talk short. They are asking me to become their company endorser. They want me to model their clothes for male. Ang problema ko lang dito is may kasamang mga underwears. Kailangan kong magsuot ng underwears for photoshoot along with comfortable clothes down to semi formal to formal outfits. At ang isa pa sa ikinakukunot ng noo ko ay ang katotohanang may makakasama pa daw akong isang model din sa photoshoot. Hindi sa ayaw ko na may kasama, I've done it before pero kasi noon, walang underwears. First time ko to so baka ma awkward ako.

BINABASA MO ANG
The Swan (Book 2)
General FictionAng ikalawang yugto ng buhay pag-ibig nila DE and JV. Stay tuned!