4

24 0 0
                                    

Here's the newest update. Thank you guys for waiting.

(DE. . . . .)

"The Swan"
By: LA de Chavez/bluesoul05

Chapter 24 - The Meeting.

DE's POV

Tapos na akong magbihis. Reading ready na para humarap sa makakasama ko sa isang photoshoot sa makalawa. Ewan ko ba kung bakit ura-urada itong pagkikita namin. Pagod pa ko. Kulang pa talaga sa pahinga. Anyhow, okay na nga lang total mukhang excited din naman ako.

Nakaharap ako ngayon sa salamin at binibistahan ang kabuuan ko. Presentable narin ang mukha at ang manner of dressing ko. Simpleng white shirt na hakab sa katawan na pinatungan ng itim na jacket, katamtamang klase ng skinny jeans at sneakers at lahat kulay itim. Mukha akong miyembro ng grupo ng mga goons. Gwapong goons. Lol. Ang buhok ko? Hindi ko na pinagkaabalahang suklayin, maiksi din naman kasi, wala sa ayos ang bawat hibla pero nakadagdag pa lalo sa kabuuan kong appeal. Vane? Hindi naman! Masisisi nyo ba ako kung halimbawa maging ganon man ako? Woohh! Sa mga naging experience ko dahil sa kapangitan ko dati? Natural lang siguro na ganito ang magiging resulta.

Nasa ganon akong pag-iisip nang makatanggap ako ng text mula kay Ram, ang LOKO ko. Nasa labas na siya at hinihintay ako. Grabe talaga ang taong to, palaging on time. Exactly 7 PM talaga ang dating eh. Anyhow, sinadya naming mas maagang makarating don para makapaghapunan nalang kami wala naman kasi sa usapan namin ng mga kakatagpuin namin ang dinner kundi konting usap lang for finalization over a sip of wine or any alcoholic beverages. No wonder, restaurant/bar ang venueng binigay sa amin.

Lumabas na ko at pinuntahan si Ram sa kung saan nakapark ang sasakyan nito. Pagdating ko don nakasandal sya sa hood ng kanyang sasakyan at mukhang binubuting-ting ang cp nya. Mukhang di nya ako napapansin. Gugulatin ko sana siya ng biglang magring ang hawak nyang cp. Sinagot nya ito ng di ako napapansin.

*Hello - *Oh kamusta - *I miss you too - *Okay - *I'll be there but not now, kasi may pupuntahan pa ako eh - *next time, I promise - *yes sweetheart - *okay - *bye.

Yan ang mga naririnig ko sa kanya. Sweetheart? Tinawag nyang sweetheart ang tumawag sa cellphone nya? Niloloko ba ako ni Ram? Mula sa isipang yon nagpasya na akong magpakita sa kanya. Medyo badmood na pero hindi ko naman pinahalata.

"Ram!" tawag ko sa kanya.

"Oh andito ka na pala LOKO ko. Ang gwapo natin ah. Tsk. Gusto sana kitang e kiss kaso maraming tao. Haha." sagot nya sa akin.

Gusto ko mang kiligin dahil sa mga sinabi nya hindi ko magawa dahil sa mga narinig ko. Nagnod lang ako sa kanya at nagpatiunang pumasok sa kotse at sa may driver's seat mismo. Nung tinignan ko siya habang nakaupo na ko nakarehistro sa mukha nya ang pagtataka.

"Give me your key. I'll drive." ma-awtoridad kong sabi. Nagtataka man nagpatianod na lamang siya sa akin. Pinaandar ko ang kotse nya at pinaharurot ito.

"Woahhh! Dahan-dahan naman loko. Bka madisgrasya tayo." ang sabi nya habang binabagtas na namin ang daan.

Hindi ko siya pinansin. Mistulang wala akong narinig.

"May problema ba LOKO?" tanong nya sa akin at ulit hindi ko siya pinansin. Wala ako sa mood. I understand naman na hindi ko sya dapat husgahan agad dahil hndi ko pa naman talaga alam ang buong katotohanan kaso kasi nauunahan ako ng selos.

Bumuntong hininga lang sya at tumahimik. Pinabilis ko pa ng konti ang takbo ng sasakyan nya.

JV's POV

Binabagtas na namin ang daan papuntang bar. Buti nlang don mismo kami sa bar nila Trace magkikita. Tama kau ng basa. Sa bar nila Trace. Family owned business nila un. Nasa kalagitnaan na kami ng daan ng biglang may dumaang sasakyan na humaharurot at muntik pa kaming masagi.

"Shiit! Sigaw ni Zandro, yup, kasama ko sila Zandro, Trace at Aiden sa sasakyan. Sabi ko nga di ba? Isasama ko sila total pinili naman ni Margarette na wag ko na siyang sunduin at magkikita na lamang kami don.

"Fu*k.! Sigaw din ni Trace.

Sus, lahat kami kinabahan. Ano ba ang problema ng driver na yon? Ang bilis magpatakbo.

DE's POV

Nakarating naman kami ng safe sa bar kung saan kami magkikita ng mga kakatagpuin namin ngayong gabi.

Pagkapasok na pagkapasok namin agad naman kaming sinalubang nang dalawang waiter. Iginaya kami sa may gitnang konti ng bar at don pinaupo. Tsk. Halos puno na iyong restobar kaya wala na kaming choice pa para pumili ng pwesto. Mag 8:30 PM palang kaya naman maliwanag pa ang paligid at kitang-kita ninyo ang bawat isa. Halos lahat nakatingin sa table namin. Iyong iba pasulyap-sulyap lang pero ang iba lantaran talaga kong makatingin. Hindi ako nagyayabang pero kasi talaga namang takaw pansin kaming dalawa ni Ram. Mula sa kinauupuan namin kitang-kita ang mga pumapasok mula sa may entrance door.

Nag-order kami ng makakain. Pagkahatid ng mga ito sa amin agad naman namin itong nilantakan ng hndi masyadong nag-uusap. Nasa kalagitnaan na kami sa pagkain ng mapatingin ako sa entrance door dahil bumukas ito. At laking gulat ko ng makita ko kung sino-sino ang mga pumasok. Nanlaki ang mga mata ko at parang itinulos ako sa aking kinauupuan. My God, IT WAS JV AND HIS BARKADA. Hindi pa ako handa sa ganitong pagkakataon. Masyadong maaga ito. Ano ang gagawin ko?

JV's POV

Dumating din kami sa Restobar nila Trace sa wakas. Nag-uunahan pa kaming apat kung sino ang mauunang pumasok kaso mas mabilis ako kaya ako ang nauna. Pagkabukas ko ng pintuan agad akong napatingin sa may gitna ng restobar specifically sa dalawang taong nakaupo at kumakain. Parang pamilyar ang mukha ng taong nakaharap sa amin. Napakunot ang noo ko ng mapansin kong para siyang nagulat ng makita ako. Kilala ba nya ako? Bigla akong napaisip. Kasalukuyan parin akong nakatingin sa lalaking yon ng biglang may naramdaman akong kakaiba. Sakit ba? Pangungulila? Kagalakan? Hindi ko maintindihan. Nasa ganon akong pag-iisip ng biglang nagsalita si Aiden na mukhang gulat. Tinignan ko siya at napansin kong nakatingin din siya don sa lalaki.

"My God! Ang lalaking yan!" sambit pa nya.

"Saang lalaki?" tanong naman ni Zandro sa kanya.

"Iyang lalaking nakaupo sa may gitna." sagot naman ni Aiden.

"Sino ang lalaking yan?" nacurious kong tanong. Kilala ba siya ni Aiden.

"My Goodness! Siya talaga yan. Hindi ako pwdeng magkamali. Ang lalaking yan ang siyang cover ng magazine na tinignan natin sa office kani-kanina lang. Ang magazine na itinapon ni Zandro." sagot nya.

Napatingin kaming lahat don sa lalaki pagkatapos na maring namin ang sinabi ni Aiden.

Tsk. Parang kilala ko talaga ang lalaking yan. Parang naging part na sya ng buhay ko. Ano ba ito.

"Pamilyar siya. Parang kilala ko na siya dati pa." biglang tugon ni Trace. Napaisip ito. At maya maya sumilay ang mga ngiti sa kanyang mga labi at tumingin sa akin sabay sabing, "Oo nga pamilyar siya, pamilyar sya dahil kilala natin siya dati pa. Pero kung kilala namin sya mas ikaw ang nakakilala sa kanya JV."

Nagulat ako sa tinuran ni JV at bglang napaisip.

Itutuloy. . . . .

Bitin po ba? Sensya na po. Sa susunod naman po para may suspense at may aabangan kau. Ahe.

Thank you in advance for reading. . .

#admingLeeniel

God bless sa lahat!

The Swan (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon