(DE. . . . . . .)
Author's note:
Special thanks to these people for patronizing my story. Sila yong mga nagcocomment at nagbibigay ng reaksiyon.
#YupiFerrer
#MaleeVaugh
#JhunnelVillalonClamor
#JoshuaAgustinAsawaNiZandroSandoval
#AlexJKing
#BhonsArcenas and
#JhonmarHerodias
#JoanRonquilloThank you din sa mga #LIKERS at mga #SilentReaders.
God bless us all.
SN:
Malapit na po ang katapusan ng The Swan. Ilang Chapters nlang po ang natitira. Ayaw ko na pong pahabain at baka lalaylay ang istorya.
Keep reading po!
"The Swan"
By:LA de Chvez/bluesoul05Chapter 23
Author's POV
Ang two years na lumipas nasundan pa ng dalawa at dalawa pa. Si JV? Ayon graduate na ng Architecture kasama sila Trace, Aiden, at Zandro. Meron narin silang Architectural firm na itinayo. Ang status nito? Sobrang sikat nito? Magagaling ang mga yan eh. Grumaduate ba namang Cum Laude lahat. Suportado din sila ng kanilang mga magulang.
Lovelife?
Ang kanila Zandro at Aiden nagboblossom parin. Ang kay Trace? Hinahanap parin nya ang kanyang The One. At si JV? Mayroon naring GIRLFRIEND. Yes! Tama kayo ng basa. May girlfriend na nga si JV. At mahal nya ito. Nah! Wag na kaung magreact. Yan ang palagi nyang sagot sa akin pagtinatanong ko siya kung mahal nya talaga yong babae? Si DE? Wala na raw sa sistema nya. Nakalimutan nya na raw ito. Oh siya sige pagbigyan.
JV's POV
Nandito kami ngayon sa office. Walang ginagawa. Kakatapos lang kasing aprubahan ng isang kumpanya ang proposal naming design ng ipapatayo nilang 24 story building.
"Hala! Ang gwapo naman nitong nasa cover ng LifeStyle Magazine." puna ni Aiden ng hawakan at tignan nya ang naturang magazine. At yon dahil sa sinabi nya nakatikim naman siya ng mahinang batok kay Zandro sabay agaw nito ng Magazine at inihagis ito sa basurahan.
"Selos Alert." turan naman ni Aiden na natatawa. "Gusto ko pa naman sanang kilalanin ang lalaking nasa cover. Mukha kasi siyang pamilyar. Parang nakita ko na siya dati." dugtong pa niya. Sinamaan naman siya ng tingin ni Zandro sabay pulot ng magazine sa basurahan sabay hagis sa may bintana.
Nacurious naman ako sa sinabi ni Aiden at gusto ko rin sanang tignan kaso wala na eh. Naihagis na sa bintana.
"Oh anong nangyayari sa inyo dyan?" tanong pa ni Trace ng lumabas siya sa kanyang sariling opisina. "Asan ang magazine na nakadisplay dito kanina?" dugtong pa nyang tanong.
Nagkatinginan kaming tatlo.
"Hindi ko pa naman yon nababasa. Mukhang maganda ang laman non eh. Asan na ba yon?" hinalungkat pa nito ang mga iba pang nakatambak na magazine. Ang mga magazing ito ay para sa mga kliyente naming pumapasok dito. Para may libangan silang konti just in case kung kinakailangan nilang mag-antay sa amin pagnagkataong madami kaming customer na siyang kadalasang nangyayari.
Sumipol lang ako habang si Aiden naman ay ngumingisi.
"Inihagis ni Zan sa bintana yong magazine." walang paligoy ligoy na sagot ni Aiden. Naningkit ang mga mata ni Trace at babatukan sana si Zandro ng bigla naman itong tmakbo. Natawa tuloy ako.
*Inlove na ako inlove na sayo. Sanay malaman mo ang damdamin ko. Tinamaan ako tinamaan sayo. Sanay sabihin mo ako ay may pag-asa sayo*
Ringing tone ko yan. Lol. Walang basagan ng Trip. Idol ko ang batang kumakanta nito eh. Ang galing kasing kumanta.
Tinignan ko kung sino ang tumatawag at napangiti naman ako ng makita ko ang pangalang nakarehistro sa screen ng CP ko.
*BABE*
"Hello Babe." sagot ko.
"Hello Babe. I missed you. Bar tayo mamaya ah. Samahan mo ko. Ememeet ko kasi don ang photographer at ang magiging kasama ko sa isang photoshoot sa susunod na araw." sagot naman nya.
Isang in demand model nga pala ang girlfriend ko at Margarette ang pangalan nya.
"Okay babe. Bsta ikaw. Susunduin nlang kita mamaya ah. Isasama narin natin ang mga barkada ko total di naman tayo magkakasarilinan don at para habang nag-uusap kayo eh hndi naman ako maoOP." sagot ko naman.
"Okay Baby. Muahh. Gotta hang up now babe. I love you and see you later." sagot naman nya.
Inend nya na ang call. .
Samantala. . . . . . . .
Someone's POV
Kakalapag lang ng eroplanong sinasakyan ko. Welcome back sa akin dito sa PILIPINAS. Yup tama kayo ng basa. I am really home. At ito isa na ko sa mga pumipila para lumabas. Pagkalabas ko ng airport kinuha ko agad ang aking cellphone para sana tawagan ang taong susundo sa akin ng biglang may yumakap sa akin. Dahil sa nakatungo ako hindi ko agad nakilala kong sino. Inangat ko ang aking ulo at laking tuwa ko nang makita kong sino ang yumakap sa akin. Guess I don't have to call him anymore dahil heto siya at nakayakap na sa akin. Weww! Niyakap ko din siya sabay bulong sa tenga nya. "You really missed me this much huh. Halos di na ko makahinga sa yakap mo at pinagtitinginan na tayo ng maraming tao."
Kumalas naman agad siya sa akin at ngumiti. "Tara na sa sasakyan. Ihahatid na kita sa inyo. Akin na ang bagahe mo." turan nya pagkatpos bumitaw sa pagkakayakap sa akin.
Ngumiti nalang din ako sa kanya na ikinatigil naman nya. Ayan at natulala pa. Tinapik ko nlang siya at nagpatiunang lumakad. Pagkabawi nya sumunod narin siya sa akin at umagapay sa akin sa paglalakad.
Pagkarating namin ng bahay sinalubong agad kami ng aming mga kasambahay at binigyan ako ng isang malutong na Welcome Back Senyorito. Kinuha nila ang mga bagahe ko at inihatid sa kwarto ko.
Umupo muna kami sa couch. Ipinikit ko ang aking mga mata ng ilang sandali. Napagod kasi ako sa byahe. Ng iminulat ko ang mga mata ko kitang kita kong nakatunghay siya sa akin na siyang ikinangiti ko. Is he about to kiss me? At hindi nga ako nagkamali. Smack lang naman. Mahirap na at baka makita pa kami ng mga kasambahay namin.
Ngumiti siya sa akin sabay sabing, "I know you are tired LOKO. Pahinga ka na muna. Aalis muna ako at babalik nalang ako mamaya. May dapat rin naman akong asikasuhin eh. I love you and I missed you."
"I love you too. Kailangan mo talagang bumalik mamaya dahil sasamahan mo ko at may pupuntahan tayo. Hindi kasi ako nakahindi sa taong yon." sagot ko naman.
"Okay LOKO." sagot naman nya. Inihatid ko na siya sa labas. Pagka-alis na pagka-alis nya pumasok na din ako agad ng bahay at pumasok ng kwarto at natulog. I have to rest para mamaya. Pakiramdam ko kasi mayroong mangyayari mamaya.
Itutuloy. . . . .
Wahh! Bitin ba? Sori naman. Ahehe. Hanggang sa susunod na update.
God bless.
#authorLeeniel

BINABASA MO ANG
The Swan (Book 2)
General FictionAng ikalawang yugto ng buhay pag-ibig nila DE and JV. Stay tuned!