A

17 2 6
                                    

Niligawan mo ko para saan? Para pampalipas oras? Wala kang kabebe time? Ano yun? Di mo nalang sana ako niligawan kung papaasahin mo lang pala ako, na sa bandang huli di ka na magpaparamdam.

Kung kailan nahulog na ako sayo saka ka bibitaw. Tama ba yung word kong bibitaw? Di pala dapat bibitaw kasi sinadya mo yun. SINADYA mong magbigay ng motibo para pagnahulog na ako sayo saka ka mang-iiwan. Uso pa pala ang ghosting ngayon.

Alam ko wala akong karapatan kasi ako yung nahulog sa patibong mo. Dapat kasi talaga di ako naniwala sa mga PAMBOBOLA mo! Sa mga pambobola niyo!  Dati kasi hindi kita pinapansin kasi alam kong trip mo lang yun pero 3 years! 3 fvcking years tapos ganon na lang yun? Sa loob ng tatlong taon puro pahapyaw yung panliligaw mo. May nalalaman ka pang ako lang ang bebe mo tapos nighost mo lamg pala ako!

Bebe mo mukha mo! Sabi mo seryoso ka sa mga sinasabi mong GUSTO mo AKO! Na MAHAL mo ako! Bakit ka ganyan? Dahil ba mahina ako? Alam mong nahuhulog na ako sayo saka ka di magpaparamdam?! Piangpustahan niyo lang ba ako? Pinaglaruan mo lang ba ako? Maglalaro ka lang pala ng feelings ng tao sana sa ML ka nalang nagkalat. Sana ML nalang yung pinaglaruan mo kaysa yung feelings kong nahulog na sayo!

May nalalaman ka pang "bakit di mo pagbigyan yung pagmamahal ko?" Loko! Dahil sa sinabi mong yan naisip ko na baka nga seryoso ka sa mga sinasabi mo. Bakit di kita mabigyan ng chance! And now, binigyan kita ng chance! Kinikilala kita ng paunti-unti. Nakita kong okay naman at mabait ka. Ang sweet mo sa mga chats mo. Ano yun ghorl, pakitang gilas lang kung paano mo ko makukuha? Ngayon alam mong gusto na kita saka ka nang-iwan. Saka ka di nagparamdam!

Ang tanga ko lang na nadaan mo ko sa pangungulit at pambobola mo na sa huli may halong trip at laro lang pala. Bakit ka ganyan?! Tao lang din ako na may nararamdaman. Tao lang din ako na mahina at marupok. Ngayon sinisisi ko yung sarili ko na bakit ako nahulog sayo, kahit alam ko naman na hindi ako yung tipo ng babaeng gusto mo! Hindi ako yung tipo ng babaeng gusto niyo!

Hindi ko alam kung bakit nasasaktan ako ng ganito gayong di naman naging tayo! Niligawan mo lang naman ako. Kung kailan naaappreciate ko na yung mga salitang binibitawan mo. Kung kailan kinikilig na ako sa mga pambobola mo na paulit-ulit mo lang naman sinasabi. Kung kailan tinamaan na ako at gusto na kita. Kung kailan handa na akong sagutin yung tanong mo na kung pwede mo akong maging girlfriend! Sasagutin na sana kita ng "Oo" kasi handa na ako. Handa na akong mas kilalanin ka pa. Handa na akong magpakatanga sa pagmamahal na sinasabi nilang masasaktan ka lang kasi di naman yan seryoso. Handa na akong bigyan ka ng pagkakataong makapasok sa buhay ko. Handa na akong maging parte ka ng mga mamasayang memories na bubuoin natin SANA. Kaso wala e. Hanggang dyan ka lang. Pagpapaasa lang ang kaya mong gawin!

                                                            -Erin

------
Sorry na medyo bitter. Hahaha. Hope you like it and sana may maka-relate 😂

Nilandi Mo Lang Ako Where stories live. Discover now