A

2 0 0
                                    

Allen Martin, ano na?! May balak ka pa bang kausapin ako? May balak ka pa bang kamustahin ako? May balak ka pa bang magparamdam sakin? Ako pa ba? Ako pa rin ba? May iba na ba? Hindi na ba ako? Wala na ba ako para sayo? Hangin na ba ako para sayo? Tangna! Ano ba itong parusang ginagawa mo sakin?

Bakit ka ganyan Allen Martin? Ang sakit-sakit mong mahalin, sobra! Ang daming tanong na gumugulo sa isip ko. Ang daming tanong sa puso at isip ko pero wa akong makuhang sagot. Hindi ko na alam. Mababaliw nalang ako sa kakaisip. Ilang gabi na akong di pinapatulog ng nararamdaman ko. Maawa ka naman sa'kin. Bakit mo nagagawa sakin ito?

Gusto kitang ichat o i-video call pero yung last chat ko sayo di mo pa nasi-seen! Ano bang klaseng pagmamahal yung meron ka para sakin? Bakit ang sakit! Pero may mas isasakit pa pala yung nararamdaman ko kasi gusto kitang tanungin ng 'MAHAL MO PA RIN BA AKO?' kaso natatakot akong di mo na naman ako pansinin.

Tangna! Ganito pala ang magmahal? Hindi ka papatulugin sa gabi dahil ang dami mong gustong itanong sa taong mahal mo. Shit! Nakakawalang kwenta.

Natatandaan mo pa ba yung sinabi mo sakin na mahal mo ko? Mahal mo ba talaga ako o pinaasa mo lang ako? Ang alam ko kasing pagmamahal hindi ka babalewalain ng taong mahal mo, hindi lilipas ang oras na di ka niya kakausapin o kakamustahin kahit saglit lang, hindi ka niya kayang tiisin, hindi niya hahayaang langawin yung chat niya sa messenger, hindi ka niya hahayaang maghintay ng matagal na reply at higit sa lahat ang alam kong pagmamahal ay kahit na gaano ka ka-busy na tao basta mahal mo yung babae gagawa at gagawa ka pa rin ng paraan kahit saglit lang magkausap lang kayo. Yan yung alam kong pagmamahal.

Yung pagmamahal mo naman lumilipas ang isang buong araw at isang buong linggo mo kong di kinakausap, ni-kamustahin man lang di mo magawa! Nasasayang yung oras na maghapon kang online pero di mo man lang ma-seen o mareplyan man lang yung chat ko. Pagmamahal ba yan? Pagmamahal pa rin ba ang tawag mo don sa tinitiis mo kong di kausapin sa araw-araw? Pagmamahal pa rin ba yung kaya mo kong balewalain araw-araw? Ang sakit mo naman magmahal. Ibang pagmamahal yung pinaparamdam mo sakin, puro kirot at pighati.

                                                      -Erin

Nilandi Mo Lang Ako Where stories live. Discover now