L

7 2 0
                                    

"Love" Paboritong tawag mo sakin yan diba?! Love mo mukha mo! Patawag-tawag ka pa saking ganyan tapos sa bandang huli maglalaho ka rin pala ng parang bula.

Saklap naman ng ginawa mo sakin. Hindi naman naging tayo pero ito ako tamang emote lang. Wala e, nahulog ako sa maling tao. Maling tao kasi nilandi mo lang ako sa panahong wala kang makausap.

Tanda mo ba yung sinabihan kitang "Pa-fall e."? Sabi mo "Hayaan mo dahil handa naman akong saluhin ka." Mukha mo! Ngayon tuluyan na akong na-fall, sinalo mo ba ako? HINDI! Dahil hinayaan mo akong mahulog mag-isa. Oo, mag-isa lang dahil naglaho ka.

Gusto kong magreklamo kaso wala naman akong karapatang magreklamo. Hindi naman TAYO. Magmumukha lang akong tanga sa paningin mo.

Sana hindi nalang ulit kita kinausap. Sana hinayaan ko na lang ang mga pambobola mo! Sorry kasalanan ko 'to. Kasalanan ko kasi hinayaan ko yung sarili kong mahulog sayo. Hinayaan ko yung sarili ko na kiligin sa mga sinasabi mo, sa mga pambobola mo.

                                                           -Erin

Nilandi Mo Lang Ako Where stories live. Discover now