E

11 1 0
                                    

"Hi" Ayan! Ayan ka na naman sa pagpaparamdam mo. Bibihagin mo na naman yung puso kong unti-unti ng nakakaraos sa sakit ng ginawa mo sakin. Ano bang ginawa ko sayo na hindi mo nagustuhan at pinapahirapan mo ko ng ganito?

"Problema mo?" Tanong ko sa kanya habang magkausap kami sa video call.

"Wala naman. Anyare sayo?" Wow! Anong klaseng tanong yan? Matapos mo kong bitawan sa ere, may gana ka pang magtanong sakin ng ganyan?!

"Wow! Ako ang dapat magtanong sayo ng ganyan. Anong nangyari sayo?" Pabalik kong tanong sa kanya na may halong biro para hindi mahalata na nasasaktan ako sa ginawa niya.

"Namiss kita. Ang tagal kitang tiniis na di kausapin. Di mo ba ako namiss?" Wow! Ang lakas naman ng loob mong sabihin sakin yan. Where did you get that? Talagang matagal mo kong tiniis na di kausapin. Bakit mo sinasabi sakin yan? Papaasahin mo na naman ba ako? Papaiyakin mo na naman ba ako? Dudurugin mo na naman ba ako sa mga flowering words mo na yan? Shit! Bumibilis na naman ang tibok ng puso ko. Alam na alam mo talaga kung paano ako kukunin ha.

"Hoy. Sabi ko namiss kita, di mo ba ako namiss?" Ulit niya ng nakangiti.

"Lasing ka ba?" Tanong ko sa kanya. Hindi ko pinansin yung mga sinabi niya. Mag 'no' ka please! Ganyan ka e. Kilala kita! Ganyan ka naaalala mo lang ako kapag nakakainom o nalalasing ka! Putangina! Mukha ba akong bote ng alak sa paningin mo?

"Konti. Hindi naman ako lasing kasi ang lasing ay tulog." Galing naman ng sinabi mo. Geh. Pagpatuloy mo lang yan.

"Sabi ko na nga ba e." Walang ganang sagot ko sa kanya.

"Bakit?" Tanong niya.

"Anong bakit? Kilala kita ha. Ganyan ka naman kapag lasing, saka ka lang nakakaalala. Problema mo ba? Ano nakain mo?" I said habang kunyari may hinahanap.

"Wala naman akong problema. Kanin at ulam lang nakain ko kanina. Sorry. Kapag nakakainom lang ako nagkakaroon ng lakas ng loob." Shit. Dahil sa sinabi mong yan nagiging marupok na naman ako pagdating sayo.

"Sure ba yan? Baka naman minumulto mo lang ako." Seryoso kong tanong sa kanya.

"Bakit naman kita mumultuhin e mahal nga kita. Mahal na mahal kita. Bakit ba palaging di ka naniniwala sakin? Mahirap ba akong paniwalaan? Seryoso naman ako sayo e. Ang tagal kitang tiniis tapos di mo yata ako namiss. Ito na nga ako oh. Mahal na mahal kita, Erin. Can you be my girlfriend? Alam mo kapag ako naging boyfriend mo susunduin kita sa bahay niyo para ihatid sa pinagtatrabahuhan mo tapos pag tapos na working hours mo susunduin kita para ihatid sa inyo. Ganyan kita kamahal. Sagutin mo na ako."

Haba ng sinabi mo ghorl, asan ka ngayon? Asan ka ngayon para panindigan sakin yang mga sinabi mo nung araw na sinabi mo yan sakin! Putangina! Pinaasa mo ko! Kilig na kilig pa naman ako dahil sa sinabi mong yan kaso pambobola mo lang pala yan. Ang sakit naman nan.

"Bakit parang nagmamadali ka?" Nakangiti kong tanong sa kanya.

"Di naman ako nagmamadali, gusto ko lang na sagutin mo na ako kasi baka makahanap ka pa ng iba na mas better sakin." Weh? Tangina. Kaya pala minamadali mo kong sagutin ka kasi ikaw pala itong maghahanap ng mas better sakin. Ang paasa mo naman.

"Ibig sabihin makakapaghintay ka pa naman kasi di ka naman nagmamadali? Pwede bang ipaalam ko muna kay mama ito? Gusto ko kasing siya unang makaalam nito." Saya ko dito no? Halatang kilig na kilig ako.

"Sige. Ako na mismo pupunta sa bahay niyo para magpakilala sa mama at papa mo. Ako na mismo magsasabi sa mama at papa mo na nanliligaw ako sayo." Sarap sa ears na sayo mismo nanggaling yang mga katagang yan. ASAN KA NA NGAYON? May balak ka pa bang tuparin yan? O sa iba mo na tinupad?

"Weh? Tunay ba yan?" Tanong ko sa kanya. Hays. Nagpabola pala ako sa taong lasing na puno mg alak ang utak.

"Oo nga. Bakit ba palagi kang di naniniwala sakin? Lagi kang duda sakin. Ako ba ang first boyfriend mo kapag sinagot mo ko?" Nakangiting tanong niya sakin.

"Syempre. Di kasi kapani-paniwala na sinasabi mo yan. Oo, ikaw." Sagot ko sa tanong niya.

"Maniwala ka sakin kasi mahal nga kita. Ang swerte ko pala kung ganon kasi ako ang magiging first boyfriend mo. Sagutin mo na ako." Oo swerte ka talaga! Swerte ka talaga sakin dahil hindi pa tayo loyal na ako sayo. Di pa tayo pero kilala ka na ng mga magulang at kamag-anak ko. Ganyan ako ka-proud dahil akala ko totoo kang para sakin.

"Akala ko ba makakapahintay ka? Bakit para naman minamadali mo ko." Tanong ko ulit sa kanya. Ang kulit e. Taeng-tae ka ba magka-jowa nung araw na sinabi mo sakin yan?

"Hindi kita minamadali. Gusto ko lang ma-secured na talagang sakin ka lang." Wow! Possessive mo naman po pala tapos yun pala pinaasa mo lang ako.

"Ipagpapaalam pa nga kita kay mama saka sabi ni mama kung tatanggap daw ako ng manliligaw, kailangan sa bahay pupunta di sa chat nanliligaw." Sabi ko sa kanya pero yung totoo kilala na siya ni mama. Gusto ko lang talagang pumunta siya sa bahay para sure na talagang seryoso nga siya.

"Sige. Ako mismo pupunta dyan pag-uwi nila."

"Sure?" Tanong ko habang nakatakip ng unan ang mukha. Kilig na kilig pa ako dyan. Bobo ko, nadaan ako sa pambobola. Kaibigan pa naman kita tapos ganito ginawa mo sakin.

"Oo nga. Tulog ka na may pasok ka pa bukas. I love you." Wow. Taray naman. Wala pa tayong label pero may pa-I love you ka na ah. Ngayon mo sakin sabihin yan kung talagang seryoso ka nga. Baka naman sa iba mo na sinasabi yan? Gago ka!

"Sige. Goodnight, tulog well." Masaya kong sabi sa kanya. Ang harot mo Erin!

"Goodnight. Sweetdreams, I love you." Sweet mo naman pala ghorl. May heart heart pa yung dulo ng I love you mo. Sana pinanindigan mo yang pa-I love you mo sakin, pinaasa mo lang ako e.

-----
Hope you like it. Sana may maka-relate. Next update soon.

Nilandi Mo Lang Ako Where stories live. Discover now