M

7 0 0
                                    

April 10

Nagchat ako sayo! Kinukulit kita kasi I want your time! Di mo ba gets yun?

"Allen, may sasabihin ako sayo." Chat ko sa kanya para kang mapansin ako kaso no response. 8:00 pm ako nag send ng chat.

"Wait lang may pupuntahan lang ako." Time check 10:30 pm.

"Charge lang din ako." Pahabol niya pa.

Sad. Ako na yung gumagawa ng paraan para makapag-usap tayo pero mukhang nababalewala ako.

"Okay" walang ganang reply ko. Makalipas ang isang oras nagchat siya.

"Hey. Ano yung sasabihin mo?" Nabuhayan ako ng loob kasi mukhang magkakatime na kami.

"Sabi ni mama kung seryoso ka daw talaga sa panliligaw punta ka raw dito sa bahay at gusto ka daw nila makilala. Yun lang naman yung sasabihin ko." Reply ko. Ang lakas ng tibok ng puso ko.

"Di pa ako ready" tipid na reply niya. Bumagsak ang balikat ko at nawala ang ngiti sa labi ko sa nabasa kong yan. Totoo ba talagang di ka pa ready? Sabi mo ikaw mismo pupunta! Change of plans na ba?

"Ay sige, sabihin ko sa kanila." Tamad kong reply.

"Call ako sayo, trip mo ba?" Naghintay ako ng tawag niya sa messenger pero di siya tumawag! Yung totoo?

"Akala ko ba tatawag ka? Sali ka samin naglalaro kami ng ML?" chat ko sa kanya bago ko buksan ang ml app ko sa phone kaso nadismaya na naman ako sa sinabi niya.

"Tutulog na ako, lasing ako e. I call you sana kaso maglalaro ka." Sus! Sinabi mo na nga na tatawag ka pero di ka namn tumawag. Nag-intay ako sa tawag mo!

"Pwede ka naman tumawag habang naglalaro kami o kaya after namin maglaro." Reply ko ulit, this time in game na kami. Nag start na ako pumili ng hero ko na gagamitin.

"Di na, bukas nalang. Tutulog na ako. Night." Sa reply niya na ito wala na akong tiwala. Nasasaktan na ako. Feeling ko talaga wala na akong halaga sa kanya.

After ng 2 games namin, di na nasundan pa ang paglalaro. Nag ayawan na ang mga kakampi ko. I opened my messenger and I saw him online! Sabi mo tutulog ka na? Sinungaling!

"Akala ko ba tutulog ka na?" Di ko namalayan na nagtype na pala akong ng.sasabihin ko sa kanya.

"Patulog na ako. Masakit ulo ko." - him

"Ge. Tulog na ako." Wow! Ang lamig naman ng mga reply mo sa chat ko. I feel so ignored. Binabalewala na ako ng taong gusto ko. Binabalewala na ako ng taong mahal ko. Binabalewala na niya ako. Nalulungkot ako, parang sasabog ang puso ko sa lamig ng mga reply niya sakin.

Meron na bang iba? May iba ka na ba? Umiikli na yung mga reply mo sakin, baka naman humahaba na yung mga reply mo sa iba? Ano ba Allen Martin, nandito  pa ako.

After that convo hindi na muling nasundan. Everyday siyang online, maghapon pang online pero bakit wala siyang time para kausapin ako? Ang sakit! Ang sakit-sakit umasa sa taong naaalala lang ako kapag lasing o nakakainom siya. Nauumay na akong mangulit sa taong hindi na interesado sa akin.

----
Hope you like it. Short update lang po muna. Next update soon. Thank you.

Nilandi Mo Lang Ako Where stories live. Discover now