Kabanata 18

1.6K 86 31
                                    

Kabanata 18...
Love


Excitement filled my body as I watch my boys climb up to the stage to get their award. I'm so proud of them! Hindi ko alam na ang paglalaro pala ni Kai nang online games na iyon ay makatutulong sa kan'ya sa ibang bagay bukod sa pagpupuyat!

Kagaya nga ng inaasahan ko, mas rumami ang tao nang awarding na. Pero hindi pa rin ganoon karami, halos puro lalaki, kung may babae ma'y mga girlfriends o napadaan lang.

"Congrats!" I jump at them for a hug.

Nag tawana naman ang mga ito habang tinatapik ang isa't-isa. May iba ring lumapit sa kanila, kaya lumayo muna ako saglit at sumama kay Oliv at Adonis na tahimik lamang na nakamasid sa malayo.

I look at Adonis teasingly. Tumatawa naman itong umiling sa akin kaya napaharap si Oliv sa kan'ya.

"Kakain ba tayo mamaya?"

"Puro ka kain," ani Adonis.

"Bakit hindi ka ba kumakain?" I roll my eyes. "Ano?!"

"Kayo ang bahala, pero if meron, then I'll go."

I smile and nod at her before putting my arm on hers.

Kai didn't know we're giving all the contest reward to him, ang alam lang nito'y maghahati-hati sila dahil pare-pareho naman silang nanalo. However, nang nalaman ng mga iyon ang dahilan kung bakit sumali si Kai sa contest, sila na mismo ang nag suggest na ibigay ang lahat kay Kai.

I'm really happy for him, and somehow thankful for the boys. Ang babait!

Thankful enough, isang aya lamang sa kanila'y agad nagpayagan. Besides, hindi pa sapat ang celebration namin kahapon! We need to party! I suggested to go to a pub. Muntik na ngang umangal si Kai dahil sumibol nanaman ang Daddy instincts nito, pero dahil pumayag agad ang grupo'y wala na s'yang nagawa.

"Cheers to winning!" I said in a loud voice and raise my mug of beer.

Dahil puro lalaki'y mabilis napuno ng hiyawan nila ang tenga ko. Panay lamang ang halakhak ko sa bawat mapanlaro nilang hiyaw, idagdag pa si Oliv na hindi ko alam kung natutuwa ba o naiirita, pero nakikita ko din namang pangiti-ngiti.

"Ano ba! Loosen up naman," I chuckle.

Umiling lamang ito sa'kin at kumuha ng makakain. Muli ko pang binagga ang balikat nito, pero talagang ayaw mag gagalaw!

Nang mapansin kong halos malapit nang maubos ang inumin at pagkain namin, mabilis akong sumenyas kay Sawyer na hindi agad nakuha ang gusto kong sabihin! Sawyer's already fucking tipsy!

Umirap ako bago lumapit at bumulong dito, mabuti naman at naintindihan pa ako.

"Kai! Come here!"

I roll my eyes when I heard his accent. Tuwing lasing talaga'y mas tumitigas ang accent n'ya.

Ang kaninang nagkalat na boys ay muli nang nagsilapitan sa amin, agad na nangunot ang noo ni Kai doon. Ngumisi ako.

Hindi n'ya matatanggihan 'to, kasi paniguradong katulad ni Sawyer pumasok na rin sa sistema nito ang alak.

Nag simula nang magpaliwanag si Sawyer nang biglang tumunog ang cellphone ko. I thought it was Mommy since its kind of late, but when I saw its Asher, agad akong ngumisi at sandaling lumayo dahil ang ingay doon sa amin.

"Hi! Why?"

"You're still out?"

"Yeah, I'm sorry. We're just having fun. Besides, our food's almost done, after that, we'll surely go home. You ba? Are you home?"

Serendipitous EncounterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon