It's my first month in clerkship already. My rotation now is Pediatrics. Kaharap ko ngayon ang batang babae na may ubo. Nahihirapan akong gamitan siya ng stethoscope dahil natatakot siya. Baka raw ay masakit ito.
"No baby. This won't hurt. You see this round thing? I will place this on your chest to listen to your lungs. This won't hurt you."
Ang Mommy niya ay kinukumbinsi din siya pero patuloy lang siya sa pagsabi ng masakit daw itong stethoscope.
Ngumiti ako at kumuha ng lollipop sa bag ko. She then became attentive at me.
"I will only give this to you when you let me place this round thing on your chest." I smiled at her.
Tinignan niya ang Mommy niya at binalik ang tingin sa akin and she nodded.
I love what I'm doing. I love the feeling of seeing people getting healed and checked lalo na kapag ako ang gumawa. I'm gonna be honest, I don't usually like kids, they're annoying and loud, at ngayong nakakaharap ko na sila parang hindi na ako masyadong naa-annoy. Although sometimes I get really upset kapag nagiinarte sila, pero I should sanay myself dahil baka maalis ako dito.
Alas singko na ng hapon at hindi pa rin ako kumakain, buti nalang may dala akong banana chips at yogurt sa bag, kaya heto ako ngayon, kumakain habang nagcha-chart. Mag-a-out na ako ngayong alas sais kaya minamadali ko na itong census para sa araw na ito.
Patapos na ako sa ginagawa ko nang biglang tumunog ang cellphone ko, Angelie is calling. Ngayon pa talaga tumawag.
"Ano? Manggugulo ka na naman? Wala na akong pera, inubos mo na." bungad ko.
"Hoy may cash ako dito, no! Magtatanong nga ako kung kailan ka hindi busy para gumala ulit tayo, tas ganyan ka umasta? Ang pangit mo!"
Natawa ako.
"I love you, Angge." natatawa kong sabi. " Ngayong gabi lang ako free dahil 24 hours ang duty ko bukas. Pwede ngayon?"
"Kaya mo pa ba? Baka bumagsak ka niyan. Ang bigat mo pa naman, iiwan talaga kitang nakahandusay sa daan."
"Gaga 'to. Kaya pa nga. Pero hanggang alas dies lang tayo, kailangan kong mag beauty rest."
I heard her cussed and told me the address kung saan kami magkikita.
Tinapos ko na ang pag print ng census at nag out na. Nag taxi ako papunta sa mall kung saan kami magkikita ni Angelie.
After a few minutes, nakarating na ako sa mall. Dumiretso ako sa may park na nasa mall lang din at hinintay siya doon.
Maya-maya lang ay nakita kong papalapit na si Angelie kaya tumayo na ako.
"Gaga ka, kanina pa 'ko dito. Kung di kita nilapitan baka naabutan na tayo ng umaga dito."
"Ay sorry." natawa ako. "Hindi kita nakita, baliw! Tara na."
Pumunta muna kami sa paborito niyang restaurant at doon kumain. Tataba talaga ako kapag si Angelie ang kasama ko dahil pambihira siya um-order, akala mo isang baranggay ang kakain, kami lang naman. Hindi ko alam kung bulate ba o ahas na talaga ang nasa loob ng tiyan niya.
"Angge, hindi ko mauubos 'to."
"Kumain ka nalang, ako naman magbabayad. Buti nga nilibre ka, e!"
Kain ng kain hindi naman tumataba. Umirap ako.
Nakakalahati na namin ang pagkain nang biglang may lumapit sa amin na lalaki. I mean, lumapit kay Angelie. Naka cap ang lalaki at may face mask kaya hindi ko nakilala.
"Sa lahat ng lugar na pwede kitang makita, dito pa talaga sa paborito nating kainan. Nami-miss mo ba 'ko?" sabi ng lalaki.
Kingina kilala ko 'to, ah. Nagkatinginan kami ni Angge.
"Ikaw? Bakit ka nandito? Miss mo na din ba ako?" tanong ni Angelie, she look at the guy with her cold eyes.
The brute laughed sarcastically. Kilala ko talaga ang gagong ito. Pabalik-balik ang tingin ko sa kanila, hindi alam kung paano sila nagkakilala at kung bakit ganito sila mag usap.
"What if I say yes? Would you want me back? Are you willing to come back to me? Will you love me again?"
Kung ang mata ko kanina ay nanlaki na, mas lalo naman ngayon. I didn't know what happened to them. Were they together before?
Magsasalita na sana ako nang biglang sumulpot si Brylle.
"Nanakawin ko lang." sabi niya sabay hawak sa kamay ko. "You two continue your..uh.. talking, I'll get my girl."
Uminom na ako ng tubig at tumayo. I leaned forward to kiss Angelie. Sinapak ko naman ang gago.
"Umayos ka. Mag-uusap tayo tungkol dito." sabi ko at tumango naman siya.
Umalis na kami ni Brylle. Hindi pa rin mawala sa isip ko kung bakit sila magkakilala. May alam naman ako sa mga naging lalaki ni Angelie pero hindi niyan na kwento sa akin ang ugok na yun. Ang alam ko lang ay nagkikita sila noong mga bata pa kami dahil magkaibigan ang pamilya nila ni Reianne at napapasama ang buang na iyon kapag may ganap. Mas close kasi noon sina Reianne at Angelie kaya napapasama din ang tao na 'yon.
"How's your day? You look stressed." tanong ni Brylle.
Nilingon ko siya at tinaasan ng kilay. "Did you say something?"
"I just asked you about your day. Did you have fun?"
Tumango ako at ngumiti.
"I think it's not a bad day. Nasa hospital lang naman ako the whole day. I'm getting used to the kids." I giggled.
Tumawa siya. "Really? I hope you're not hitting them." pabirong sabi niya.
"Hindi no!" pagdedepensa ko sa sarili ko. " Maaring hindi ko bet ang mga babies pero hindi naman ako nananakit. I'm a good doctor, love."
"That's good. Mas gusto ko kapag strikto ka sa mga anak natin but I won't like it when you hit them." natatawa niyang sabi.
Napatingin ako sa kanya. There he goes again with that child thing. Are we having kids though? I mean I want to have kids but..
"What? You don't want to have kids?" tanong niya nang mapansing nakatitig lang ako sa kanya.
"N-No. I want to have kids.. yes, but it's still early to have one now."
He sighed. "Right. But we'll definitely need to have kids, maybe three or four." he playfully raised his eyebrows. "The more the merrier."
Sinapak ko ang braso niya. Baka malosyang naman ako sa dami niyan. But this is all just plans, I'm not really sure if we will have kids now that my aunt and my parents both agreed that I have to go to Maryland. It really sucks to choose between my heart and my dream. I can choose both naman pero baka hindi namin kakayanin ang long distance relationship.
"Same routine tomorrow. I'll pick you up, take you to school, I go to work, lunch together if we have time, and go home together. Copy?" he reminded me like a dad reminding her daughter on what to do.
"Yes daddy." tumango ako.
He creased his brows and gave me a scary look. Ano na naman?
"Don't call me daddy. This thing down here wakes up."
Naguluhan ako. Tsaka ko lang na gets nang tiningnan niya ang ano niya.
"Gago! Ang dumi mo! Makaalis na nga!"
Tumawa siya ng malakas at hinila ako pabalik ng sasakyan nang sinubukan kong bumaba.
"I'm just kidding." he said in between laughs, nakayakap siya sa akin ngayon.
"Ang baboy mo, Brylle. Ewan ko sa'yo." inirapan ko siya kahit di niya nakita.
YOU ARE READING
Heal My Wounds, Love
General FictionWhat will you do when you are already so close to success but, you must give up your heart to achieve it? Are you willing to sacrifice your happiness to be successful? Napa isip din si Venice ng ganyan. Is she willing to give up her heart to achiev...