It's been 2 weeks since the class started at sinasanay ko parin ang sarili ko dito sa kolehiyo. I've made a few friends but hindi kami masyado nagkakasama dahil iba-iba kami ng course. Nagsisimula narin akong mabaliw dahil nahihirapan ako sa ibang subjects.
I only have one class this morning and two classes in the afternoon so I still have time to review for this afternoon's test. Pumunta ako ng library at nilapag ang mga gamit sa table roon. Kinuha ko ang mga gamit sa pag study at nagsimula na.
Oh god! Wala akong ma gets! I've been reading for 30 minutes now and wala pa ring pumapasok sa utak ko. I need chocolates. At dahil isa akong dakilang makakalimutin, hindi ako nakabili. Malayo pa naman ang cafeteria dito. A 10 minutes walk won't hurt, right?
I'm heading to the cafeteria now. Ang init, ah! Malayo pa talaga ang lalakarin ko, football field at Engineering Building pa ang madadaanan ko bago makapunta ng cafeteria.
A few more steps and..YES! I'm finally here. Parang isang kilometro ang nilakad ko. Bumili ako ng dalawang Goya at isang box ng Curly Tops. Sigurado makakapag focus na ako. Sa dami ba naman nito. Bumili narin ako ng tubig.
Dahil tinatamad na akong bumalik ng library, umupo nalang ako sa isang bench na malapit sa cafeteria. Mahangin dito kaya nakaka relax. Pinagpatuloy ko ang pagbabasa habang kumakain ng Goya.
"Hoy!"
"Amp!" jusko ikakamatay ko to. Pag lingon ko sa likod si Faye lang pala. Natawa siya sa reaksiyon ko.
"Ang seryoso mo naman."sabi niya, natatawa pa rin.
"Alam mo, ikaw talaga magiging sanhi ng pagkamatay ko." sabi ko at natawa siya ng malakas.
"E kasi halos halikan mo na mga libro mo." kumuha na siya ng isang piraso ng chocolate ko. "Ang tamis naman!"
"May maalat bang chocolate?"
She rolled her eyes at me.
"Makakapasa ka nga sa exams pero magkaka tonsillitis ka naman."
"Wag ka nga manghingi!" sabi ko dahil nakakatatlo na siya sa curly tops.
"Damot nito!"
Nilagay ko na ang mga pagkain ko sa bag. Siya lang makakaubos nito, sigurado.
Mula dito sa inuupuan namin, makikita ang football field. Pinapanood namin ang mga naglalaro.
"Go Oli!!" sigaw ni Faye.
"Sinong Oli? Asan?" nagtataka kong tanong.
"Yun, oh! Naglalaro! Naka blue."
"Asan nga? Tatlo silang naka blue, tanga!"
"Rivera! 12!" sabi niya, kinilig.
Tiningnan ko ang tinuro niya. Nge! Oli Rivera? Parang oil na namali ng spelling.
"Oli pangalan niyan?" tanong ko sa kaibigan kong halos pumutok na ang pisnge sa sobrang pula.
"Oliver Rivera. His friends call him Oli."
Di ko alam kong humihinga pa ba itong kaibigan ko. Nagkaka crush din naman ako pero hindi naman ganyan itsura ko. Kalma nga lang ako, e.
Nanood na lang din ako sa naglalaro. Well wala talaga akong alam sa sports kaya hindi na ako sumabay kay Faye sa pag cheer. Sino naman i-chi-cheer ko?
Nakatutok lang ako sa naglalaro ng biglang sumulpot ang isang lalaki sa harap ko, natabunan niya ang tinitignan ko. My brows furrowed.
"Hey!" he said as he extended his arms." I'm Nicolas." he smiled at me.
I looked at my side to ask a help from Faye pero wala na siya sa tabi ko. Where the hell is she? Binalik ko ang tingin ko sa lalaki. Tinignan ko pa muna siya at tinanggap ang kamay niya.
"Venice." pakilala ko sa sarili.
"I know." he smiled.
"You know?" I nervously asked. E kasi naman baka alam niya buong pagkatao ko at may gawin siya sakin.
"Well..no..but,yes. Kinda."
"Ano ba talaga?" tanong ko, kinakabahan pa rin.
"I wanna be friends with you."
"Bakit ako?" masasapak ko 'to pag nalaman kong nagbibiro 'to.
"Pota andami naman ng tanong." sabi niya at kinamot ang ulo.
Parang timang naman! Syempre mag tatanong ako! Baka mamaya nanti-trip to.
"Hindi ba pwede? Kaibigan lang, e! Tsaka pareho naman tayo ng course,magkaklase pa tayo. Gusto ko lang mangulit."
Bakla ba 'to? Ang dami daming lalaki sakin pa nakikipag kaibigan! May sira ata to.
"Alam mo, hindi ko alam kong chick boy ka o bakla!"
"Maka bakla naman to! Sige na Venice! Kailangan ko talaga ng makopyahan, e!"
"Aba! Ang swerte mo naman! Hindi ko nga pinapakopya kaibigan ko tas ikaw mangongopya?"
"Bahala ka! Friends na tayo! Alis na ko,may game kami." sabi niya habang tumatayo.
Aba! He knows me? Gwapo pa naman siya, bakla nga lang.
Dalawang oras na pala akong nakatambay doon. Pagtingin ko sa relo ko alas dose pa ng tanghali. Pupunta nalang ako ng room, magpapalipas ng oras. Magre-review sana ako, e!
4 hours lang ang klase ko ngayong hapon kaya mga alas kuatro ng hapon ay natapos na kami.
"Ven!"
I know that voice. Hindi ako lumingon.
"Hoy babae! Venice! Bingi ka ba?"
Hindi parin ako lumilingon. Mangungulit lang yan. Hindi ko parin inaaprubahan ang friend request niya. Bahala siya!
"Aray!" napahawak ako sa ulo ko nang may humili sa buhok ko.
"Ba't di ka ba nakikinig? Tanga ka?" nasa harap ko na siya. Pawis na pawis. Ano ba ginagawa nito?
"E sa ayaw ko makinig! Bakit ba nanghihila ka ng buhok? Bakla na to!" I rolled my eyes.
"Oy di ako bakla! Anakan kita dyan, e!"
My eyes widened. The fuck did he just say?
"Yuck! Ang baboy mo!" lumayo ako sakanya. Narinig ko ang tawa niya.
"Uuwi ka na?"tanong niya nagpipigil ng tawa.
"Oo! Wag ka makulit, masasapak kita!" naiinis na ako.
"Okay. Hatid na kita sa sakayan, mamaya pa uwi ko."
"Nagtanong ba 'ko?"
"Ang sungit mo naman! Nagpapaalam lang naman ako, baka kasi hanapin mo ko, magagalit ka tas aawayin mo ko at maririnig ng mga anak natin."
Napatigil ako sa paglalakad dahil sa sinabi niya.
"Ano ba?! Parang tanga naman 'to! Umalis ka na nga!"
Tumawa siya ng malakas at napahawak sa tiyan niya.
"Dito nalang ako. Magsisimula training namin." natatawa pa rin siya.
"Bahala ka dyan!" nagsimula na akong maglakad. Ang pula na ng mukha ko dahil sa mga pinagsasasabi niya. Narinig ko pa ang halakhak niya.
Asshat!
YOU ARE READING
Heal My Wounds, Love
General FictionWhat will you do when you are already so close to success but, you must give up your heart to achieve it? Are you willing to sacrifice your happiness to be successful? Napa isip din si Venice ng ganyan. Is she willing to give up her heart to achiev...