"So you're telling me that Brylle Andrews is your fiance?!" gulat na tanong ni Reianne.
Ako din. Hindi ko parin matanggap na si Brylle ang ikakasal sakin. It's been a month since that engagement party and every weekend lumalabas kami ni Brylle. Wala lang, para lang may maipakita kami sa magulang namin.
"Yes, Rei."
Nanlaki ang mga mata niya at impit na sumigaw. Inambahan ko siya ng sampal at sinenyasan na tumahimik.
"Oh my god! Damn! You're one lucky girl!" hinila niya ng bahagya ang buhok ko. I glared at her.
"Lucky my ass. Kung may lakas lang akong kalabanin sina mama at papa, hindi na ito mangyayari."
Tinawanan niya ako. "You look okay to me. I mean, ang blooming mo kasi. Parang naaalagaan ka ng maayos. Ang saya mo tignan."
Parang gaga 'to.
"Siyempre blooming kasi..ano..naka make up. Tsaka, I don't want to look weary."
What? She wants me to look ugly? At dapat lang na masaya ako, no! Ano? Iiyak nalang ako lagi? Porket ikakasal, iiyak nalang ako? No no!
"Talaga ba? E, lumalabas daw kayo palagi, e. Date daw." she teased me. Kaya ayaw ko talaga sakanya kapag ganito pinag uusapan namin, e.
"It's just for a show, Rei."
"A show? Baka totohanan na yan, ah. Baka nahulog ka na."
What? No way! Ayoko! Hindi mangyayari yon! Never! Over my dead gorgeous body!
"Ikaw ang mahuhulog sa inuupuan mo kapag hindi ka pa tumigil."
Tinawanan niya ako.
"We'll see, Ven." kinindatan niya ako.
Hindi ako magkakagusto sa lalaking yun, no! Asa siya. Bukod sa babaero, talagang hate ko ang mga kagaya niya. Anak ng mayaman, at sikat pa. Marami akong ka agaw. No, thanks. Okay lang ako.
Gagala kami ngayon ni Reianne, kasama dapat si Angelie kaso may lakad daw siya. Akala niya di namin alam mga lakad niya. Every weekend is our girl bonding, kakain kami, manunuod ng movies, bar, at iba pang bonding. Ginagawa namin 'to since we were in high school.
Nasa Forever 21 kami namimili ng damit. Ako ngayon ang gagasto para samin dahil si Reianne ang nagbayad last week. Kaya naman, halos nabili na niya ang buong store.
"Ano ba 'yan, Rei! Ang dami! Hindi na iyan magkakasiya sa closet mo!" pagrereklamo ko.
"Oh dude. May bakanteng cabinet si Mom, don't worry." she tapped my cheek.
"Grabe naman! Aabot na iyan ng isang milyon!" kinuha ko ang mga pinili niyang dresses at kinuha naman niya iyon pabalik.
"Ang O.A! Hindi nga ako nagreklamo nang umabot ng kalahating milyon iyong pinamili mo last week!"
"Ating dalawa naman iyon! Rei, hati tayo kung bibilhin mo lahat ito. Mauubos pera ko nito, e!"
"Ang damot mo talaga kahit kailan. Kuripot pa! Maganda nga, kuripot naman." naglakad kami papuntang cashier.
"Hindi naman ako magrereklamo kung hindi ganito ka dami pinamili mo, e."
In the end, ako nagbayad ng lahat. Wala na. Ubos na pera ko. Ako pa talaga kuripot, ah. Lagot ka sakin next week, uubusin ko iyang laman ng cards mo.
Pagkatapos kumain, umuwi na kami. Ako yung napagod dahil sa ginastos namin ni Reianne. Feeling ko lalagnatin ako dahil wala ng laman ang wallet ko.
Sunday came and I woke up to my mother's voice. Ang ingay! Parang nakalunok ng megaphone.
"Anak! Dali na!" katok ni mama sa pintuan.
YOU ARE READING
Heal My Wounds, Love
General FictionWhat will you do when you are already so close to success but, you must give up your heart to achieve it? Are you willing to sacrifice your happiness to be successful? Napa isip din si Venice ng ganyan. Is she willing to give up her heart to achiev...