I was looking at the shot glass in front of me while my other cousins are getting wild on the dance floor. Tapos na ako sa duty ko for this day at diretso agad ako sa pag inom kasama ang mga pinsan ko. I feel like I deserve this night after a long day at work.
"Oh my God! Don't be a saint, Ven. Join us!" sigaw ni Angelie nang makalapit siya sa table namin, agad niyang ininom ang Smirnoff mula sa bote.
These pieces of shit are already drunk. Hindi pa nga nag-a-alas onse.
"Pagod ako, Angge."
Ininom ko ang shot ko at kinuha ang cellphone para ipaalam kay Mama na kasama ko ang mga pinsan ko. Kanina pa 'yon tumatawag at text nang text kung nasaan ako.
"Nandito, parang tanga, ayaw sumabay sa atin." narinig kong sabi ni Angge.
Inangat ko ang tingin ko at nakitang papalapit na si Reianne sa table namin. Agad niya akong nakita at lumapit siya sa akin.
"Why are you here all alone? Kaya nga kita sinama dahil gusto kong magsaya tayo." sabi niya.
Sumandal ako sa likod ng inuupuan at huminga ng malalim.
"I'm too tired to dance. Galing pa nga akong trabaho, 'di ba?" I downed another shot.
Shots lang ako ngayon. Hindi pa naman malalim ang gabi.
"What? Edi sana hindi nalang tayo nag club kung hindi ka pala sasabay sa amin. My goodness, Ven."
Tumawa ako.
"I'm having fun, Ate Rei."
"Where's the fun here? Para kang batang inaapi na nakaupo dito. Nakatulala pa."
Inabot ko sa kanya ang Smirnoff na mag-isang tinutungga ni Angelie. Agad naman niyang ininom 'yon.
"Rei, alam mo namang sumasabay ako sa inyo sa dancefloor kung hindi ako pagod, 'di ba? Hayaan niyo na ako dito." niyakap ko siya.
"Next time hindi ka na namin isasama dito." sabi niya na nagpatawa sa akin.
"Ilang beses niyo na bang sinabi 'yan, ha? Scam 'yan, e."
Inirapan niya lang ako. I am now in my fellowship year. Although busy pa rin, pero mas maluwag na ang schedule ko ngayon, unlike when I was in residency. Kaya nga ako nakakapag-walwal kasama itong mga babae ko.
"Naku! Maniniwala ka sa batang iyan, Rei? Hindi 'yan pagod, no. Palusot niya lang 'yan dahil miss na miss na niya si ano." singit ni Angge sa usapan namin.
Ang pangit nito! Inirapan ko siya at inambahan ng suntok.
"Ang violent pa. Kaya walang nagtatagal sa'yo, e." dagdag niya.
"Excuse me, madaldal na aso. Hindi ako violent sa ibang tao, sa'yo lang na pangit ka!"
Hinila ko ang buhok niya at agad ding binitawan 'yon.
"Hoy, tama na 'yan. Nagkakasakitan na kayo." awat ni Reianne sa amin.
I glared at Angge while she's just smiling at me. Ang pangit naman!
"E, kasi si Angge! Ang daming sinasabi, hindi naman totoo." sumbong ko kay Reianne.
Tinampal ni Reianne ang braso ni Angelie at pinandilatan siya. Bumaling naman ako sa kanya at inirapan siya. Ang dami-daming lumalabas na kung ano sa bunganga niya. Kakainis.
Nagpatuloy na kami sa inuman. Dinagdagan na rin namin ang drinks namin para umabot kami ng madaling araw. Plano nilang abutan ng umaga rito. Hindi na sila bumalik ng dance floor kahit na tinatawag na sila ng mga kakilala nila. I really want to dance though, sobrang pagod lang talaga ako.
YOU ARE READING
Heal My Wounds, Love
Ficción GeneralWhat will you do when you are already so close to success but, you must give up your heart to achieve it? Are you willing to sacrifice your happiness to be successful? Napa isip din si Venice ng ganyan. Is she willing to give up her heart to achiev...