"Hindi na nga kailangan ng engrande, Ma. Okay naman na dinner lang, e. Para hindi na masyadong magastos," sabi ko kay Mama.
Malapit na ang birthday ko at pinag-uusapan namin iyon ngayon. Kakauwi ko lang galing trabaho at naghahapunan kami ngayon.
"Anak, nag dinner lang tayo last year at hindi lahat nakadalo. Mas mabuti kasi ang party dahil maiimbita mo ang mga katrabaho mo as well as your friends. Kaysa sa family dinner lang, kami-kami lang ang nakakasama mo," sabi ni Mama.
"Kaya nga. Madaming bisita, nahihiya ako."
Napahawak siya sa noo niya. Si Papa naman ay natawa habang nakikinig sa amin ni Mama.
"Doktor ka na't lahat, ngayon ka pa mahihiya? Para namang hindi mga tao ang nakakahalubilo mo sa trabaho dahil nahihiya ka pa din," natatawa niyang sabi.
Ngumuso ako. Hindi naman ako mahiyain talaga. Ang iniimbita kasi mostly ni Mama ay iyong mga kaibigan ko noon pa na hindi ko na masyadong nakakasama ngayon. Siyempre, ang awkward non para sa akin. Lalo na at hindi kami palaging nag-uusap. At sa mga katrabaho ko naman, obviously doctors and nurses ang iimbitahin ko, hindi naman ako nahihiya sa kanila, ang awkward lang din para sa akin. Hindi ko alam kung bakit.
Kaya nga family dinner lang ang gusto ko para family lang talaga at iilang mga close friends ang present sa birthday ko. Hindi buong sambayanan.
"Let her decide, Michelle. It's her birthday," sabi ni Papa kay Mama.
Nilingon siya ni Mama nang nakakunot ang kanyang noo.
"I'm just saying na she should have a party. Tatlong birthdays na niya na dinner lang ang nangyari."
Papa shook his head and pointed at me.
"You tell that to our daughter," Papa said and took a sip on his wine.
I sighed. Nilingon naman ako ni Mama. Hindi na nakialam si Papa dahil alam niyang hinding-hindi siya kailanman mananalo kay Mama.
"Anak, it would be better if you held a party. It's more fun than family dinner," Mama said calmly, trying to persuade me.
"Magastos din kasi ang party, Ma. I don't have enough money for that."
Actually, I can afford to held a party naman. Ang akin lang naman ay sobrang daming gastusin kapag ganoon nga. I am trying to save money. For future use. Half of my salary goes to the bank and the other half is for us to spend. Hindi rin naman malaki ang sahod ko kaya todo ipon talaga ako.
"I'll help you with that. Your father and I have talked about it and we are willing to spend a little money for your birthday," she said while smiling.
Nanliit ang mga mata ko. I doubt it. Little money? Yeah, since when did my parents spend little money for me? Halos magwaldas na nga ng pera para sa akin. At ayaw ko iyon.
"Hindi naman lahat ng gastos aakuhin namin ng Papa mo. Maliit lang naman. Say for foods lang. Then, you do the rest."
Really? 'Cause I clearly remembered on my 27th birthday in Maryland where they made a whole restaurant closed just so we could have my birthday celebration there. I told them just a family dinner, but it wasn't. The whole clan was there and so are my friends who flew all the way from the Philippines. A whole restaurant closed for a birthday celebration. Hindi ko ma imagine ang perang nagastos doon.
Ang laki ng ngiti ni Mama, ako naman ay nakataas na isang kilay.
"Let's only have less than 200 people to come, okay? I'll tell you who I'm inviting para kayo din ay makaimbita ng mga gusto niyong papuntahin. And please, not everyone, Mama."
YOU ARE READING
Heal My Wounds, Love
Fiksi UmumWhat will you do when you are already so close to success but, you must give up your heart to achieve it? Are you willing to sacrifice your happiness to be successful? Napa isip din si Venice ng ganyan. Is she willing to give up her heart to achiev...