17 : After Ten Years

24 2 0
                                    

[Brielle's]

"Kumusta ka na? Sampung taon na rin ang lumipas, nung huli kitang nakita."

Nakatingin lang ako sa kanya, hindi pa ako handang makita siya pero tadhana na yata ang nagtakda. Andito kami ngayon sa isang coffee shop, I hate coffee shop.

"I'm fine, how about you?" kinuha ko ang frappé na nasa harap ko.

"I'm good so as you. Masaya ako dahil natupad mo kung ano talaga ang gusto mo."

I know he already read my book and I know he knows, that story is our story.

"Anong ginagawa mo rito? I think this is not a coincidence." sambit ko, pakiramdam ko hindi aksidenteng andito siya.

"I've heard, may book signing ka rito. Magpapapirma sana ako, kaso mukhang hindi na ako umabot pero pwede bang pirmahan mo pa rin ito?" may kinuha siya sa paper bag na dala niya at inilapag iyon sa lamesa, libro. Libro ko.

Hindi na ako nagsalita pa at kinuha ang ballpen, pinirmahan 'yon at ibinalik sa kanya.

"Thank you, Brie."

I hated him. I really do pero bakit nung ngumiti siya, parang nawala lahat.

"Daddy!!" napalingon kami sa batang sumigaw.

Nakita ko namang mas lumapad ang ngiti sa labi niya, mukhang huli na nga. Bago pa makalapit ang bata ay kinuha ko na ang atensyon niya.

"I need to go, someone's waiting for me." hindi ko na hinintay pa ang pagsagot niya at tumayo na, narinig ko pa ang huling sinabi ng bata.

"Daddy is she the girl in your stories?"

Nasasaktan ako, hindi ko na itatago pa 'yon. Sobrang nasasaktan ako, bago pa tumulo ang luha ko ay umalis na ako sa lugar na 'yon.

NAGDADRIVE ako nang mag-ring ang cellphone ko, agad ko naman 'yong sinagot.

"Where are you? Kanina pa umiiyak si Bella, hinahanap ka." Shoot! Sabi na dapat kanina pa ako umalis eh.

"I'm on my way, Ty. Wait for me, give her something she wants." Pinatay ko na ang call at binilisan ang pagmamaneho.

Ilang minuto lang ay nasa harap na ako ng bagong bahay namin, nagbukas ang gate kaya agad ko namang ipinasok ang kotse ko. Nakita ko sa labas ang taong kanina pa naghihintay sa'kin.

"Kanina pa siya iyak nang iyak, binigay ko na lahat ayaw pa rin niya tumigil." natawa ako sa itsura ni Tyler, halata sa kanya na stress na stress na siya.

"Magpahinga ka na muna sa loob, ako na bahala sa kanya." nginitian niya ako at tumango lumapit siya sa taong 'yon at naupo.

"Mommy is here na, stop stressing tito na ok?" mas lalo akong natawa sa sinabi niya.

"Come here, Baby. Mommy's home." agad siyang tumakbo papunta sa akin.

"Mommy, saan ka po nagpunta?" nginitian ko siya, kahit sa ibang bansa siya lumaki ay deretso pa rin ang tagalog niya.

"Mommy's from work, sorry if pinaghintay ka ni Mommy." I hugged her tight. She's my diamond, in this world full of fake ones.

"Ang akala ko po ay pinuntahan niyo si Daddy." nawala ang ngiti ko dahil sa sinabi niya. She's too smart for a 10 years old child.

"You'll know him soon, ok ba? You trust Mommy naman diba?" napangiti ako ulit nang ngitian niya ako at tumango. She's the girl version of him, her smile reminds me of his smile.

"Halika na sa loob, may dala si Mommy for you." kinarga ko siya at kinuha ang paper bag sa kotse.

This diamond is my diamond, she's Zienna Isabella Cardova. My daughter, my star and my strength. Noong mga panahong nauubusan na ako ng pag-asa, sa kanya ako kumuha. Noong mga panahong ayoko nang mabuhay, siya ang nagparamdam sa'kin na kailangan pa, kailangan niya pa ako. Sa tuwing sinusubukan kong tapusin ang paghihirap ko, siya ang laging pumipigil sa akin.

Almost a Happy Ending [PUBLISHED UNDER UKIYOTO PUBLISHING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon