25 : Sirene's Wrath

26 1 0
                                    

[Brielle's]

Nakauwi na ako't  lahat pero iniisip ko pa rin ang sinabi ni Sirene. I know her, she can do whatever she wanted to do. Mas mabuti na ang mag-ingat.

"Baby, can you pack your things? You'll be with lola and lolo for a week or two." nakangiti kong sambit sa anak ko, nagtataka naman siyang tumingin sa'kin.

"Saan po kami pupunta?" lumapit siya sa'kin at naupo sa tabi ko.

"Pupunta kayo sa Beach, 'di ba gusto mo mag-swimming?" inayos ko ang hibla ng buhok niya at inipit 'yon sa likod ng tenga niya.

"Hindi ka po sasama?" umiling ako bilang sagot sa kanya.

"May kailangan pa kasing tapusin si Mommy para sa work, so iwan muna si Mommy. Next time na lang ako sasama.

"Si Daddy po?" hinawakan ko ang kamay ni Isabella.

"May work din si Daddy, babawi na lang kami sa'yo. Sa ngayon, si Lolo at  Lola muna ang kasama mo. Mag-eenjoy kayo doon." sambit ko, agad nawala ang pagtataka sa mukha niya at napalitan ng saya.

"Yehey! Basta Mommy babawi po kayo ni Daddy ah. I'll wait for that po." tumango tango naman ako habang nagtatatalon siya sa ibabaw ng kama.

"Sleep na, bukas aalis na kayo. You need to rest, para may energy ka bukas." nakangiti naman siyang nahiga sa kama, inayos ko ang kumoy niya at tinapik ng marahan.

Ilang minuto lang ang lumipas at nakatulog na ang anak ko, lumabas naman ako ng kwarto para pumunta kila Daddy. Kumatok ako sa pintuan ng kwarto nila at binuksan 'yon ng may magsalita sa loob.

"Anong kailangan mo, Anak?" tanong agad ni Mommy ng makapasok ako.

"Mom, pwede bang sa resort muna kayo?" naupo ako sa sofa at tumingin sa kanila.

"Bakit may nangyari ba?" tanong naman ni Daddy, umiling ako ay ngumiti.

"Wala pa, pero pakiramdam ko may mangyayaring hindi maganda. Gusto ko lang maging ligtas si Isabella at pati na rin kayo. Kaya please, Dad. Sa resort muna kayo, kahit isa or dalawang linggo lang." sambit ko, tumayo si Mommy at tumabi sa'kin. Niyakap niya ako at hinaplos ang likod ko.

"Sige, magiimpake na kami ng damit. Ang damit ba ni Zienna naka-ayos na?" hinarap ko si Mommy.

"Ako na po ang bahala roon, Mom. Thank you. I just want you, Daddy and my Daughter to be safe." tumango tango lang si Daddy habang nakangiti sa'kin.

Ilang minuto pa ay umalis na rin ako sa kwarto nila, bumalik ako sa kwarto ni Isabella para ayusin ang mga damit na dadalhin niya. Kinuha ko muna ang phone ko para tawagan si Lance. Ilang ring lang ang narinig ko at sinagot na niya.

"Yes, Brielle?"

"Aalis si Isabella bukas. If you want, you can stop by and say goodbye to her." sagot ko, habang kinukuha ang bag na paglalagyan ng damit ni Isabella.

"Why? May nangyari ba sa kanya?" I can hear worriedness on his voice.

"Nothing. Lance, hindi pa alam ni Sirene na anak mo siya. Kapag nalaman niya 'yon baka may gawin siyang hindi maganda sa anak ko. Gusto ko lang maging ligtas siya. If sending her away can keep her safe, then I'll do it. Kaysa mapahamak siya." paliwanag ko sa kanya.

"You're right. Kapag nalaman nila Daddy ang tungkol kay Isabella, siguradong hindi nila palalagpasin 'yon. I'll stop by tomorrow. Kiss her for me." tugon niya sa kabilang linya.

"I will. Goodnight."

Papatayin ko na sana ang tawag pero nagsalita pa siya, naging dahilan 'yon para matigilan ako sa pag-iimpake.

Almost a Happy Ending [PUBLISHED UNDER UKIYOTO PUBLISHING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon